Chapter 9 (Just Hoping)

745 35 3
                                    

Chapter 9

Just Hoping

Isa sa mga bagay na gusto ko kay Seth,iyon ay marunong siyang tumimpla.Alam niya kung kailan siya mangungulit at kung kailan hindi.

Ngunit isa rin iyon sa pinakaayaw ko sa kanya.Way back then.Kasi kapag alam niyang bad trip na ako,hindi na 'yan siya magsasalita.Hindi niya ako kakausapin.As in hihintayin niya munang humupa ang inis ko bago niya ako kibuin.Eh gusto kong lambingin niya ako.So ending,hindi nawawala ang sama ng loob ko.Natatabunan na lang.Hanggang sa naipon.Kaya ang bigat sa pakiramdam.

Tulad na lang nang pananahimik niya.Na-offend yata sa sinabi ko? At siya pa raw ang may dahilan na ma-offend? Sino kaya ang tumawag habang nakikipagtalik?
Is that even appropriate?

Anyways,I won't expect apologies from him.Hindi na ako nasanay.Kailan ba siya nagsorry sa akin?

Kung sabagay,kahit dati pa naman ay hindi siya nagsosorry sa kadahilanang hindi niya naman alam kung nasasaktan na niya ako o hindi pa.

Kung dati ngang 'mahal' niya raw ako ay insensitive na siya sa nararamdaman ko ngayon pa kayang may mahal na siyang iba?

I secretly looked at him through my lashes and saw him seriously driving. Ibinalik ko ang aking tingin sa kalsada na dinaraanan namin.I took my phone out and plugged my earphones.I'd rather listen to music and sleep.Total siya naman ang nagsuggest na huwag na akong magdala ng sasakyan so magpagod siya magmaneho.

Sino bang mag-aakalang sa sobrang inis ko sa kanya ay nakatulog na ako.Nagising na lang ako nang naramdamang bumabagal na ang takbo ng sasakyan.

Napansin kong pumasok kami sa isang gate na kulay berde at sa loob n'yon ay panay puno na ng niyog at sa unahan ay sobrang asul na ng langit.Iyong tipong nagsasalubong na ang dulo ng dagat at langit.

Napansin ko rin ang maputing buhangin kaya ko nasabing nakarating na nga kami.

"Dito na tayo?," tanong ko kay Seth.

"Yeah," maiksi niyang sagot nang 'di ako nililingon.

Inaalis na niya ang kanyang seatbelt habang ako ay nag-aayos pa lang ng sarili.Nilingon ko siya nang mapansing hindi pa siya bumababa nang natapos na akong mag-ayos.

"Ano?," tanong ko sa kanya.

"Baba ka na," suplado niyang sabi sa akin.

"Eh sorry naman," sarkastiko kong sagot at itinaas ang dalawa kong kamay.Nakita ko pa ang pagsimangot niya at pag-iling habang bumababa ako.

Hindi ba't dapat siya ang naunang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto? Napaka-ungentleman talaga kahit kailan.

"Let's go," nagulat pa ako sa bigla niyang pagsulpot sa aking likuran.

Dire-diretso ang lakad niya papunta doon sa nag-iisang malaking  bahay na bato.I see this is an exclusive resort.

"Sir Seth,kumusta ho?," salubong sa kanya  ng isang matandang lalaki.

"Ayos naman ako tatay Kaloy," ngiting-ngiti si Seth doon sa tinawag niyang tatay Kaloy.Bilis ng switching ng mood.

Kung sabagay,ang tamis nga naman ng ngiti ni Mang Kaloy kaya mahahawa ka talaga.

Sa kalagitnaan ng pagkukumustahan nilang dalawa ay napadako ang tingin ni Mang Kaloy sa akin.

"Ala ey may kasama naman ho  pala kayo? Hindi po ga't siya iyong girlfriend ninyo?," ngiting-ngiti si Mang Kaloy habang ang ngiti ko naman ay bigla nalang nawala.

That was awkward.I bet Seth felt it too dahil bigla na lang siya napatingin sa akin at parang hindi alam ang sasabihin.

"Palabiro ka minsan tatay Kaloy," bawi ni Seth habang tumatawa at inakbayan ang matanda.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon