Chapter 20
Lipstick
Hindi ko inakalang ang mga itinuring kong kaibigan ay basta-basta na lang babaligtad pakitaan lang ng gwapong lalaki.
Nakita at nakausap lang nila si Seth ay bigla na nilang nakalimutan ang ilang taon naming pagsasama.Nakalimutan na nila ako at agad nang nalipat ang loyalty nila kay Seth.
"Hina-hinaan n'yo naman at naririnig ko ang pagtsitsismisan n'yo tungkol sa akin," irap ko kina Tasha at Monica na magiliw pa ring nagkukwento tungkol sa kung gaano ako kailap sa mga lalaki dahil nga raw sa 'hung ups' ko sa 'ex' ko.
Mangani-ngani ko silang sabihan na ang kausap nila ay ang ex ko.Sayang-saya naman din si Seth sa mga nalalaman niya.
Kung hindi pa nagring ang phone ni Seth ay baka hindi sila tumigil sa pagkukwentuhan.
"Banyo muna ako," paalam naman ni Monica bago tumayo at tumungo sa pintuan ng banyong nasa loob lang din ng opisina namin.
Habang hindi naman tumayo si Seth sa kinauupuan niya.Wala siyang pakialam kung naririnig namin ang usapan nila ng kung sino mang caller iyon.
"Where's Andrew?," kunot-noong tanong ni Seth sa kanyang kausap.Bahagya siyang huminto sa pagsasalita upang pakinggana ang nasa kabilang linya.
Tumunog ang telepono sa aming opisina at akma na sana akong tatayo para sagutin iyon nang inunahan ako ni Tasha.
Naiwan akong nakatunganga roon kaya kinalikot ko na lang ang aking cellphone.
Napabaling ako kay Seth nang tumayo ito at biglang yumuko.Awtomatiko akong napatingin sa pinto ng banyo at kay Tasha na nakatalikod sa amin.
Dahil nga matangkad siya ay nagawa niyang ikabila ang katawan sa lamesa nang hindi gumagalaw sa kanyang pwesto.
"Baka makita ka nila," bulong kong.
Ngumisi lang siya sa akin at tinitigan ako. "I don't want to leave,but I have to," paalam niya.
Was I supposed to feel lonely about him leaving already? Hindi ko magawang maramdaman iyon dahil mas iniisip kong makita kami nila Monica at Tasha sa ganoong posisyon.Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.
"Okay sige,ingat ka," tulak ko sa balikat niya.
"Kiss ko," pout niya at lalo akong nataranta.Palipat-lipat ang tingin ko mula sa kanya,papunta kay Tasha at baling sa pintuan ng banyo kung saan nasa loob pa si Monica.
"Mamaya na,sige na," mahina kong tulak sa balikat niya habang nag-aala-ninja moves ang eyeballs ko.Mas natatakot ako sa biglang pagbukas ng pinto.
"Ngayon na," ngisi niya.Napapadyak na ako sa kulit niya.He puckered his lips.
"Oh! Ikiss mo na ako," nagmamadali kong bulong pero hindi siya gumalaw.
"Hiya ako eh.Ikaw na lang kumiss sa akin," ngisi niya.
In a short span of time,I've never felt more frustrated than what he's doing at the moment.Pinsadahan ko pa ng isa ang pagtingin sa likod ni Tasha at pinto ng banyo bago siya binigyan ng halik sa labi.
It was supposed to be just a peck but the asshole held my nape kaya nagtagal iyon.He even managed to nibble my lower lip while my eyes are widened as I looked at Tasha's back.
Feeling ko ay may bombang sasabog nang narinig ko ang tick ng lock ng pinto.Naitulak ko si Seth nang malakas kaya napabalik siya ng upo sa kanyang upuan at natatawang tumingin sa akin.
And I could never explain how horrified and humored I am at the same time nang makita ko ang smudge ng aking lipstick sa gilid ng labi ni Seth.Ang ipinagpapasalamat ko,naghiwalay na kami ni Seth bago pa man tuluyang buksan ni Monica ang pinto.Iyon nga lang,hindi ko na alam kung papaano ipapaalam kay Seth ang kumalat kong lipstick sa labi niya.
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
Roman d'amourEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?