Dedicated to my beautiful Cupcake! Thank you for helping me out without telling you to do so—I love you!
Twenty-one
Hindi ko alam kung bakit pero nandito pa rin ako at pinapanuod sila. Sabi ng isip ko umalis na, pero ayaw sumunod ng katawan ko. Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman at wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak na lamang.
Bestfriend ko 'yan ah. Bestfriend ko siya. BEST. Ano bang kulang sakin? Sabihin niyo nga! So Zymon. . . bakit pa siya naghahanap ng iba? Bakit ganon? Mahal naman ako ni Zymon, diba? Hindi naman niya ko liligawan kung hindi niya ako mahal.
Pinipigilan kong huwag humikbi. Hindi pa rin sila tumitigil.
Tama na. Masakit na. Itigil niyo na. Please. Gusto kong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Napasinghap ako nang may tumakip sa mata ko.
"Hindi ka dapat nanunuod ng mga bagay na ikakasakit mo."
Lalo akong naiyak nang marinig ang boses niya. Pinigilan kong humikbi. Nakatakip pa rin ang mga mata ko habang naglalakad kami. Inaalalayan niya ako sa paglalakad habang ako ay nakahawak sa braso niya.
Matagal rin kaming naglakad bago siya huminto. Nang tanggalin niya na ang kamay niya sa mga mata ko ay nakita kong basa ang kamay niya pero hindi siya nagreklamo. Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya ay agad ko siyang niyakap at sumubsob sa dibdib niya na parang batang umiiyak.
"J—James."
Lalo akong humagulgol na parang bata.
Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ako pabalik.
Ilang minuto bago ako natigil sa pag-iyak. Hindi ko maiwasang matulala sa lahat ng nangyayari. Magkaharap kami ni James pero sa dingding lang ako nakatingin. Dinala niya ako rito sa bakanteng classroom—kung saan ko rin napanaginipan na naghahalikan silang dalawa.
Everything was a damn sign! May kutob na ako pero hindi ko pinansin. Bakit? Kasi akala ko imposible! Bullshit!
Ang sakit. Best friend at boyfriend ko—naghahalikan. Tang ina?
"Ang tanga mo," sabi niya.
Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Anong sabi mo?"
"Ang tanga mo, Princess."
"Oo. At Hindi ka nakakatulong."
"So, ano pa lang ginawa ko kanina? Hindi ba kita tinulungan sa lagay na 'yon?"
"Okay. I'm sorry. Thank you pala."
Tumakbo agad ako palabas ng classroom. Nandito ako ngayon sa harap ng salamin sa loob ng restroom. Tinititigan ko ang sarili ko. Habang nakatitig ako sa sarili ko, naiiyak ako. Naaalala ko 'yung nangyari kanina at 'yung mga panaginip ko.
Pumikit ako ng madiin at pagmulat ko, naghilamos ako.
"ARGGGGGGGGGHH!"
Nasabunutan ko ang sarili ko.
'Ang tanga mo.'
"OO, PRINCESS! ANG TANGA MO! ANG TANGA-TANGA MO! SOBRA!" Umiiyak na naman ako. "Ang sakit sakit kasi eh."
Naghilamos ulit ako at pinunasan ko ang mukha ko tsaka naglagay ng pulbo at nagsuklay.
"Magpakatanga ka na lang Princess. Tutal tanga ka naman na, ipagpatuloy mo na lang. Tandaan mo. . . wala kang alam—wala kang nakita—at HIGIT SA LAHAT! Wala silang relasyon. Si Lory ay best friend mo pa rin at si Zymon ay mananatiling boyfriend mo. 'Yan ang tama, Princess. Ang pinakamagandang desisyon na gagawin mo ay walang iba kundi ang magpakatanga para sa taong mahal mo at para sa ikasasaya mo."
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Jugendliteratur[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...