Eleven

3.9K 68 3
                                    

Eleven

Napagdesisyunan ko nang umuwi na lang sa bahay kaysa kila Lory magpalipas ng gabi. Tiyak na uulanin ako ng tanong non hanggang sa di na ko makatulog. Alas onse na at sobra na ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam anong mangyayari pagpasok ko ng bahay. Tiyak papagalitan ako!

This night was perfect! At walang paglagyan ang saya ko. Busog na busog ako at ganon rin ang puso ko. I feel so appreciated and loved. It feels so good that someone is there to do those things just to make you happy. 

We shared stories as we ate our dinner. He was taking me home as he said. Ayoko nang mag-inarte dahil gabi na rin naman at delikado na sa daan. Ayaw rin naman niya akong pakawalan. I told him to drop me off one block away from our house. 

"Dito na lang, Zymon." 

"Okay. Where's your house, though?" He asked curiously, looking at the houses. 

"There." Tinuro ang bahay naming two storey at halos malaglag ang puso ko nang pinaandar niya ang kotse papunta don. "Zymon! NO!" 

Nagpa-panic na ako at sinasabunutan ko na siya para lang matigil siya pero tawa lang siya nang tawa. "Stop it! We're going to crash my car if you won't stop!" Hagikgik niya.

Mukhang isusuka ko yata lahat ng kinain ko kanina! Umiikot ang sikmura ko sa kaba sa ginagawa niya. Habang papalapit ang kotse niya sa bahay namin buhay na buhay pa ang mga ilaw ay gusto ko na lang magtago sa compartment ng sasakyan niya at 'wag na lumabas habang buhay.

"If I'm going to court you, I'm gonna do it properly. Plus it's so rude of me just to take you out and bring you home late without you dad knowing it."

"I don't mind!" I answered, frustrated. "Hindi naman kasi alam ni Papa na umalis tayo! He knows I'm with Lory!"

"It's alright. We'll tell him so next time you go out with me you won't have to lie."

"Fuck!" Napalo ko ang dashboard niya nang nakita ko si Papa na nakasilip sa bintana. 

"Princess, pumasok ka na!" Sigaw ni Papa mula sa bintana. Ganon kalakas ang boses niya!

"Fuck me!"

"It's too early for that." He chuckled. Nabatukan ko siya nang di oras at sinimangutan. "Let's go?"

"Do I have a choice? Ang kulit mo kasi! I told you to drop me off there not here!" Padabog akong lumabas ng sasakyan niya at binagsak ang pintuan. Hinintay ko siyang makababa at naglakad kami papasok ng bahay.

Pagpasok namin ng bahay ay naghihintay na silang dalawa ng kapatid ko sa sala. Nanlalamig ang kamay ko sa kaba. Alam ko kasi pano magalit si Papa. Baka grounded pa ko nito!

"Mano, Pa—"

"Maupo ka, Princess, ah." Simangot niya. 

Edi umupo naman ako sa harap nila, ganon rin si Zymon. Ngayon na nakaupo kaming apat sa sofa, katapat ang tatay at kapatid ko, mas nagiging totoo ang lahat at umaasa akong papayag si papa na ligawan ako. Nag-aaral naman akong mabuti at siguro pagbibigyan naman nila ako?

"Anong ginawa mo? Bakit ka ginabi? Bakit kasama mo yan? Saan kayo galing? Sino 'yang lalaking kasama mo? Ano mo siya?" 

Bubuksan ko pa lang sana ang bibig ko para sumagot ay may binato na agad siyang tanong kay Zymon. "Ikaw, sino ka? Saan mo dinala anak ko? Anong ginawa mo sa kanya?" 

Bumaling ulit siya sa akin. "Ikaw babae, kala ko ba na kila Lorayne ka? Mag-ano kayo? At higit sa lahat, BAKIT KA NAGSINUNGALING SAKIN?"

"Kasi po, ano... Pap—"

"'Wag mo susubukang magsinungaling sakin." Nanliit ang mata niya sakin. 

"Kasi po—"

"I'll explain, Sir." 

Kailangan ba parating pinuputol 'yung sinasabi ko? May explanation na nga akong na-formulate e! 

"Ako po si Prince, classmate niya. Sorry po at gabi ko na siya naiuwi. And sorry rin po na hindi ko siya napag-paalam na aalis kami. I'm courting your daughter, Sir. Nagpunta po kami ng Star City, nanood ng sine, at kumain. Sorry if she had to lie na nandoon siya kanila Lorayne kahit na ang totoo ay lumabas po kami. Hindi na po talaga mauulit."

Tinitigan siya ni Papa na parang tinitimpla ang kulo ni Zymon. Si Earl naman ay parang walang pakialam dahil naglalaro lang siya ng PSP sa tabi ni Papa pero alam kong nakikinig lang siya sa amin. 

"Ang lakas naman ng loob mong magpunta rito para sabihing manliligaw ka sa anak ko matapos mo siyang kunin nang walang paalam at gabi na iuwi." Tumaas ang kilay ni Papa. Lumingon ako kay Zymon at nakita kong napalunok siya. 

Papa can be really intimidating. The reason why walang naglalakas ng loob na ipagpaalam ako sa bahay para manligaw o kahit man lang ilabas. Madalas takas ako dahil hindi niya talaga ako pinapayagan unless relatives or closest friend like Lory.

"I'm really sorry about that, Sir."

Papa sighed. "Don't come back here until I said so, understand?"

"Yes, Sir. I understand." 

Umakyat na si Papa sa taas at naiwan kaming tatlo sa sala. 

Lumingon samin si Earl. "Kudos sa'yo sa pagpunta rito, Kuya. Pero sana ginawa mo 'yan bago kayo umalis kanina para mas pogi points ka kay Papa." 

Matapos niyang sabihin 'yon ay umakyat na rin siya. Hinatid ko na siya sa gate at nag-pasensya. Hinintay niya muna akong makapasok ulit ng bahay bago siya umalis. Alam kong may sermon pa si Papa kaya hinanda ko na ang sarili. Pagpasok ko ay nasa kusina na siya at tinawag ako habang umiinom siya ng kape.

"Alam mo naman na ayoko muna na makipag-relasyon ka diba?" Tumango ako. "Gusto mo ba si Prince?"

Halos maubo ako sa sinabi niya. "Pa?"

Nagbuga siya ng hininga. "Sa tingin ko alam ko na ang sagot. Anak, hindi naman kita pinipigilang mag-boyfriend kung may magpupursige talagang manligaw sa'yo. Yung sakin lang, ayokong masaktan ka. I want someone to pursue you. You deserve the best and ayokong masaktan ka. Ang akin lang kapag kayo na ay marami kayong pagdadaanan. At kapag nag-away kayo pwede maapektuhan pati pag-aaral mo." 

Naiintindihan ko ang punto ni Papa kaya nakikinig lang ako. One of the reasons bakit wala pa akong boyfriend ay wala ni isang naglakas ng loob ipaalam ako kay Papa sa mga naka-fling ko noon. Si Zymon lang talaga, ngayon lang talaga.

"Kung gusto mo naman siya hindi kita pipigilan e. Basta oras na saktan ka niya sakin ka tatakbo, ha? Sakin ka unang iiyak. Graduating ka na, Princess. May tiwala naman ako sa'yo na kakayanin mo lahat. Studies at lovelife. Wawasakin natin mukha niyang ni Zymon kapag sinaktan ka. Ako unang uupak dyan." 

Tumawa ako at yumakap sa kanya. "Thank you, Pa."

"Magkapangalan kami pero mas gwapo ako. Bakit ganon?"

Lalo akong natawa at kinurot ang tiyan niya.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon