Chapter 25 (CR)

598 30 2
                                    

Chapter 25

CR

The night went deeper.I am not much of a drinker and I know that I could only handle 2 bottles of Tanduay Ice.That would make me tipsy already.And three would make me crazy.

Kaya nang naubos ko ang unang bote,dinahan-dahan ko na ang pangalawa.Mahirap nang umuwi nang lasing.Mukhang wala pa namang pakundangan si James sa pag-inom.I have to stay sober to drive both of us home.

"Hey,wanna dance?," bumulong si James sa akin.Ngumiti ako at tinanguan siya.

Narinig kong pumailanlang ang isang Selena Gomez na kanta at sinimulan kong umindak.Sinabayan ako ni James at natawa ako.

Gwapo talaga ni James.At kapag sumayaw na siya,ang gwapo talaga ni James.His remarkable bubble butt dance was one of the videos I would never get tired of watching.Ilang beses ko na iyong napanood noong College pa lang kami at natatawa pa rin ako.And I should try and check it out again.Matawa man lang ako.I really need a good laugh nowadays.

Ilang kanta pa ang isinayaw namin at walang minutong hindi ako natatawa.James was so sport that even if he knew I was laughing at him ay hindi pa rin siya tumitigil bagkus ay mas nilalakihan niya ang kilos niya which made it more obvious  that he's really not made for dancing.

Nang nakaramdam kami ng pagod—more of James being tired— ay bumalik na kami sa table.We're in the middle of the sea of people who's now dancing under the song Jumpshot at sa takot kong mapag-iwanan ni James sa gitna ng dancefloor ay humawak ako sa laylayan ng damit niya.

He may have felt it kaya kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa damit niya at hinawakan ito para hilahin ako palabas sa dancefloor na mas marami nang tao kumpara noong kakapasok lang namin sa bar.

Nakahinga kami nang maluwag nang tuluyan na kaming nakalabas.Diretso ang tingin ko sa table namin habang naglalakad kami ni James and I'm fully aware that he's not let go of my hand yet.

But that was less of my care.Mas tutok ako sa lalaking kakarating lang sa table namin.His back was turned to us.Pero kilalang-kilala ko ang likod na iyon.At base sa yugyog ng kanyang likuran,alam kong nakikitawa siya sa mga kaibigan namin.Funny how a heart recognizes one person without even looking at them thoroughly.

Habang papalapit kami sa lamesa kung nasaan nakaupo ang aming mga kaibigan ay papabigat nang papabigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib.Seeing him should make me happy.But it's exactly the opposite of what I've been feeling.

After the day he's left for Greece with Cea,seeing him was what I've hope for yet having him near kills my heart.Sinasakal ako ng katotohanang pupwede ko siyang hawakan at titigan,pwede ko siyang yakapin at halikan,ngunit alam ko,lahat ng iyon ay may katapusan.Iiwan niya rin ako at uuwi sa babaeng pinili niyang pakasalan.

"Are you alright?," wala sa sariling napalingon ako kay James at tumango kahit na hindi pa naman masyadong napoproseso ng utak ko ang kanyang tanong.

Nang tuluyan na kaming nakalapit sa aming mga kaibigan ay agad nagbatian sila James at ang mga baging dating na si Nohlan pati na si Seth.Ngiti lang ang ibinigay ko kay Nohlan habang hindi ko naman tinapunan ng tingin si Seth.

We sat at the other side of the table.Dahil pabilog ang couch ay umusog paloob sila Rich at Zeke.Umupo ako sa tabi ni Zeke at sa kaliwa ko naman ay si James.I could feel Seth's stare but I pretended not to mind at all.

"Okay ka lang?," Nohlan,who knows me well,asked.I know he won't believe it but I still said yes.Bahala na muna siyang mag-isip kung bakit ako nagsisinungaling sa kanya.

And just like what I've wished,Nohlan let it pass.Habang abala ang mga lalaki sa pag-iinuman ay nagkukwentuhan naman kami ni Rich.She and Zeke even switched position in a very indecent way,but they didn't mind.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon