Chapter 37
If Only
Ang mga bagay na nakuha mo nang mabilis ay mabilis ding mawawala sa'yo.I'm not saying Rhum was easy.It's just that,we both took the easier way to be together and skipped the hurdles.I must admit,dapat humarap muna ako sa magulang niya bago siya niligawan.I should have the courage.But what I did was the opposite.
I've known eversince that Rhum's parents would have a great say about our relationship.Pero hindi ko iyon pinansin.I focused on Rhum alone and thought of our friendship as a foundation for our relationship.Isinantabi ko iyong mga taong pwedeng bumuwag ng pundasyon na iyon.
Kaya heto ako,brokenhearted na naman.It's been months since we broke up.Sa tuwing inaalala ko ang itinakbo ng relasyon namin ay hindi ko mapigilang i-play sa background iyong lumang kanta,Isang Linggong Pag-ibig nga bang title n'on?
O kay bilis ng iyong pagdating,pag-alis mo'y sadyang kay bilis din!
Nakakaputangina!
Though,I could put the blame neither on Rhum nor to her parents.Dapat talaga sinimulan ko nang maayos.
"Tagay pa p're," naagaw ng kapitbahay ko ang aking atensyon.Kaninang umaga lang ay nagtext si Rhum sa akin.Ngayon dapat ay nagcecelebrate kami ng monthsary kaso dahil nga break na kami,walang monthsary na mangyayari.
Ang nakakainis,nagtetext pa siya sa akin at ipinapaalala iyong petsa.Nag-aaya pa siyang pumunta kina Nohlan!
Ito pa,alam kong mahal niya pa rin ako,pero ang galing maghold back.Kapag hahawakan ko iyong kamay niya,hahawak din siya.She does not complain everytime I snake my arms around her.She seemed fine with me being always around her.Kapag absent ako,paniguradong siya ang unang magtetext.Kapag may assignments,may text agad 'yan.Panay na ang absent ko pero daig ko pa iyong mga kaklase naming always present dahil mas kumpleto ang notes at photocopies ko kesa sa kanila.
She's giving me mixed signals.But she's never caving in.
Sinilip ko ang aking cellphone nang tumunog iyon ulit.Text na naman mula sa kanya.Tinatanong kung nasaan na ako.Hindi ko siya nirereplyan.
Wala akong balak pumunta kina Nohlan.Ayaw ko siyang makita.Naaasar ako.Lalo na sa sarili ko.Mahal ko siya pero hindi ko magawang ipaglaban.She's firm with her decisions and I think it would be better to respect that even if it means I'm a coward. At kahit naman siguro ipaglaban ko,ala ring mangyayari dahil iba rin ang paninindigan ni Rhum.
Paano ko nasabi? Ilang beses ko nang pinagselos.I've been posting photos with girls in all events I've been to lately.Kahit hindi ko naman talaga tipo ay nakikipaglitrato ako para makita niyang may iba na ako.Baka sakaling matakot at magmakaawang magbalikan kami.Kaso wala.
I even came to the extent of flirting with two girls infront of her but all she's given was her poker face.Ano nga bang tawag ng mga babae roon? Resting bitch face? Iyon nga yata iyon.
Sa tuwing pinagseselos ko siya,sa akin agad bumabalik.Pero mahal niya pa ako.Ramdam ko iyon.I know it in the way she still looks straight to my eyes.
Tumunog na naman ang cellphone ko at sa kanya galing.I decided to turn my phone off.Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya akong pumunta roon samantalang kahapon lang ay may pinagbubulungan sila nina Rich at ayaw ipaalam sa akin.
Iyon ang pinakaayaw ko sa lahat.Iyong pinaglilihiman ako.Kaya nga kami hindi nagkaintindihan ni Tammy.
I remembered her asking me yesterday kung may problema ba kami.I would want to say yes.Gusto kong malaman kung anong inililihim niya sa akin kaso masyadong childish iyon.Isa pa,sa tingin ko naman ay wala kaming dapat pag-usapan unless we're still in a relationship.
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
RomansaEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?