Chapter 31 (Kapatidzone)

516 31 2
                                    

Chapter 31

Kapatidzone

"Uy! Huwag naman," boses ni Rhum ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng classroom.

Magkatabing nakaupo sila ni Eka habang nasa likuran naman nila ang nakangising si James.Abala si Eka sa pagtingin ng kung anong nasa maliliit na papel na hawak niya habang inaagaw naman isa-isa ni Rhum ang mga iyon.Bakas sa mukha niya ang takot at pagkahiya.

"Ang cute," komento ni James.

Pati ako ay na-curious sa tinitingnan nila kaya lumapit din ako.Nang nasulyapan ko ang isang papel ay awtomatiko ang pag-agaw ko ng mga  iyon sa kamay ni Rhum.

Hindi ko napigilan ang mapangiti nang makita ang mga litrato niya.Mahilig din palang mag-selfie ito.I couldn't help but smile looking at every picture.But I was more captivated by her picture where she had her long hair tied in a side ponytail.She was wearing a white sleeveless top at hanggang balikat niya ang kita sa litrato.Her dimples were waving at me.

"Akin na 'to," I boldly said.

"Bakit?," her tone says she does not agree with it.But hell! I could not be stopped.

Agad kong ibinulsa ang kanyang litrato at naglakad palayo sa kanila. "Oy! Seth,baka ipakulam mo ako," biro niya at kahit hindi ako natatawa ay tumawa na rin ako.

Atleast wala siyang ibang naiisip.Siya lang talaga ang babaeng kilala ko na walang kamali-malisya sa katawan.

"Hindi ah! Ipapanakot ko ito sa daga namin," I laughed when I see her round eyes grew bigger and pouted her lips.Oh man! I've never thought that  a wacky expression  could be as adorable as hers.

Para siyang na-offend at gustong magulat sa hitsura niya.Ngunit sa araw-araw na kasama ko sila alam kong hindi siya marunong magalit.And that expression of hers was a sign that she's thinking of a comeback.

"Ilan daga n'yo? Bigyan pa kita ng ilang kopya niyan para tig-isa sila," aniya at hindi ko napigilan ang matawa.

Hindi siya iyong tipong lalaitin ka pabalik kapag nilait mo siya.Siya iyong sasakyan pa ang mga biro mo kapag nilait mo siya.End point,wala ka nang maibalik na biro kundi tatawa ka na lang.

"BAGONG girlfriend?," mabilis pa sa alas sinco kong naitago iyong litrato ni Rhum nang biglang sumulpot sa kung saan ang nakakatanda kong kapatid.

"Hindi," maiksi kong sagot at bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa namin.

"Bakit ka may picture?," nanunuya niyang ngisi.

"Ganun talaga," walang gana kong sagot at napailing na lang siya.

Unlike me,he's got a serious relationship.Hindi ko nga maintindihan kung papaano siyang natagalan nung babae samantalang panay naman ang pambababae nito.Varsity player siya sa unibersidad na pinapasukan.Obviously,a chick magnet.

"Magseryoso ka na kasi," komento niya.

"Oh yeah! Get off my back," suplado kong turan at sinagot niya lang ako ng halakhak.

Sino bang nagsabing hindi ako nagseseryoso? I'm serious with all the girls I've dated.Maybe I just haven't found the one yet.

Muling nagbalik ang isip ko sa litrato ni Rhum.I do like the girl.But fuck,she's out of my league.

Kami kasing mga lalaki,hindi naman porke't gusto namin sunggab agad.Mayroon kaming mga isinasaalang-alang.Tinatantsa rin namin kung may pag-asa ba kami at kakayanin ba namin ang isang babae.

And with Rhum,I don't know yet.She's too focused with her studies and all that I don't have the heart to distract her.Though I would want to make sure I'll be an inspiration.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon