Chapter 5 (Yummy)

671 24 0
                                    

Chapter 5

Yummy

Natawa ako.

Iyon lang ang tangi kong naisagot sa tanong ni Ivy sa akin.Ganoon ako kapag hindi alam ang sagot.Ganoon ako kapag kinakabahan.

Natatawa.

Because being in such kind of a situation is silly- and it's funny for me.

Though sana naging katulad na lang ako ng iba.That I could just faint all of a sudden everytime I'm nervous.That could be a great escape in times like this-being interrogated by someone... about something... that you so wanted to just keep by yourself.

"We're just friends," tumatawa kong sagot.And silently prayed for Ivy to stop prying.

Afterall,kaibigan niya ang pakakasalan ng ex-boyfriend ko kaya alam kong wala siyang dapat malaman tungkol sa akin at kay Seth.

I may be prejudging Cea and Ivy with their reactions.Baka naman okay lang iyon sa kanila,being an open-minded adult.Pero pwede ring maging dahilan pa iyon ng lamat ng relasyon ni Seth at ni Cea at dalawa lang ang nakikinita kong pwedeng maging resulta-either ayawan nila ang serbisyo ko,or hahayaan nila ako pero babantayan nila ang aking bawat kilos.

Well,I must admit.I'm thinking like that because, I ,surely will act like that if I'm on Cea's foot and finds out that my groom-to-be and wedding coordinator were ex-lovers.

Malisyosa nga siguro ako.

Nanahimik si Ivy habang nakatingin lang sa akin.Hinuhuli ang aking mata.

"Sobrang c-close lang talaga kami dati.Pareho kasi ang mga trip namin.Kaming dalawa iyong parang leader ng grupo," tumawa pa ako nang maalala ko nga ang mga panahong hanggang pagkakaibigan lang ang tinginan namin ni Seth.He's a great company,I won't deny that.

Para makumbinsi pa siya ay nagkwento pa ako ng mga kalokohan namin ni Seth noong college days namin.Hanggang sa naaliw na siya sa kwento ko at nakalimutan na niya ang pag-iisip ng kung ano sa amin ni Seth.

NAPATINGALA ako mula sa aking pagkakatitig sa monitor ng computer nang marinig ang pigil na tili ni Monica pagkapasok na pagkapasok pa lang nito sa opisina naming tatlo.

Nang matapos naman siyang tumili ay bahagya niya pang ibinuka ang venetian para silipin ang kung anumang nasa lobby ng opisina.

"Shit! Ang yummy," kagat-labi niya pang turan.

"Sinetch?," tila naeexcite na tanong ni Tasha.

"Si kuya," sagot ni Monica sa tonong para siyang nanghihina.Okay! Kinikilig nga siya.

Dahil sa ekspresyon ni Monica ay pati si Tasha ay tumayo na rin mula sa kanyang desk at nakisilip sa maliit na awang ng venetian na ginawa ni Monica.

"Ay! Oo nga," pagsang-ayon ni Tasha.

Pati ako ay nakitayo na rin dahil sa kuryusidad kung gaano nga kagwapo ang lalaking nasa lobby.Ngunit bago pa man ako nakalapit ay pabiro ko nang sinira ang pagpapantasya nila.

"Naku! Ikakasal na iyan," ani ko.

"Ay! Bastusan? Siraan ng mood ganun?," pagharap ni Monica sa akin dahilan para matawa ako.

"Oh sige,hindi na ikakasal.Magpapabinyag na lang ng anak," tawa ko pa.Bakit nga naman pupunta ang lalaking iyon dito kung walang pakay.

Isa pa,we organize events.People come here to seek help in organizing special events in their lives.

"Malay mo,debut niya pala," tumatawang turan ni Tasha.

"No! Hindi ako makakapayag na mas bata pa siya sa akin," nangangasim na ang mukha ni Monica dahil sa mga pinagsasabi namin ni Tasha.

"Patingin nga ako," turan ko at dumiretso sa pinto para buksan ito at doon tignan ang lalaking kinahuhumalingan ni Monica.

