Thirty-two
Nagising ako nang marinig kong bumukas nang malakas ang pintuan ng kwarto ko. Nakita kong nakatulog na rin si James at nakahiga pa rin ako sa dibdib niya. Lumingon ako sa taong nasa pintuan na pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni James.
Napabalikwas ako ng tayo.
"Ma..."
" Ah—Ano... Sige, anak. Hihintayin na lang kita sa baba."
Sinara niya agad ang pinto at sa sobrang pagkataranta ay napalakas ito. Napatalon si James dahil sa gulat. Nilingon ko ang digital clock sa night table. Alas siete na ng gabi. Nginitian ko si James habang kinukusot nito ang mata niya.
"Bakit ka nakangiti?"
I chuckled, shaking my head. "Ang cute mo, e."
Natawa siya sa akin.
"Ngayon mo lang nalaman?"
Umirap ako. Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok bago siya balingan muli.
"Nandito na si Mama. Nakita niya tayong magkatabi sa higaan. Iisipin non na boyfriend kita."
Ang inasahan kong reaksyon galing sa kanya ay takot pero gulat at kalmado lang ang ekspresyon niya.
"Nandiyan na si Tita?" Tumango ako. "Wala naming problema sakin kung sasabihin mong boyfriend mo ko."
Tinignan ko siya ng masama. Ngumuso siya para itago ang ngiting gusto niyang pakawalan. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan rin ang ngiti.
"Boyfriend material naman ako, a? Kinakahiya mo ba ako?"
Binato ko siya ng unan at umalis na ng kama. Padarag kong tinabon sa kanya ang kumot. Humagalpak na siya ng tawa.
"Ewan ko sayo! Tara na nga kain na tayo sa baba."
Sumilip muna ako sa salamin para maghilamos. Hindi na akong nag-abala pang magpalit ng damit dahil si Mama lang naman iyon.
Nang bubuksan ko na ang pinto ay hinawakan niya ang kamay ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit? Ipapakilala mo naman akong boyfriend mo ah? Okay lang 'yan."
Ang kulit ng isang 'to! Napabuntong-hininga na lang ako at binuksan ang pinto. Gusto ko nang tumakbo pababa ng hagdanan kung hindi ko lang kasama si James. Pagdating naman ng kusina ay nakaupo na si Mama at Earl sa hapag.
Napatingin sila sa sa amin. Nakita ko ang pagbaba ng mga mata nila sa kamay naming magkahawak. Sinubukan kong bitiwan ang kamay ni James ngunit mas hinigpitan niya lang ang hawak rito.
Nakita kong ang gulat sa mata ni Earl habang si Mama ay ngumiti lamang. Lumapit na kami sa lamesa. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko kaagad si Mama nang nakalapit ako. Agad naming binitawan ni James ang kamay ko.
Napapikit ako sa pakiramdam na yakap ko ulit si Mama. Gusto kong ngumawa sa kanya at magsumbong nang magsumbong kung paano ako inapi ng mundo.
Naramdaman ko ang marahang haplos ni Mama sa likod ko. "Princess, kain na muna tayo."
Kumalas ako sa yakap at tinignan siya. She's still smiling at me but I know it's all a façade. I kissed her cheek before I went to my seat which was by James. Si Mama ang kaharap ko habang si Earl naman ang kaharap ni James.
" 'Nak, kumusta ka na? Ayos ka lang ba dito sa bahay mo? Komportable ka ba?"
"Ayos lang naman, Ma. Okay na okay po." Ngiti ko. "Nga po pala, si Jayden. Dito siya pansamantala tumitira kasi..." Nangapa ako ng sasabihin. Tumikhim ako. "Wala. Gusto ko lang po. Ayos lang naman diba, Ma?"
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Подростковая литература[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...