Thirty

4.5K 82 4
                                    

Thirty

P R I N C E S S

Bumalik na ako sa kwarto at humiga. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa utak ko para maging desperado at magpakamatay. Sa sobrang pamamanhid ng buong katawan pati na kaluluwa ko sa sakit at lungkot na nararamdaman ay wala akong ibang maisip na solusyon kung hindi ang wakasan ang buhay ko.

Pinikit ko ang mata ko pero naalala ko lang ang mga nangyari kahapon. Pagod na akong umiyak. Wala na akong ibang ginawa kung hindi umiyak. Kaya't habang dumadaan sa utak ko ang lahat ng nangyari kahapon ay mababaw ang hinga ko at hawak ang bumibigat kong dibdib habang inaalala ang nangyari.

Sabado nang pumunta kami sa burol ni Ericka ng alas tres na ng hapon. Kaming dalawa lang ni James ang pupunta at nagpa-iwan si Earl sa bahay. Gamit namin ang sasakyan ni James at siya rin ang nag-drive nito.

Tahimik lang kami buong byahe. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Hindi ako handing makita siya sa loob ng kabaong—pero kailangan.

Sa bahay nila Ericka kami pupunta dahil doon ang burol niya. Nang natanaw ko na ang gate ng maganda nilang bahay ay naramdaman ko ang pininikip ng dibdib ko. Bigla kong gusting umuwi pero alam kong kailangan naming harapin ito.

Naririnig ko ang sunod-sunod na pagbuntong-hininga ni James. Tinigil niya ang sasakyan pero hindi pa rin kami lumalabas. Huminga ako nang malalim.

"Tara," yaya ko.

Tumingin siya sa akin. I smiled weakly; trying to assure him everything will be fine. Panghihina ang nakita ko sa mata niya. I reached for his arm and squeeze it gently.

"Nandito ako, James. Always remember that. I won't leave your side. Promise."

Wala pang gaanong tao dahil maaga pa pero may nakita akong kahawig ni Ericka nang nasa loob na kami. Nakatulala lang siya. Halatang walang tulog at namumula ang mga mata. Niyaya ko si James na sumama sa akin sa paglapit sa Mommy ni Ericka pero namumutla lamang siya at umiling sa sinabi ko. Pinilit niyang kumbinsihin ako na uupo na lang muna siya sa tabi at balikan na lamang siya.

"Ayos lang, Princess. 'Wag mo kong alalahanin. Magpunta ka na roon."

Ilang sandali ko pa siyang tinitigan nang maiigi bago niya ako marahang tinulak palaya. I sighed. Naglakad ako palapit sa Mommy ni Ericka at umupo ako sa tabi niya. Hindi man lang siya lumingon. Tulala pa rin.

"Good morning, Ma'am," bati ko.

Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita.

"It's not a good morning for me, hija."

Hindi niya ako nilingon at diretso pa rin ang tingin niya sa kabaong ng anak nang hindi kumukurap. Napahigit ako ng hininga.

"I'm sorry, condolence po." Nanginig ang boses ko. "Pwede ko po ba siyang lapitan?"

Tanging pagtango lang nasagot niya dahil nagsisimula na siyang maiyak.

"Salamat po."

Dahan-dahang akong naglakad palapit sa kabaong niya.

Nakita ko ang picture niya na nakangiti. Hindi ko na ulit makikita 'yun. Napailing ako nang mangilid na ang luha ko. Nang makalapit ako ay doon na nagsimulang umagos nang umagos ang luha sa mga mata ko.

Totoo nga. Totoo na wala na siya. Ang isa sa mga anghel na binigay sa akin ng Diyos ay agad niya ring binawi. I looked at her lifeless face. I smiled. She still looks pretty. Para siyang si Sleeping beauty. Ang ganda-ganda niya.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon