Forty-eight

3.9K 63 7
                                    

Forty-eight

"Picture tayo," yaya ko.

Kumakain kami ngayon ng agahan. Today was my birthday and I woke up with a bouquet and a simple kilig note. I cooked out breakfast and now we were eating.

I turned around and extended my hand. Lumingon siya sa phone ko at dumikit sa akin at ngumuso. Pagkakuha ko ng dalawang shots, bago ko pa makalikot ang phone at i-upload ay kinuha na niya sa kamay ko iyon.

"Kakain tayo. Bawal gadget," sabi niya.

Hindi na ako nakipagtalo. Inabot ko sa kanya ang sinigang na baboy para siya na ang mag-salin. Tahimik kaming kumain hanggang sa nagsalita siya.

"Ang sarap talaga ng luto mo."

Napangiti ako. Siguradong madami na naman siyang makakain. Kapag kasi tinatamad akong magluto, nagpi-prito na lang ako. Halos dito na ako sa condo ni Jayden tumutuloy at nandirito na rin ang ibang mga damit ko. Si Mama ay nasa bahay namin noon kaya't sila Manang Rosa na lang ulit ang nasa bahay ko.

Nang natapos siyang kumain ay tumayo ako kaagad.

"Ikaw na mag-ayos diyan ah? Pupunta lang ako ng kwarto." Mabilis kong kinuha ang phone ko na nakalapag sa tabi niya. "Akin na 'to!"

Tumakbo ako papasok ng kwarto habang tumatawa. Narinig ko ang tawa niya sa labas at dumiretso ako ng upo sa kama. In-upload ko ang picture namin kanina bago kumain. Sumilip din ako sa twitter at napangiti na nagte-trend ang hashtag na: #HappyBirthdayYvo

Lalong umingay ang pangalan ko sa Pilipinas matapos ang ramp na dahilan ng pag-uwi ko rito. I wore Bitchnie's designs and all of it was wonderful. I was so proud of her and she was so proud of me.

After that I got an offer to be on the cover of a famous magazine. The atmosphere must be light so the agency chose Lorayne because of her sweet charms but the magazine wanted me. Kisa was there and he kept on pulling a funny face that I couldn't concentrate to keep my face straight. It turned out that the shots was good even when I was laughing and smiling.

It was my first photoshoot ever that I had my teeth and smile displayed. I was nervous but because of that I gained supporters, projects, and offers. A particular talk show on TV invited me for an interview.

They asked some personal questions that I answered truthfully until they asked me why I was smiling. Ang sabi ko ay masayang-masaya ako dahil maraming sumusuporta at nagmamahal sa akin. Hindi ko naiwasan na mapalingon kay Kisa noon na nandoon rin para supoortahan ako. Napansin nila iyon kaya tinanong nila kung may nagpapasaya ba sa akin, sa buhay ko.

I told them I have a boyfriend. After that interview, kumalat na ang pictures namin ni Kisa. Mula sa accounts ko hanggang sa candid shots from paps and fans. Ang isang pinakapinag-usapan ay ang picture namin ni Kisa na nasa parking lot kami ng studio at magkahawak ang kamay habang tumatawa.

Sinusubaybayan nila ang love story naming dalawa. Pero syempre, may privacy. Minsan nga kapag nagde-date kami at nasa mall, kahit na nakikita kaming magkasama, hindi kami nilalapitan. Kontento na sila sa pag-pi-picture sa amin.

Natawa na ako nang makita ang mga nagwawala nilang reaction nila sa pinost kong picture.

Lumabas ako at nakita ko siyang nanonood ng TV sa living room. Napalingon siya sa akin at tinapik ang space sa tabi niya. Pagkaupo ko ay sumandal ako sa balikat niya habang siya naman ay pumalupot na ang kamay sa bewang ko.

"Movie marathon tayo," sabi ko. "Love story?"

Tumawa ako nang mahina kasi naiimagine ko na nakangiwi siya.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon