Thirty-four

4.2K 71 7
                                    

Thirty-Four

"MERRY CHRISTMAS!"

Nandito kaming lahat sa sala ngayon at nagbibigayan na ng regalo. Pagtapos kumain ay naglaro pa kami ng dalawang laro. At ngayon ay bigayan na ng regalo dahil alas dose na. Isa-isa kaming tinatawag para sabay-sabay daw namin bubuksan ang mga regalo namin.

"Jayden, ikaw na," sabi ni Irish.

Tumayo si James at may inabot na regalo kay Lorayne at Prince. Nakangiti siyang naglakad palapit sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang walang dala. Huminto siya sa tapat ko.

"Nasaan ang akin?"

"Kiss lang eh."

"Ewan ko sa'yo!"

Tumawa siya. May kinuha siya sa kanyang bulsa at inabot ito sa akin.

"Merry Christmas, damsel in distress ko."

I smiled. Hinalikan niya ako sa noo at bumalik sa upuan niya. Akala ko wala siyang regalo eh. Magtatampo na sana ako. Ano kaya 'to? Maliit na itim na box at may ribbon na pula sa ibabaw.

"Sus. Makangiti, Princess, ah. Ano ba 'yan, Jayden? Nag po-propose ka na ba?"

Nagtawanan kaming lahat sa asar ng isa naming kaklase. Napailing ako habang nakangiti. Nagtawag sila at si Lorayne na ang sumunod. May regalo siya para kay Prince at Jayden. Hindi ko na inasahang may ibibigay siya sa akin. Akala ko uupo na siya pero lumapit siya sa akin at inabot ang regalo. Nanginginig niyang hawak ang regalo nang inabot niya sa akin.

"Uhm. Merry Christmas."

Tipid akong ngumiti, "Thanks."

Nagtawag pa sila nang nagtawag. May ibang kaklase ko na nagbigay ng regalo sa akin. Nang si Prince na ang tinawag ay una niyang inabot ang regalo niya kay Lorayne sumunod kay James. Nakita kong huminga siya nang malalim bago pumunta sa akin. Nilagay niya sa kandungan ko ang regalo niya.

"Yeah. Merry Christmas."

Ni hindi niya ako nakuhang tignan at agad siyang bumalik sa upuan niya. Umiling lang ako. Nang ako na ang tawagin ay hindi ako tumayo. Nakangiti lang ako nang pagkalaki-laki habang nakatingin sa kanila at nakatingin lang din sila sa akin.

Sa sobrang tagal kong nakangiti ay nag-react na sila.

"Hoy, Princess. Tangna mo ah. Tumatayo balahibo ko dahil sa ngiti mo."

Natawa ako sa sinabi ng isa sa mga kaklase ko at tumayo na para kunin ang regalo. Dumiretso agad ako kay Lorayne at inabot sa kanya ang regalo kong stuffed toy para sa kanya. Natulala siya sa akin sa gulat kaya nilapag ko na lang sa paanan niya ang malaking stuff toy.

"Merry Christmas," sabi ko at niyakap siya.

Nang niyakap ko siya ay bigla akong nakaramdam ng familiarity. Pasko naman. Okay naman siguro 'to? I miss her pero niloko niya ko. Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin siya nang matagal kaya kumalas agad ako sa yakap at pumunta kay Prince.

"Merry Christmas."

Inabot ko sa kanya iyon nang nakangiti na kinuha naman niya sa akin. Sinubukan kong hindi ngumiwi nang nahawakan niya ang kamay ko. Bumalik ako sa upuan ko at nagpanggap na wala na akong ibibigay pa.

"Uy. Nasaan ang akin?" nguso ni James.

Natawa ako nang mahina. Pumunta ako sa harap niya at inabot sa kanya ang paper bag ng relong binili ko kanina.

"Merry Christmas, James ko."

Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako bumalik sa upuan ko. Palihim akong tumawa nang nakita ko siyang namumula at sinusubukang pigilan ang ngiti habang kinakagat ang hintuturo niya.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon