Chapter 18 (Girlfriend)

671 34 7
                                    

Chapter 18

Girlfriend

Sabi sa kanta 'Too Much Love Will Kill You' but dang still 'Love Will Keep Us Alive'. Ramdam na ramdam ko ang ispirito ng kantang iyon sa aking sistema.

I barely had sleep.Pero dinaig ko pa ang nakatulog nang mahigit dose oras sa sobrang energized ko.Para bang sa sobrang ganda ng vibes ko ay kahit danasin ko iyong lindol na nangyari sa Italy ay hindi pa rin ito masisira.

I hope Seth is feeling this way too.

And speaking of him,he was just the culprit why I haven't had enough sleep.Nang makaalis siya kinagabihan ay agad akong nakatanggap ng text mula sa kanya na nakauwi na raw siya.Nagreply ako sa text niyang iyon kaya magdamag kaming magkatext na para bang hindi ko siya kasama ng buong gabi.

"Good Morning," bati niya sa akin pagkapasok ko sa kanyang FJ Cruiser.Usapan namin ay ihahatid niya ako papuntang trabaho.

"Morning," nakangiti kong bati.He leaned closer to me and gave me a peck.

"Nakatulog ka ba?," tanong niya.

Ngumuso ako at pinanliitan siya ng mata. "Ikaw?Nakatulog ka ba?," balik kong tanong na sinagot niya ng tawa.

"Wala pa akong tulog,Rhum," aniya. "Pinuyat mo kasi ako," pilyo niyang ngiti.

"Kahit isang oras?," alala kong tanong na sinagot niya ng tango.

"Dapat hindi mo na lang ako sinundo para nakatulog ka pa," turan ko.

"No,it's okay.Hindi rin naman ako makakatulog dahil alam kong gising ka,"aniya.

"Anong ibig sabihin nun?," taka kong tanong.

"Come on,kailangan nating bumawi sa 4 years na nawala,kaya dapat doble kayod sa paglalandi.Kapag gising ka,dapat ako rin.I should not let you feel so alone.I'll message you even when we're both at work or not, even in the showers," tawa niya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.Wala akong maisagot.Kapag kasi kasama ko siya ay nagmamalfunction ang utak ko.Puso ko lang ang gumagana.Bobo pa man din iyon.

"I have an idea," bigla kong sabi nang binuhay na niya ang makina ng kanyang sasakyan. "I'll drive while you sleep."

"No,you sleep," pagmamatigas niya.

"Ako nakatulog nang kahit tatlong oras,ikaw wala.Gusto mong antukin habang nagmamaneho? Baka madisgrasya tayo," paalala ko sa kanya.

"Ouch," aniya sabay hawak sa kanyang dibdib. "Akala ko sa akin ka nag-aalala.Takot ka lang pala madisgrasya," tawa niya.

"Letse," tawa ko.

"Don't you worry,baby.I'm all awake.Ikaw lang naman ang may kakayahang tulugan ako.Pero ako,kapag kasama kita,gising lahat ng pwedeng magising sa akin," ngisi niya pa.

Pwedeng magising lahat ng magising? Ipinilig ko ang aking ulo.Hindi ko maiwasang mag-isip nang hindi maganda.Ang bothering naman ng linyang iyon.

Saglit akong nag-isip ng isasagot sa kanya. "Paano mamaya kapag pauwi ka na? Hindi mo na ako kasama nun,baka antukin ka," ani ko.

"You worry too much,I'm fine,Rhum," he assured me. "Wala akong sched today,I have all day to sleep," dagdag niya pa.

Hindi na ako kumibo at hinayaan na lang siyang magmaneho.Pagkaparada niya sa tapat ng shop ay hindi pa ako agad bumaba.Inaalala ko talaga siya.Baka makatulog habang nagmamaneho.

"Oh come on,nakapagmaneho nga ako kanina papunta sa bahay mo at hanggang dito eh," aniya pero hindi ko siya pinakinggan.

"No.Two hours,you stay here for two hours,matulog ka dito sa loob ng sasakyan mo,after that pwede ka nang umuwi," sabi ko sa kanya.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon