Chapter 53(Meeting the Mom)

524 24 0
                                    

Chapter 53

Meeting the Mom

Lagpas isang linggo na mula nang huli kaming magkita ni Seth.Wala pa rin akong balita mula sa kanya. Pati ang text kong 'kumusta?' ay isang linggo nang hindi narereplyan.

It worried me. I even googled him hoping to see recent news about him but all I got was disappointment of finding nothing.Nakakafrustrate! I shouldn't feel this way. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

One more time,I sent him a text.

I hope everything is okay :)

Nang maisend ko ang text na iyon ay agad ko nang inipit ang cellphone sa ilalim ng aking unan. I'm in between hopeful for a text reply and hopeless for getting nothing. Isang oras akong nakatitig lang sa kisame habang hinihintay na magvibrate ang cellphone na nasa ilalim ng unan ko.Nagbabakasakali. But I guess the latter won,walang reply.

Alas dos ng madaling araw nang napabalikwas ako dahil sa pagyanig na naramdaman ko. Akala ko may lindol na. Nang iniangat ko ang unan para tingnan ang pinanggagalingan ng pagyanig ay cellphone ko pala iyon.

My heart had a somersault when I saw who's calling. Walang dalawang isip ko iyong sinagot kesehodang may plema-plema pa ang lalamunan ko.

"Hello?," sabi ko sa kalagitnaan ng pagtikhim.

"Good morning," finally, his voice.I silently smiled and heaved a sigh of relief. I could sense a smile in his voice. "Did I wake you up?," tanong niya.

"Kumusta ka?," I asked instead of answering his question. Miss na miss na miss kita. Only if I could tell him.

"Heto," pabitin niyang sagot.

"Anong heto?," tanong ko.

"Gwapo pa rin," he chuckled and I can't help but giggle.

"Pakyu ka!," I replied.

"Oh? Tara," he laughed.

"Gago," I laughed harder.

Natahimik lang ako nang tumigil din siya sa pagtawa.We stayed like that for a few seconds until he decided to break it.

"I miss you," gusto kong ma-amaze sa bilis ng transition nung emotions ko dahil lang sa sinabi niya. One minute I was laughing then suddenly I'm lonely.

I should be happy,right? He missed me. And I missed him. It's a mutual longing. But the way he's said it,it's filled with pain. And it's like a contagious disease. His words inflicted a pang in my chest.

"And I'll miss you more," nangunot ang noo ko sa idinugtong niya. What does he mean exactly by that?

"Ano?," imbes na 'bakit' ay iyon ang nasabi ko. I heard him clearly but I needed clarification.

"Wala," sagot niya. "Baba ka," pag-iiba niya ng usapan.

Hindi ako sumagot pero agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Hindi ko na pinansin ang sakit ng pagkakabangga ng tuhod ko sa footboard ng kama at dire-diretso ako sa may bintana habang nakatapat sa tenga ko ang aking cellphone.

Parang gusto na agad tumalon ng puso ko sa bintana nang may nakita akong blue Lexus V8 na nakaparada sa tapat ng gate. I dropped the call and ran towards my room's door. I tiptoed when out of the room trying not to wake Zeta.

Nang makarating ako sa sala ay mabilis na ang aking hakbang papunta sa pinto at patakbo kong tinungo ang gate.Pagbukas ko palang ng gate ay nakangiting mukha ni Seth ang bumungad sa akin.

Walang salita. Bigla ko na lang siyang niyakap.Alam kong iuumpog ko na naman ang ulo ko sa kung saan mamaya pagkatapos ng ginawa ko dahil sa kahihiyan. Pero saka ko na iisipin iyon. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Iyong nangyayari sa 'ngayon'. Seth embraced me back. Tighter than how I hugged him.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon