Chapter 55
Summit
Nakarating kami ng rockies nang hindi pa rin ako iniimik ni Seth.Parati siyang nasa unahan.Habang iyong guide namin ay nakaabang parati sa akin.Hindi narin ako masyadong nagsasalita.Inis na inis na ako sa kanya.
He was the only person capable of giving me this roller coaster of an emotion. Kaninang madaling araw lang ay miss na miss ko siya. And then he made me happy then lonely then shocked and now angry.
Hindi man lang siya nag-alala na baka mahulog ako.Ni hindi man lang niya ako icheer up. Mabuti pa nga iyong guide namin binibigyan ako ng heads up kung gaano pa kalayo ang lalakarin namin.Pero siya,wala siyang pakialam. Ganun naman pala sana ay umakyat na lang siya mag-isa.
"Pagod na ako,kuya," naiiyak kong sabi sa guide namin. May tatlong oras na kaming umaakyat pero mukhang walang katapusan ang paglalakad namin.
"Kaunti na lang,Ma'am. Pipicturan kita pagdating sa tuktok ng rockies. Magandang pang-IG iyon," pang-uuto ni manong sa akin.
"Talaga?," paninigurado ko.
"Opo," ngiti ni manong sa akin.Sa tingin ko ay nasa mga mid-forties na si kuya. Bilib nga ako sa kanya.Pinagpawisan lang siya pero hindi hiningal.
"Okay," sabi ko habang pilit iniaangat ang katawan sa malalaking bato. Bawat level up ko ay panay rin ang pahid ko ng luha.
Nang sa wakas nga ay nakaakyat na ako ay halos halikan ko na ang lupa.Nagawa ko!
Hindi ko pinansin si Seth at nagpakuha lang ako ng picture sa guide namin. After thirty minutes ay bumaba na rin kami which I found out was more nerve-racking. Isang maling apak lang ay pwede ka nang mamaalam sa mundo.
Dahil weekdays kami pumunta ay walang tao masyado. Unfortunately,wala ring tinda. Isa pa iyon. Wala man lang akong dala kundi sarili ko. Gutom na ako. Anong kakainin ko?
Mabagal ang ginawa kong paglalakad pabalik doon sa pahingahang pinanggalingan namin bago makarating ng rockies.Malayo pa lang ay kita ko na si Seth na abala. Tumulo ang laway ko nang makitang may pagkain sa kawayang lamesa.Pero hindi ko pinahalata iyon.
Is it my pride or my anger but I declined his offer to eat. Hinayaan ko siyang kumain mag-isa. Well sila ng guide namin.Nagkunwari akong abala sa cellphone ko at hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Ang ending,masakit na tiyan ko,masakit pa ang ulo ko habang naglalakad kami papunta sa summit.
"Ilang minutes po bago tayo makarating ng summit?," si manong guide na ang tinanong ko. Pinanindigan ko talagang huwag pansinin si Seth.
"Nasa mga 45 minutes po,Ma'am," sagot ni manong.
Napalunok ako sa sagot niya.Akala ko saglit na lang. Forty-five minutes? Seriously? Gusto ko nang makababa. Gusto ko nang kumain. Gutom na gutom na ako.
Doble ang hirap ng daan paakyat sa summit.Kung tutuusin pareho lang naman ang trail. Panay ugat din ng puno ang nadadaanan namin kaso may additional element ang level of difficulty niya. Kung tuyo ang lupa kanina ngayon naman ay medyo maputik. Yung pagdikit ng putik sa sapatos ko ay nagdagdag pa ng bigat kaya mas lalong mahirap.
Halos hindi ko na maihakbang ang paa ko sa sobrang pagod. Hindi na rin ako masaya sa amoy ko.At kanina pa akong hindi masaya dahil kay Seth. Hindi man lang niya ako lingunin para malaman kung ano nang kalagayan ko. Isinama niya pa ako.
"Kuya,mamamatay na ako sa pagod," reklamo ko sa gitna ng paghingal.Thirty minutes na kaming naglalakad.Sobrang sakit na ng binti at hita ko. Pati balakang ko ay parang mahuhulog na.Iyong mga kamay ko ay puno na ng putik dahil minsan ay ginagapang ko na ang pag-akyat.
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
RomanceEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?