Chapter 57
Wedding
"Iyong flowers dumating na ba?"
"Eh 'yong caterer?"
"Pakitawagan nga si Monica.Tanong mo kung okay na ba iyong mga kakailanganin para sa simbahan," hindi magkandaugaga si Tasha sa pag-asikaso ng lahat ng mga dapat ayusin.Halos hindi na rin mapakali ang mga assistants niya dahil walang hinto sa pagdaldal ang bibig niya.
And I couldn't help but smile.
Nakakatouch iyong sobrang pagiging hands on niya.Siya at si Monica.
"Ma'am,ayusan na po namin kayo," napalingon ako sa kay Kelly,ang aming kinuhang make up artist,nang tuluyan siyang makalapit sa akin.
Tumayo ako sa upuang gawa sa bakal na balot ng silver ng puting tela at silver na ribbon at tumango sa kanya.Hinanap ng paningin ko ang abalang si Tasha.Marahil ay naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa aking direskyon.
Sumenyas ako para ipaalam sa kanya na aalis muna ako para maayusan at sinagot niya naman ako ng ngiti.Agad akong sumunod kay Kelly palabas ng event hall.Tinunton namin ang daan papunta sa elevator.Nang nasa tapat nito ay pinindot niya ang floor papunta sa penthouse at sabay kaming pumasok.
"Okay na ba sila Zeta? Naayusan na?," tanong ko habang umaandar ang elevator.
"Inaayusan na po siya nung bumaba ako para tawagin kayo," sagot niya sa akin.I gave her a small smile.Sasabihin ko sanang dapat ay tinawagan nalang nila ako sa cellphone nang mapagtanto kong naiwan ko nga pala ang aking cellphone sa room.
Nang makarating kami sa penthouse ay bumungad sa akin ang maingay at abalang kwarto.Sa kaliwa ay makikita mo ang mga nakasampay na kulay peach na gowns at iilang nagbibihis na samantalang sa kanan naman ay ang mga inaayusan ng buhok.Sa gitna ng kwarto nakapwesto ang apat na vanity mirror at tatlo roon ay okupado na ng mga inaayusan.Nakita ko ang repleksyon ni Zeta sa isang salaming katabi ng bakanteng vanity mirror.
Iginiya ako ni Kelly papunta roon sa bakanteng pwesto saka pinaupo sa upuan.Zeta just noticed me then.She gave me her sweetest smile which showed both of her dimples.
"Ang ganda mo naman," I commented.
"Saan pa ba ako magmamana?," she giggled.Napangiti ako sa sinabi niya.My heart ached while looking at her.Not with sadness but with happiness.
"Huwag na nating agawin ang spotlight mamaya,kay Zeta na natin ipasalo ang bouquet," napalingon ako nang nagsalita ang pamangkin kong si Maven.
"Oo nga,siya naman ang pinakamatanda sa atin," tumatawang pagsang-ayon naman ni Marsha.
Tawanan naman ang ginawang pagsang-ayon ng iba roon.Lahat kami sa loob ng kwarto ay magkakapamilya. Para kaming may mini reunion.
"Oo na.Sasaluhin ko na,alam ko kasi ang pakiramdam ng mahulog nang walang sasalo," lalo silang nagtawanan sa ginawang hugot ni Zeta habang ako naman ay napailing na lang.Hindi ko rin naman nga maintindihan kung bakit sa edad na thirty-three ay ayaw niya pang magboyfriend.Hindi naman ako kasinghigpit ng lola niya.
"May gusto namang sumalo sa'yo,butas nga lang ang kamay," ani Marsha na nagpatawa sa kanila.
"May isa pa sanang gustong sumalo,kaso nainip na sa sobrang tagal niya mahulog," kantiyaw pa ni Maven.
"Wala akong pakialam," nakangising sagot ni Zeta. "Basta maganda ako," dagdag niya.
Nakinig lang ako sa pagbabanter nilang magpipinsan habang inaayusan.Nang 'di kalaunan ay napagod na rin sila dala na rin siguro ng pagkaabala.Nang matapos ayusin ang buhok ko ay nakabihis na sila Zeta.
![](https://img.wattpad.com/cover/50508792-288-k105169.jpg)
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
RomansaEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?