Chapter 26 (Sorry)

583 27 4
                                    

Chapter 26

Sorry

Nang sinabi kong mahal ko siya,tatlong reaksyon lang ang inaasahan ko.Una,hindi siya kikibo.Pangalawa,sasagutin niya ako ng pasasalamat.At pangatlo,sasabihin niya ring mahal niya ako.

"I'm sorry," his answer.Napatigagal ako sa sagot niya.Why sorry?

Sorry dahil wala na siyang maikibo? Sorry dahil hindi niya magawang makapagpasalamat? O sorry dahil hindi niya ako mahal?

"It's Cea," sana sinampal niya na lang ako o 'di kaya ay nilublob na lang niya iyong ulo ko sa inidoro.Atleast pasa lang ang aabutin ko.Hindi gaya ng sakit ng puso ko na tinamo dala lang ng dalawang salita.It's Cea.

Wala akong mailuha sa sobrang sakit.Umatras lahat ng luha ko nang bigkasin niya ang mga katagang iyon.It felt like I'm crushed into pieces.Masyado akong napulbos na wala nang likidong natira sa akin.His words drained the life out of me.

"Ah! Okay," sagot ko.Hindi na ako makapag-isip ng maayos.Tinignan ko siya at mas lalo lang akong nasaktan nang wala man lang kaekspresyon ang kanyang mukha.Para bang iyong sinabi niya ay isang simpleng bagay lang.

Walang sabi-sabing iniwan ko siya roon at nagmamadaling bumalik sa mga kaibigan namin.

"Ang tagal mo," bungad ni James sa akin nang tuluyan na akong nakabalik.

"Mahaba ang pila," maiksi kong sagot sabay upo sa tabi niya.Palihim kong nilingon ang daan patungo sa banyo para tingnan kung nakasunod si Seth.

Nang wala akong nakita ay saka ko ibinalik ang aking atensyon sa aking mga kaibigan.May pinagkukwentuhan silang nakakatawa ngunit hindi ako makasunod sa mga ito.

Para bang may malaking parte sa loob ng aking dibdib ang nawala ngunit may nakadagan dito.Funny how an empty feeling could feel so heavy at the same time.

And what's worse is that I couldn't let it out.Masyadong masaya ang mga kaibigan ko at hindi ko kayang sirain ang gabi nila.Kaya naman kahit manhid ako ay pinilit ko pa ring makitawa.Wala akong maintindihan ngunit kapag tumawa sila ay tumatawa na rin ako.

Ang plano kong dalawang bote lang ng Tanduay Iced ay nadagdagan ng Tequila Sunrise.Nasa bar na rin lang naman ako,might as well enjoy it.Kahit pilit.

"Nasaan ba si Seth? Ang tagal bumalik ah," pansin ni Rich sa pagkawala ng presensiya ni Seth.It's already ten minutes since we part.

"Baka umuwi na 'yon," kunot-noong sagot ni Nohlan.

"Walang pasabi?," tanong naman ni James.

They continued bickering about Seth's absence until a known song played and they all forgot about him.Nagkaayaang sumayaw sa dancefloor.Dahil walang maiiwan sa table namin ay nagprisinta akong magbantay.

James persuaded me to come with them but when I asked him who'll watch out after our stuff,wala siyang naisagot.He couldn't point Rich 'cause she's went ahead in the middle with Zeke and Nohlan already was grinding with a girl we didn't know.

"It's either I stay here,or you stay here," pilit kong ngisi sa kanya.

He stopped for a second and smiled. "We'll both stay then," he declared and sat beside me.

"Okay lang ako,you go with them," turan ko sa kanya.Nginisihan niya lang ako at inilatag ang braso sa sinasandalan ko.

"I won't enjoy anyways," he smiled.

"Why is that?," I asked.

"You're not there,"  he pointed out the dancefloor. "I came here for you though," aniya sa mababang tono.Siguro para hindi ko marinig.Pero rinig ko pa rin iyon.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon