Chapter 56 (Amidst Annulment)

628 27 2
                                    

Chapter 56

Amidst Annulment

"Papa. I want to call you Papa," Zeta's voice filled the room.

"But he's my Daddy," Caleb disagreed.Napangiti ako habang pinakikinggan ang  usapan nilang dalawa mula sa sala.

"Then you call him Daddy and I'll call him Papa," Zeta concluded.

"Pangit," komento ni Caleb.

"Mas pangit ka," sigaw pabalik ni Zeta.

Mangani-ngani akong lumabas ng kusina dahil mukhang nagkakainitan na ang dalawa nang narinig ko ang reaksyon ni Seth na kasama nila.Napailing ako nang narinig ang malutong na tawa nito. Napakagaling na equalizer. Hinayaan niya lang magpikunan ang dalawang bata.

"I did not say you are pangit," Caleb defended.

"Then what?," mataas pa rin ang boses ni Zeta.

Pinakiramdaman ko saglit ang tatlo.Ang dalawang batang nagtatalo na at isang matandang panay lang ang tawa.Hinuha ko ay walang plano si Seth na pahintuin ang mga bata kaya lumabas na ako mula sa kusina.

"Hey,stop it. Come on,let's eat,guys," sabi ko habang hinihila si Zeta patayo gamit ang kanan kong kamay.Iniabot ko naman ang aking kaliwa kay Caleb.

"Enough na sa ag-aaway," saway ko sa kanilang dalawa na nagpapalitan ng masamang tingin.Iginiya ko sila papasok ng kusina habang hawak ko sila sa magkabila kong kamay.Nilingon ko si Seth dahil mukha wala siyang planong sumunod.

"Paano ako?," nakalabi niyang tanong na hindi man lang tumatayo sa pagkakaupo niya.

I rolled my eyes to him. "You know your way," sagot ko tuluyan na siyang iniwan dun.

Pagkarating sa kusina ay hinila ko ang upuan para ipwesto sa tapat ng sink nang may matungtungan iyong dalawa. "Okay,wash your hands muna," paalala ko sa kanila. Una kong hinugasan ang kamay ni Zeta pagkatapos ay kay Caleb.Mukhang medyo kumalma na iyong nanlilisik nilang mga mata kanina lang.

Nang matapos ay agad ko silang pinapwesto sa tapat ng lamesa.To keep a distance between them,I chose to seat in the middle across Seth who just sit.

We prayed first. Nang matapos ang prayer which Zeta lead ay inuna kong lagyan ng pagkain ang mga plato nila bago ang sa akin.

"Uubusin ha," paalala ko sa dalawa habang naglalagay ako ng sauce ng chicken curry sa kanin nila.

"Opo," both answered in unison.

"Very good," ngumiti ako sa kanilang dalawa at parehong hinaplos ang mga  buhok.

Bumaling ako kay Seth na hindi man lang kumikilos. Nakatingin lang siya sa amin habang magkakrus na nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa.

"Kain na," ani ko sabay kuha nung bandehado ng kanin. Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya.I pretended not to notice how he smiled while looking at me.Gusto ring  binibaby!

Kumpara nung dalaga pa ako,medyo riot talaga kapag may mga bata kang kasama sa pagkain.Panay ang yuko ko para damputin iyong mga nahuhulog na tinidor at kutsara.Tatayo para kumuha ng panibago.Pilit pang sisilipin ni Caleb si Zeta para lang magbelatan silang dalawa.

Mabuti na lang ay nakaramdam si Seth at pinalipat si Zeta sa tabi niya.Siya ang nag-asikaso kay Zeta at ako naman kay Caleb.If anyone sees us,we really look like a family.Like family family.No annulment cases on the sideline and no Cea to share Caleb with.

Nang matapos kumain ay hinayaan ko munang maglaro iyong tatlo sa sala habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin.Medyo madugo ang linisan dahil andameng kanin na  nahulog sa ilalim ng lamesa.Nang matapos na ako ay saka ko na sila pinahinto at inaya na ang  mga batang maglinis ng katawan.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon