Twenty-five

4.3K 80 8
                                    

Twenty-five

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe.

Kahit anong pilit kong mag-isip ng ibang bagay patuloy na bumbalik ang utak ko sa nangyari kanina at ang sakit na dulot nito. Parang may ulap sa dibdib ko at hindi ako makahinga nang maayos.

"Princess, ikaw ba iyan?"

Napatingin ako sa taxi driver dahil nagsalita siya. Si Kuya Andrew pala.

Siya 'yong taxi driver na nasakyan namin ni Prince noong unang date namin papunta ng Mall of Asia. Pinangaralan kami ni Kuya Andrew noon na 'wag magpapadalos-dalos dahil bata pa kami. Hindi ko siya makalimutan—parang si Prince. . . hindi ko makalimutan ang ginawa nila sa akin.

Nginitian ko na lang siya at tumingin ulit sa labas.

"Bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

Dahil sa sinabi niya ay lalo akong naiyak. Lalong bumuhos ang mga luha kong nagawa kong patahimikin kanina. Umiling ako sa kanya bilang sagot.

"T—Teka, ssan na ba 'yung boyfriend mo? Si Prince. Bakit hindi kayo magkasama?"

Pumikit ako nang mariin at pinilit na magsalita kahit na panay ang hikbi ko. 

"Break na po kami. Pwede po bang pakibilisan? Importante la—lang po."

Nakaramdam din siguro si Kuya Andrew dahil hindi na siya nagtanong at binilisan niya na rin mag-maneho. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay nagbayad agad ako at lumabas kahit na umuulan. Tumakbo ako papasok ng ospital. Nang nasa loob na ako ay parang pinanghinaan ako ng loob. Gusto kong umalis na lang. Ayokong malaman kung anong meron dito.

Medyo basa na ang katawan ko dahil sa ulan. Para akong tangang nakatayo sa entrance ng ospital na nakatingin sa kawalan.

Nagulat na lang ako nang may humawak sa kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan. Sumakay kami ng elevator. Diretso lang ang tingin niya. Hindi kami nagkikibuan. Lumingon ako sa kanya at nakita kong namumula ang mata niya.

Nanuyo ang lalamunan ko.

"J—James, anong nangyari? Bakit mo ko pina—pinapunta rito?"

Tumingin siya sa akin. "Kanina pa kita hinihintay bakit ngayon ka lang?" 

Sasagot sana ako kaso bumukas na ang pinto ng elevator at hinila niya ako ulit. Nauuna siya sakin. Halos tumakbo na kami dahil ang bilis niyang maglakad at hila-hila pa niya ako. Nabunggo ko ang likod niya dahil tumigil siya sa paglalakad. Sumilip ako sa harap niya at kusang tumulo ang luha ko nang nakita kung saan niya ako dinala.

Napahawak ako sa bibig ko. 

"J—James, Hindi siya 'yan d—diba?" Lumingon ako sa kanya. Nakita kong umiiyak na rin siya habang kagat ang pang ibabang labi. "JAMES! HINDI SIYA 'YAN!"

"Clear!"

Ilang beses pa nilang inulit. Paulit-ulit para lang tumibok muli ang puso niya. Tila tumigil ang mundo ko nang makita kong unti-unting dumiretso ang guhit sa monitor. Sumigaw ako at lumapit sa salamin. Nakita kong tumingin sa relo niya ang doctor at may sinusulat na sa papel ang nurse.

"No. No. NO!" 

Lalo akong naiyak nang takluban na nila ng puting kumot ang katawan niya. Lumingon ako kay James na nakayuko at patuloy na umiiyak. Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay. 

"James. . ."

Tuluyan na akong nanghina. Sumubsob ako sa dibdib niya at niyakap siya. Unti-unti kong naramdaman ang pagyakap niya pabalik sa akin. Umiyak kami habang yakap ang isa't isa. Ramdam ko ang kabog ng dibdib niya at pagpintig ng pulso niya ngunit mas ramdam ko ang sakit sa bawat hikbi niya.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon