Chapter 46 (Seth-a)

575 27 18
                                    

Chapter 46

Seth-a

Pinatay ko ang makina ng kotse habang nakaparada sa harap ng bahay.I felt so devastated I couldn't afford to get inside.Baka gising pa si Caleb at ayokong makita niya ako sa ganitong estado.

Ayoko rin munang makita si Cea.Hindi pa nga siguro malinaw ang lahat pero hindi naman ako tanga para hindi maintindihan na may nangyayari sa kanilang dalawa ng gago kong kapatid.At sa tuwing naiisip ko iyon ay para bang nanginginig ang laman ko sa sobrang galit.Ni hindi ko nga alam kung kakayanin kong makaharap silang dalawa para mapakinggan kung ano ba talagang nangyayari.

Gaano katagal na kaya ako nilang niloloko? Sa likod ng utak ko ay alam kong hindi buo ang pagmamahal na naibigay ko kay Cea mula nang bumalik at umalis si Rhum.Aminado akong gago rin ako.Pero pinilit ko namang itama ang mga mali ko para sa kanila ni Caleb.

Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at isinandal ang ulo sa headrest ng upuan.Muli lang akong napadilat nang may paparating na sasakyan.Sasakyan iyon ni Kuya Gareth at unti-unti na namang namuo ang galit sa aking dibdib.

Ang sarap na naman niyang suntukin sa mukha hanggang sa madurog ito.Pero hindi ko iyon gagawin sa harap ng bahay.Baka makita pa ni Caleb.

Para umiwas ay agad ko nang binuhay ang makina ng kotse at umalis na roon bago pa man siya makaparada.Baka magpang-abot pa kami at hindi ko mapigilan ang sarili.Kakasabi ko palang naman na hindi ako makikipagsuntukan sa harap ni Caleb.

Tuloy-tuloy lang ang ang aking pagdadrive hanggang sa muli akong kumalma.Huminto lang ako sa pagmamaneho nang may nadaanan akong 24 hours open na fastfood chain.

May mangilan-ngilang tao roon nang pumasok ako.Kadalasan sa kanila ay nakatingin sa akin.It's either nakilala nila ako bilang si chef Seth or nagtataka sila kung bakit putok ang nguso ko.

Diretso lang sa counter ang aking tingin.Umorder ako ng isang long chicken with cheese at large Apple juice and fries.Umorder ako na parang normal lang kahit disturbing na iyong pagtingin-tingin sa akin ng ibang crew.

Nang makuha ko ang order ay pumili ako ng pang-apatang table na ang pwesto ay nakaharap sa kalsada para hindi na ako makita ng mga tao or much to say ay para hindi ko makita ang mga tingin nila.I feel so on the edge and I would never want to end up venting out my anger towards other people.

I ate in silence for a few minutes until someone put an ice cream on the table that I'm using and the person sat beside me.Nilingon ko kung sino iyon at nagulat ako at nataranta kung paano ko itatago ang aking mukha.

She looked at my face with concern habang ako'y 'di makatingin nang diretso sa kanya.She waved her little hands at me.Nang makabawi ako sa pagkabigla ay saka ako napatingin sa paligid. Zeta was wearing a Hello Kitty Pajamas with her hair in pigtail.

"Who's with you?," tanong ko habang hinahanap ang kanyang Mommy sa palibot matapos ay tumingin ako sa aking relo. Ala una na ng madaling araw hindi pa tulog iyong bata.

"Mommy is at the counter,my Mama is in the comfort room," she answered perkily. Mula sa pagngiti ay bigla siyang nalungkot.

"What happened to your face,Mister?," she asked.

It was such a simple question pero hindi ko masagot.Paano ko ba sasabihin sa isang 4-year old na nakipagsuntukan ako sa kapatid ko dahil niluko nila ako ng aking asawa?

Will she understand how hateful one would feel about that?

Nasa kalagitnaan pa rin ako ng pag-iisip ng maisasagot kay Zeta nang may nagsalita mula sa aking likuran.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon