Chapter 30 (Phone Calls)

605 27 1
                                    

Chapter 30

Phone Calls

"Baka kasi matagalan tayo," bakas ang pag-aalala sa kanyang magandang mukha habang kinukumbinsi ng mga kaibigan niyang sumama sa amin.

Nagkaayaan lang kaming magkakaibigang mamasyal sa SM at naisipan nga nilang ayain ang grupo nila Rhum.Ayos naman kina Saida ang plano ngunit si Rhum ay nagdadalawang-isip.Takot mapagalitan ng magulang.

Hindi ko maiwasang mapailing sa tuwing naaalala ko kung gaano ka-istrikto ang magulang niya.Noong una ay inakala kong may boyfriend na siya.Bawat isang oras ay may tumatawag sa kanya.At ang gumagawa ng ganun ay clingy boyfriend lang.Kunsabagay,kahit siguro kung ako ang boyfriend niya ay baka hindi lang pagtawag kada oras ang gawin ko.

Ngunit nang minsang marinig ko ang pakikipag-usap niya sa telepono ay sobrang galang niya.Bawat linya niya may 'po' at 'opo'.Akala ko tuloy matanda na ang boyfriend niya only to find out it's her parents.

Solong anak kaya overprotective ang magulang.Samantalang ako hinahayaan lang ako ng mommy ko kahit saan ako magpunta.Mas magpapanic iyon kung kuya ko ang hindi umuuwi ng oras.

"Tara na," sigaw ni Edison at agad kaming nagsipagsakayan ng jeep.Ilang minuto lang naman ang layo ng Mall sa eskwelahan namin.Walking distance pa nga.That is kung gusto mong matosta sa init ng araw.

Sinulyapan ko si Rhum na may pinipindot sa kanyang cellphone.Nagtetext siguro sa magulang niya na maggagala siya.Kung totoo man ang hula ko ay gusto ko nang matawa.

Nakakaasar iyong sobrang pagiging mabait niya.Lalo ko tuloy narerealize iyong pagiging pasaway ko.

Nang nakarating kami sa SM ay agad kaming pumunta sa Tom's World.Kanya-kanyang bili ng token ang mga kasama namin.Kinuha ko ang aking wallet para magpapalit ng token nang nasulyapan ko si Rhum.

Halatang wala siyang planong maglaro.At halatang hindi siya nagpupunta sa mga ganitong lugar.She looked awkward.Nakatayo siya sa gitna habang nakatingin sa amin.Yakap-yakap niya pa ang kanyang mga libro.

"Hindi ka magpapapalit?," tanong ni Nohlan sa akin habang binibilang ang kanyang token.

Nilingon ko ang aking kaibigan at dahan-dahan kong ibinalik ang wallet sa aking bag. "Wala ako sa mood maglaro.Manonood na lang ako," pagdadahilan ko.

Tango lang ang tanging naging reaksyon ni Nohlan at sinundan kung saan ako nakatingin.Lalo siyang napailing at natawa nang mapagtanto kung sino ang tinitingnan ko.May sinabi pa siyang hindi ko na pinansin at marahan na akong naglakad papalapit kay Rhum.

Tiningnan niya ako na parang nagtataka."Hindi ka maglalaro?," tanong niya at umiling lang ako.

"Ikaw ba?," ibinalik ko ang tanong sa kanya.

"Hindi ako mahilig sa ganito," ngiti niya habang mas hinigpitan ang yakap sa kanyang libro.

"Gusto mo silang panoorin?," tanong ko sa kanya at nakangiti siyang tumango.Sabay kaming lumapit kina Rich at Saida na abala sa pagshoshoot ng bola sa ring.

Napangiti ako nang napansing naaaliw siya sa panonood sa mga kaibigan.If she's any other girl,she would have joined her friends too.But she stood still.

"Akin na bag mo," aniya kay Rich at iniabot naman ng una ang bag sa kanya.Napansin niya sigurong hirap na hirap ito sa pagshoot dahil sa shoulder bag nito kaya niya kinuha.

Thoughtful,huh!

This girl's too good to be true! Mabait,matalino,maganda.Almost perfect,kung 'di lang talaga strict ang magulang.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon