Chapter 6
Prank Caller
Nabungaran ko ang nakangangang sina Tasha at Monica kasama na ang iba naming empleyado,pati mga kliyente na nanunood ng palabas sa tv.
"Parang ang sweet niya," kinikilig na komento ng aming receptionist habang nakatingin pa rin sa kung anong palabas sa tv.
"Ano iyan,A Second Chance?," excited kong tanong kahit nasa pintuan pa lamang ako sa kadahilanang I was deprived of watching the said movie.Fan pa naman ako ni Popoy at Basha.
Walang sumagot sa akin kaya lumapit na ako sa kanila at naestatwa nang makita kung ano ang pinapanood nila.
Kumakalat ang isang litrato ngayon sa social media tungkol sa misteryosang babaeng ito.Siya na nga ba ang nagpapatibok sa puso ng ating heartthrob chef Seth Sevilla? Tiyak na maraming puso ang nawasak sa kaalamang ito.
Pagsisimula ng isang batikang showbiz host habang ipinapakita ang naka-close up na litrato ng babaeng may suot na cap.Hindi makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng sumbrero.Pero kilalang-kilala ko kung sino ang nasa litrato.
Dalawang pictures ang ipina-flash sa screen. Ang una ay iyong naglalakad kami sa loob ng mall na nakaakbay siya sa akin habang pinipigilan niyang tanggalin ko ang cap na isinuot niya sa akin. Ang pangalawang litrato naman ay kuha sa parking space.Iyon yung mga panahong nagtatalo kami.
"Ayos ka lang?," tanong ni Tasha sa akin nang nasa opisina na kami.Kakaalis lang ng kanyang kliyente.
"Kanina ka pa tulala," puna pa ni Monica.
"I'm fine.Don't worry," nakangiti kong sagot.Though I'm really worried.At hindi nakakatulong ang mga text messages na pinapadala ng mga kaibigan ko sa akin.Lalo na ang text ni Ivy.
Cea's furious right now.Let's cancel the meeting for the meantime.
"U-Uwi na lang muna ako,ang sama kasi ng pakiramdam ko," palusot ko sabay tayo na.Hindi ko na hinintay ang sagot ng dalawa kong kasama at dire-diretso na ako ng alis.
NANG mga sumunod na araw ay wala akong tawag o text man lang na natanggap mula kay Ivy.Hindi kaya iniatras na ni Cea ang kasal dahil sa kumakalat na isyu tungkol doon sa litrato?
"Bakit 'di kita makita sa FB?," tanong ni Tasha sa akin habang naglalunch kami.
"Nagdeactivate ako," sagot ko sabay subo ng kanin.
"At bakit?," usisa naman ni Monica.
"Wala na kasi akong makitang matino sa FB," pagsisinungaling ko.Kahit ang totoo niyan ay ginawa ko lang iyon dahil marami na akong nakikitang posts tungkol sa mysterious girl kuno ni Seth.
Doon ko lang narealize na marami rin palang fans si Seth.Who would have thought?
"Andame nang kumakalat na litrato tungkol doon sa girlfriend ni Seth Sevilla,ano?," speaking of the devil.Nilingon ko si Monica na nagkukwento.
"Nalilito na nga ako kung sino nga ba ang totoo," turan ni Tasha.
Simula talaga nang naranasan kong mainlove,natuto na rin akong magsinungaling.And I could say that I'm really being good at it.
"Kaya nga.Isa rin iyan sa mga dahilan why I deactivated my account.Bakit ba sila curious doon? Hindi na lang nila hayaang mabuhay iyong tao," I blabbered.
"Ganun talaga kapag celebrity," katwiran ni Monica.
"Eh paano pala kung kaibigan niya lang pala iyon at hindi naman girlfriend," singit ko pa.
"I don't think so," Tasha disagreed and I looked at her with a creased forehead.
"I doubt it too," pagsang-ayon ni Monica sa kanya. "The way Seth looked at her,even doon sa picture na magkaharap lang sila,iba eh.Iba 'yong titig niya doon sa girl," paliwanang ni Monica na nagpasikip ng aking dibdib.
"Anong i-iba?," tanong ko pa.
"He looked inlove," sabad ni Tasha.My heart twitched.
Yeah he is inlove.But not with the girl in the picture.Not with me.
Bahagya pa akong napatalon nang nagvibrate ang cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon.Kinuha ko iyon at 'di naiwasan ang magtaka nang makitang isang unregistered number ang tumatawag sa akin.
"Sino 'yan? Bakit ganyan ang mukha mo?," takang tanong ni Tasha nang makitang nakakunot ang aking noo.
"Dunno," kibit-balikat ko sabay pindot ng answer button.
"Hello," bati ko sa nasa kabilang linya.Naghintay ako ng sagot ngunit wala akong nakuhang sagot.
Mga kaluskos lang ang aking naririnig. "Hello,who's this?," tanong ko pa sa mas malakas na boses as if mas maririnig ako ng nasa kabilang linya.
May narinig akong tunog mula sa kabilang linya.Hindi ko lang mapagtanto kung ano.Tila ba sound ito na naipoproduce kapag may nagcocollide na dalawang bagay.May boses rin akong naulinigan.Para itong sa isang babae. "Oh my God!!," sabi ng boses. Nangunot ang aking noo at bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig ang boses ng babae. "Oh! Shit! Aaaah," para akong biglang nanlamig.Hindi ako agad nakakilos. "Faster please,harder aaaahhh ooohhh."
Wala sa sariling naitapon ko sa lamesa ang aking cellphone dahilan para mabigla rin ang dalawa kong kasama.
"Anong nangyari?," gulat na tanong ni Monica.
Hawak-hawak ko ang aking dibdib sa sobrang kaba ko.Pati hininga ko ay habol ko na rin.Wala sa sariling napahimas ako sa aking magkabilang braso dahil sa pangingilabot.Ayokong isipin,at alam kong hindi ko pa nararanasan ang bagay na iyon,pero 'di ako pwedeng magkamali.
"Hoy! Okay lang?," natatarantang tanong ni Tasha.Iling lang ang tangi kong naisagot.Kinuha ni Monica ang aking cellphone at inilagay ito sa kanyang tenga nang makitang buhay pa ang linya.
"Huwag," I cried. "Patayin mo na 'yan," utos ko habang lalong kinikilabutan.
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata ni Monica at ang pagshape ng 'o' sa kanyang bibig.Agad hinablot ni Tasha ang cellphone mula sa kanya at pinakinggan rin ang kung anong nasa kabilang linya.
Katulad ni Monica ay ganoon rin ang naging reaksyon ni Tasha. "Loudspeaker mo," ani Monica at ganoon nga ang ginawa ni Tasha.
I was alarmed and so I grabbed the phone from Tasha.But too late.Nai-loud speaker na niya iyon kaya itinapon ko iyon ulit.
"Oooohhh! Aaaahhhh," ungol ng babae mula sa kabilang linya at rinig na rinig ko na naman ang tunog na nililikha ng dalawang katawan mula sa kabilang linya.
"I-off n'yo na," sigaw ko habang pumapadyak-padyak pa ngunit walang sumunod sa dalawa.Para pa silang kinikiliti sa kakatawa.
Inabot ko ang cellphone at saka iyon pinatay.Nang mapatay ko na ay saka ko tinignan ang dalawa.Kapwa nagpupunas ng mga luha nila dahil sa kakatawa.
"Prank caller.Loko 'yun ah," tumatawang komento ni Tasha.
"Tawa pa kayo," nguso ko at sabay pa silang dalawa sa pagtawa ng malakas. " Sige lang," naaasar kong sabi.
"Pulang-pula ka," Monica commented.
Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi. Tumingin ako sa kanilang dalawa at wala sa sariling nagkomento. "Ganoon pala ang tunog nun?".
Mas malakas na tawa lang ang nakuha ko mula sa kanilang dalawa habang ako ay pahiyang-pahiya dahil bukod sa prank caller na iyon,narealize kong nasa restaurant nga pala kami at kumukuha na kami ng atensyon ng mga ibang kumakain doon.
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
RomanceEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?