"Oh my! Papalapit siya rito," tili ni Monica kasabay ng pagbukas ko ng pinto.

"James," sambit ko ng bumungad ang kaibigan ko sa akin.

"Hi," bati niya nang makalapit na sa akin.

"Paano mo nalaman dito?," nakangiti kong tanong.I was glad for the visit though.Hindi ko lang inexpect na may dadalaw sa akin.

Lumapit ako para yakapin siya at humalik naman siya sa pisngi ko."I asked Rich.Naisipan lang kitang dalawin,wala naman akong plano ngayon," sagot niya sa akin sabay abot ng paper bag.

"Wow! Ano 'to?," naeexcite kong tanong habang sinisilip ang laman ng bag.

"Pagkain," nakangiting sagot ni James.

"Naku! Nag-abala ka pa," saad ko at inaya na siya papasok ng opisina namin.

Bago kami pumasok ay inilibot ko muna ang aking paningin para hanapin ang lalaking tinitignan nila Monica.

Pumasok na si James sa opisina at agad akong bumaling sa dalawang nakatayo sa may bintana. "Nasaan na Monica?," tanong ko patungkol doon sa gwapong lalaki.

"H-Ha?," iyon lang ang naisagot ni Monica habang nakatingin kay James.Natawa ako nang mapagtantong si James pala ang tinutukoy nila.

Pinaharap ko si James sa akin. "Ang yummy mo pala," tumatawa kong turan.

"Ano?," natatawa ngunit naguguluhang tanong ni James.

"Wala," tawa ko pa at pagkatapos ay ipinakilala na siya kina Tasha at Monica.

"Si Tasha at Monica nga pala,sila ang mga business partners ko dito sa shop namin," isa-isa ko pang itinuro ang dalawa. "Ito naman si yummy este James,kaibigan ko,since college days," pakilala ko sa aking kaibigan at ganun na lang ang pagpipigil ko ng aking tawa nang makitang namumula na si Monica.

The girl was smitten.

"WALA ka ba talagang gagawin today?," tanong ko kay James habang nagsesend ako ng emails doon sa mga caterer na papipilian ko kina Cea para sa kasal nila.

"None.I'm fine here,don't worry," sagot niya habang nakapako ang mga mata sa binabasang magazine.

Halos magkakalahating araw na siya sa opisina.Wala naman siyang ginagawa doon kundi magbasa lang ng magazine at kapag napagod ay ang cellphone naman niya ang kanyang pinagdidiskitahan.

Inaalala ko lang baka naman naiinip na siya.Isa pa,pansin ko rin ang 'di pangkaraniwang katahimikan ng dalawa kong kasama.Nahihiya siguro sila kay James.

"Ganito ba kayo katahimik araw-araw?," untag ni James.

"Ngayon lang," sagot ko. "Nakakahiya naman kasi sayo,," biro ko.

Hanggang sa nagtanghalian ay nakisabay na siya sa amin kumain.In fact,siya pa nga ang nagbayad ng pinadeliver naming pagkain.

Akala ko ay uuwi na siya pagkatapos kumain ngunit nanatili pa siya roon hanggang sa umuwi na kami.

"Kumusta naman ang pagtambay mo sa opisina?," nanunuya kong tanong kay James habang pauwi na kami.

"Relaxing," ngisi niya habang nakatuon ang tingin sa kalsada.

Ilang araw pa lang siya sa Pilipinas pero nakabili na agad siya ng Ford Ranger.Nagagawa nga naman ng pera.

Tumawa ako dahil sa kanyang sagot.Relaxing.Kung sabagay,medyo tahimik kami dahil pare-pareho kaming abala sa mga ginagawa namin samantalang siya naman ay nagbabasa lang ng magazine habang prenteng-prenteng nakaupo sa sofa.

"Patambay ulit sa susunod ah," aniya.

"Ikaw bahala," sagot ko. "Baka mabored ka lang," pahabol ko.

"Hindi ako mabobored,believe me," he answered.

"And why is that?," tanong ko pa.

"Basta," sagot niya pagkatapos ay kininditan ako.Napailing na lang ako sa kanyang ginawa.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon