Chapter 15 (Beige Dress)

569 25 3
                                    

Chapter 15

Beige Dress

Good Morning :)

Iyon ang text na nabungaran ko pagkagising ko ng madaling araw.Bahagya akong nag-unat para bumangon at saka napangiti nang ma-absorb na tinext nga ako ni Seth.The clock says 4 AM at ang text niya ay natanggap ko ng 3:42.Mas maaga siyang nagising.

Nagtipa ako ng message para replyan siya ng 'morning' lang.

Coffee? Reply niya sa akin.

I need toothbrush.Send ko sa kanya.

Hininga mo pala iyong naaamoy ko :))

"Loko 'to ah," natatawa kong turan sa pang-aasar niya sa akin. Simpleng :P lang ang sinagot ko sa kanya.Ibinaba ko na ang cellphone sa kama at lumabas ng kwarto para pumunta sa kusina.

Wala pa ring pinagbago ang kusina namin.Kulay puti pa rin ang pintura nito at ang mga furnitures doon ay iyon pa rin.Masinop si Mommy sa gamit.Mapapalitan lang ang mga iyon kung sira na at hindi na kayang ayusin.

Naisipan kong magluto muna ng almusal para pagkagising nila Mommy at Daddy ay kakain na lang sila.

Nagprito lang ako ng itlog at Old English sausage habang nakasalang ang sinaing sa rice cooker.Habang ginagawa ko ang mga iyon ay nagtimpla rin ako ng kape.Kailangang mainitan ang tiyan ko bago ako maligo.

Nang matapos ako magluto ay kumain na ako bago bumalik sa kwarto para kumuha ng tuwalya.

Napatingin ako sa nakailaw kong cellphone na nasa aking kama.Sinilip ko iyon at nakitang may 5 missed calls.At lahat iyon ay galing kay ???. Kay Seth.

What time ka luluwas?

Sabay na tayo.

Sunduin kita sa inyo.

O gusto mo kita na lang tayo sa labas ng subdivision n'yo.

Oy!

Rhum?

Natulog ka ulit?

Hala! Tulog na nga ulit.

Tsk.Naririnig ko ang hilik mo hanggang dito.:))

Mahina pa.Lakasan mo pa. xD

Madaling araw ay hyper na hyper siya.Magrereply na sana ako nang biglang nagregister sa aking screen ang kanyang number.Tumatawag siya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.Huminga pa ako nang malalim dahil sa biglang pag-atake ng kaba sa aking dibdib.

Ano ba,Rhum?Sasagutin mo lang naman iyong tawag.

Nang pinindot ko ang kulay berdeng icon ng telepono ay dumoble ang aking kaba.Wala akong narinig mula sa kabilang linya kaya hindi ko malaman kung magsasalita ba ako o hindi na lang.

"Morning," napapikit ako nang sa wakas ay nagsalita siya.His voice was husky.Halatang hindi pa nabovocalize.

"B-Bakit?," utal kong tanong.

"Ano? Sunduin kita?," tanong niya.

"Nasaan ka ba?," taka kong tanong sa kanya.Napakalayo naman kasi ng Maynila para sunduin niya pa ako.

"Nasa bahay," vague niyang sagot.

"Saan?," tanong ko ulit.

"Dito sa Bacoor," bakit ang sexy ng boses niya? Naconscious tuloy ako kung ayos lang ba ang boses ko baka kasi tunog palaka.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon