Ten

4.6K 63 2
                                    

Ten

Okay, so this is real. Manliligaw raw si Zymon. Manliligaw siya. Manliligaw siya. Shet!! Okay. Si Papa na lang ang problema ko. Siguradong pagbabawalan ako non. Siguro 'wag ko munang isipin sa ngayon?

Sabi niya may pupuntahan raw kami. Don't worry, I made sure na hindi sa hotel. Bad 'yon. Palabas na kami and nandito kami sa stores. Ang daming pwedeng bilhin! Nakakaaliw. Inabot sakin ni Zymon yung partner ng keychain na biinili niya.

Pinauwi na raw niya sa driver nila yung kotse niya so mag-tataxi kami. Five thirty pa lang nang makalabas kami sa Star City. Maaga pa pala. Akala ko gagabihin kami sa loob. Well, hindi naman rin kasi lahat ng rides sinakyan namin.

"AY!"

"Oh? Anong nangyari?"

"Ha? Wala may naalala lang ako," sabi ko.

"Okay."

Ang tahimik, medyo awkward. Kasi ako nasa bandang bintana siya naman sa kabilang banda ng bintana. Kaya parang galit kami sa isa't isa kasi hindi kami magkatabi, may space sa gitna. Naalala ko yung points namin. Ilan na nga ba? three to two na nung sumakay kami sa roller coaster. Sino ba may points sa snow world?

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Mall of Asia."

"Anong gagawin natin doon?"

Nandito na kami sa loob ng mall. Hawak-hawak niya parin ang kamay ko. Napagpasiyahan kong i-text si Lory para makasigurado. Six o'clock pa lang naman. Siguro naman makakauwi kami nang maaga. 

Tetotets! Nagtanong ba si Papa kung nandyaan ako?

To: Lory bestplen  

Nandito na kami at nakapila sa bilihin ng tickets. Kinalabit niya ko kaya't napatingin ako sa kanya at tinago na lang sa bulsa ang phone. Lumingon ako sa likod namin at napansin na medyo maraming tao ang manonood.

"What do you want to watch? I'm thinking Suddenly It's Magic." 

Biglang napunit ang mukha ko sa sobrang pag-ngiti. Unti-unti ko ring nakita ang pag-ngiti niya at pagka-amused sa reaksyon ko. 

"Why?"

"Nothing," iling ko. "Kinikilig ako kasi nandoon yung portrayers nung story na binabasa ko."

"You're so weird," ngiti niya. 

Tumunog ang cellphone ko at agad ko itong kinuha habang bumibili si Zymon ng tickets namin.

"Hello?"

"Hoy! Babae nasaan ka ba?"

"Ha?" Luminga ako at tumingin sa likod ni Zymon. "Diyan lang. Ano? tumawag ba si Papa?"

"Hindi. Pero nasaan ka ba? Gabi na kaya! Lagot ka don." 

Humagikgik siya sa kabilang linya at umirap na lang ako. Lakas talaga manakot nitong babaeng 'to!

"Tinakot mo pa ko, bruha!" Tumawa ako. "Edi sasabihin ko diyan na lang ako matutulog. Basic!" Hindi siya agad nagsalita sa kabilang linya. "Huy, ano?"

"Nasaan ka ba talaga?" Sumeryoso ang boses niya. 

Huminga ako nang malalim, biting my lip. "I'm out on a d—"

"Pinagpapalit mo na ko, ano? Sino 'yang lalaki mo?!" 

"Lory! Gaga ka talaga!" Napalakas ang pagkakasabi ko na napalingon sakin si Zymon. I smiled apologetically. Saktong nakabili na siya ng tickets kaya umalis na kami sa pila. 

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon