Chapter 7 (Won't Give)

660 31 8
                                    

Chapter 7

Won't Give

"Yes Mom,I will," tumatango-tango kong sagot habang kausap si Mommy sa kabilang linya ng telepono.

"This weekend po,of course," sagot ko sa tanong niya kung kelan ako uuwi. "Okay.Love you".

Ibinaba ko na ang aking cellphone bago binuhay ang makina ng aking Tucson.My day's been very tiring.Bukod sa kasal...ni Seth,may dalawang events pa akong inaasikaso.

I stayed there for almost ten minutes.Nangungulit na naman sina mommy sa pag-uwi ko.It has been a month na nga naman from the last time I went home.Tiyak na pag-uwi ko ay katakot-takot na pangungunsensya na naman ang maririnig ko sa kanila.But what can I do? I need to live my life and prepare for my future.

My mom does not agree with me putting up my own business though.Gusto kasi nila,doon ako magtrabaho sa engineering firm kung saan isa sila sa mga stockholders.Kesyo dapat iyon daw ang palaguin ko.

Ang problema,that is daddy's forte- and not mine.

And I've given myself a shot on that one,years ago.Sinubukan kong aralin,but I really couldn't do it.My heart's not in it.And that was something me and my parents are arguing about.

Napako ang tingin ko sa kotseng huminto sa tapat ng boutique namin.My heart thumped as I saw the familiar car and Seth.

Lumabas siya ng kotse at sumandal  dito.He took out his phone and dialed in it,I knew it when he put the phone near his ear while he's looking at our now closed boutique.He seemed tired by the way he massaged the back of his neck.Mula sa lamp post ay naaaninag ko ang seryoso niyang mukha.Well,it didn't make him less handsome.

My phone rang.Tawag iyon mula kay — prank caller?

Naalala kong i-s-in-ave pala ni Monica ang numero ng taong tumawag sa akin at awtomatiko naman ang pagpula ng aking pisngi nang maalala ang tawag na iyon.

I was battling with myself whether to answer the call or just ignore it when somebody knocked on the mirror of my car.Nilingon ko iyon at nakitang nasa tabi na ng aking sasakyan si Seth.

Ibinaba ko ang aking bintana habang naririnig ko pa sa background ang tunog ng aking cellphone dahil sa pagtawag ng kung sino mang herodes iyon.

"U-Uy," kunwa'y nagulat ako nang makita siya.I gave him a smile. 'A-Anong ginagawa mo rito?," tanong ko.

"Dinadalaw ka," ngisi niya sabay kindat.He was now all smiles.Malayong-malayo sa kanina'y seryoso at pagod niyang mukha.

"Iyong totoo?," tanong ko at lumabas ng aking kotse.Bahagya siyang tumabi para makalabas ako.

Nang tuluyan na akong nakalabas ay nakapamulsa siyang sumandal sa aking kotse.Pinili kong tumayo sa kanyang harapan.

"Dinadalaw ka nga," natatawa niyang sabi.

"Bakit nga?," tanong ko.

"I saw the news," aniya and I know he meant the viral pictures on the news.

"Then that means you should not be here," paalala ko sa kanya.

"Why not?," inosente niyang tanong.

"Hindi ba obvious?," sagot ko sa kanya. "And the last time I checked,Cea's very furious.Have you talked?," naalala kong tanong sa kanya.

"I'll talk with her tomorrow," aniya na para bang walang relasyon ang nakasaalang-alang sa issue na iyon.Like his fiancee's feelings do not matter.

"So hindi pa kayo nagkikita?," takang tanong ko.

"I just got home from US," sagot niya.

"At inuna mo akong puntahan kesa sa fiancee mo?," hindi ako makapaniwala.He just stared at me. "Really,Seth? You're unbelievable," komento ko.

"It's me and you who were involved in the issue and not her," he just shrugged.

"Still,she's your girlfriend.Out of all people,it is to her  whom you owe an explanation," I hissed.

I'm affected,yes.Because I know how it felt.Being hurt.Iyong makikita mo na lang ang taong mahal mo na may kasamang babae sa isang litrato.Much worse nakaakbay pa siya sa babae.And you were not informed who the girl was.And you were left hanging thinking if he still loves you or he's seeing other girls.I know it very well.

"I just want to make sure you're okay," he answered.

"I'm okay," I snapped.For leaving without a word,I'm okay.For keeping me waiting for you,I'm okay.I have been okay for more than four years that you're gone. "I'm fine.I'm okay.I can pretty much handle myself," dagdag ko.

And he just chuckled.Amused by me. "Easy.Chill ka lang,I just thought kikiligin ka kapag nalaman mong inuna kitang puntahan eh," aniya.Oh! Goodness.

"Ewan ko sayo,umuwi ka na.Kausapin mo si Cea," utos ko.

"Hindi ba pwedeng kumain muna tayo?," pinanlakihan ko siya ng mata.

"Kumain ka kasama si Cea," I retorted.

"You sounded like a jealous girlfriend," he commented.

"Ex-girlfriend," pagtatama ko.

"Wow! Jealous ex-girlfriend," he added.And my face flared.

"Tangina,Seth," I mumbled.And he laughed.

"Sweetheart's got a nasty mouth," pang-aasar niya sa akin.I chose to keep silent.Baka pagmumura na naman ang masabi ko.Pero ramdam kong pulang-pula na talaga ang mukha ko.

Nagpumilit na akong sumakay sa sasakyan.Baka magkaheart attack na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kay Seth.

"May pasalubong ako sa'yo," aniya.Tinignan ko lang siya at huminto ako sa  pagpasok sa kotse.Sumenyas siya na maghintay daw ako bago tumakbo papalapit sa kanyang sasakyan.

Nang makabalik siya ay may dala na siyang paper bag.Hinintay ko munang makalapit siya bago magtanong.Ngunit hindi ko na pala kailangang itanong kung ano ang laman noon dahil ipinakita niya na sa akin ang mga iyon.Chocolates.Yeah,lakas maka-OFW bilang galing nga naman siyang ibang bansa.

"But first,yakapin mo muna ako," aniya sabay lahad ng dalawa niyang braso.

"At bakit?,"tanong ko.

"Because you promised me," aniya .

"Promised you what?," takang tanong ko.

"You told me,yayakapin mo ako pagnagkita tayo ulit at nanggaling akong ibang bansa," I almost facepalmed when I remember that scene.Noong bagong dating si James at nagkita kami sa mall.

"Naniwala ka naman," tugon ko.

"Told you,I believe in you," kindat niya.

"And what if I don't?," challenge ko sa kanya.

"Kiss mo nalang ako," sagot niya and puckered his lips.

"No way," tanggi ko.

"Hug me then," aniya.Am I talking to a 5-year old kid?

"No," sagot ko.

"Okay," aniya at binuksan ang pintuan ng aking kotse.Sumenyas siyang pumasok ako.

Nagtataka naman akong pumasok sa driver's seat.Nang makapwesto na ako ay mabilis kong tinakpan ang aking bibig dahil sa biglaan niyang pagyuko at nagkalapit ang mga mukha namin.I know him.Magaling siya magnakaw ng halik.

Napatingin siya sa aking kamay sabay tawa. " I won't kiss you," aniya at hinatak ang seatbelt para ikabit sa akin.

My face felt hot when I felt his warmth near me.His scent filling my nostrils.Mahilig ako sa mga lalaking mababango,and Seth had that.

"Drive safely," hindi ko na namalayan na naisara na niya ang pintuan ng aking kotse.

Pagkasabi nun ay agad na siyang naglakad papunta sa kanyang sasakyan.Napako ang aking tingin sa kanyang hawak.

"Wait," sigaw ko dahilan para huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. "Akala ko ba sa akin iyan," paalala ko patungkol sa paper bag na hawak niya.

He smiled. "Sabihin na lang nating,I've learned a long time ago to not give if I won't get something in return."

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon