Epilogue

8K 104 14
                                    

Epilogue

Sa pagkakaalam ko takot si Did sa multo pero bakit siya pupunta mag-isa dito? Ang hirap pala kapag may sinusundan ka. Nakakakaba kasi baka mahuli ka.

Tinabi ko ang sasakyan at sinundan siya. Malayo-layo rin ang nilakad namin hanggang sa tumigil siya sa paglalakad. Nakangiti siyang umupo sa tapat ng lapida at nilagay ang bulaklak na dala niya doon. Nagtago ako sa puno na hindi kalayuan pero hindi rin malapit sa kanya. Bigla akong napatago nang di oras dahil lumingon siya sa paligid.

"Wala naman sigurong tao," sabi niya.

Dumungaw ako at nakita kong kinuha niya ang gitara at nag-umpisang tumugtog.

"You're true friend. You're here till the end. You put me aside when something ain't right. You talk with me now into the night, till it's alright again. You're true friend."

Napanganga ako sa narinig. Ang... ang ganda ng boses niya. Ibang-iba sa boses niya noong kumanta siya sa debut niya noon. Mas maganda ngayon. Masarap pakinggan, malamig ang boses niya. Hindi siya boses palaka gaya ng sabi niya, maganda ang boses niya.

"Hi, Ericka. Kumusta ka na diyan? Ayan ah. Binibisita kita kada linggo kaya 'wag kang malulungkot diyan. Ako? Masaya naman ako lalo na at kasama ko si Kisa. Ikaw? Masaya ka naman siguro diyan noh?"

Ha? Ibig sabihin.. puntod 'yun ni Ericka? At binibisita siya parati ni Did? Hindi kasi ako sumama noong nilibing si Ericka kaya hindi ko alam kung saan siya nakalibing.

Natahimik si Did at tinititigan ng nakangiti 'yung puntod.

"Miss na miss na kita, Ericka."

Kinagat niya ang ibabang labi niya at tumingala sa langit. Nakikita kong namumuo na ang luha sa mata niya.

"Magkikita pa ba tayo? Kung oo, kailan?"

Pinunasan niya agad 'yung luha niya at tumayo. Pinagpag niya 'yung damit niya at ngumiti ulit habang nakatingin sa puntod ni Ericka.

"Sige, Ericka. Sa susunod na linggo ulit? May pupuntahan pa ako. Alam mo naman siguro kung saan diba? See you, bestfriend."

Naglakad na palayo si Did at tinignan ko kung anong oras na. 7:00 na. Saan pa siya pupunta? Maaga pa dahil 11:00 na siya umuuwi tuwing linggo. Naglakad ako palapit sa puntod ni Ericka.

"Hi, Ericka. Alis muna ako ah? Sundan ko 'yung bestfriend mo at mahal ko. Dadalawin naman kita, 'wag na ikaw ang dumalaw sa akin. See you," sabi ko at tumakbo palayo.

Baka kasi hindi ko maabutan si Did. Nakita ko siyang pumara ng tricycle kaya dali-dali akong sumakay ng sasakyan ko at sinundan iyon. Tsaka ko naalala na hindi pa pala siya kumakain magbuhat nung umalis siya at ganun rin ako. Nakita kong huminto ang tricycle sa tapat ng karinderya at pumasok siya doon. Diyan ba siya parating naghahapunan? Talaga bang gusto niyang maging simple kapag linggo? Nakita kong nakikipag-usap siya sa tindera doon. Suki na rin ba siya dito? Bakit ang dami kong hindi alam?

Bumaba ako at bumili muna ng burger para may makain. Wala kasing kainan dito bukod doon sa karinderia na kinakainan ni Did. Kapag naman kumain ako doon baka makita niya ako. Nasa loob lang ako ng sasakyan habang kumakain at tinitignan siya. Maganda rin siya kapag simple ang ayos. Parati naman siyang maganda para sakin.

Inabot siya ng kalahating oras sa pagkain at 7:30 na. Lumabas siya at naglakad. Akala ko sasakay siya? Nang lumiko na siya sa isang kanto tsaka ko pinaandar ang sasakyan. Nakita ko siyang naglalakad ulit sinundan ko siya hanggang sa makita kong papunta siya sa isang.. playground? Nakangiti siya at may mga batang naglalaro sa playground. Noong makita siya nung mga bata tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon