Chapter 11(Alcohol)

691 31 9
                                    

Chapter 11

Alcohol

Mula nang tinigilan ako ni Seth sa pang-aasar ay hindi na ako bumalik sa loob.Pinagpatuloy ko na lang ang plano at isinulat sa aking maliit na notebook ang mga kakailanganin.

I also took the chance to call Cea by myself.I laid my plans which she disagreed of. That was a first for me.Never have I laid any plans with my events na hindi nagustuhan ng aking mga kliyente.They were even wowed by how brilliant I could think of ideas that are unique.But maybe Cea is different.Of course she's been to abroad and she must have seen lots of event.Pinaghirapan kong isipin yung arte na 'yon para lang sa kasal niya.I planned through her perspective just to match it to her personality.Pero hindi niya raw iyon gusto.Siguro'y sawa na siya sa ganoon? Imposible naman yata.

She asked me to make another plans through my point of view.And I readily answered.Siyempre,madali na lang sa akin iyon.At nakakapagtakang nagustuhan niya agad.

"I like that,new," aniya mula sa kabilang linya.

And that's how I ended up jotting down all the stuff I need.

Halos may limang oras yata akong nag-stay doon.I could even see Mang Kaloy and Nana Lucing checking up on me time to time.

Nang matapos na ako sa pagsusulat ay napatingin ako sa sumang nasa aking harapan.Iniabot iyon ni Seth sa akin kanina habang abala ako sa pagsusulat at pagchecheck mula sa internet ng aking cellphone ng magagandang kulay at materyales.

Dahil busy ako,hindi ko na rin napansin na lumamig na iyong kapeng ibinigay niya.

"Kainin mo iyan habang mainit pa 'tong kapeng barako,perfect match ang malalasahan mo," tanda ko pang sabi niya.

Dinampot ko ang suman.O suman nga ba iyon.O mukha lang suman.Dalawang malapad na suman iyon na nakatali at magkadikit.Kasama rin sa plato ang isang kulay brown na liquid na nakabalot sa maliit na supot at sa isang supot naman ay brown din na powder.Mukha iyong sinangag na sapal ng niyog.

"Done?," nilingon ko ang nakangiting si Seth.Tumango ako at napatingin sa suot niyang apron.

"Anong niluto mo?," tanong ko sa kanya.Umupo siya sa tabi ko sabay punas ng pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng kanyang palad.

Memory of us wiping each other's sweat way back in College flashed in my ever malicious mind.At agad ko iyong winaksi.

"Goto," sagot niya na nagpabalik sa katinuan ko.

"Goto? Iyon ang hapunan natin?," tanong ko.

"Oo.Masarap 'yon.Gotong Batangas.Talagang inaral ko pa kung paano ang masarap na timpla nun," he said proudly.

Tumango-tango ako at ngumiti.Cea must know that she's lucky to have Seth...at some point.Tulad ng pagluluto.Aba,araw-araw masarap ang pagkain niya.

But that doesn't mean anything.So don't get me wrong.I am just stating the fact.And there's no malice in that.Hindi naman siguro masama magbigay ng compliment sa ex,diba?

"Halika na," nabigla pa ako nang muling nagsalita si Seth.

"Ha?," tanong ko.

"Pasok na tayo," aya niya atsaka ko lang napansin na hawak na niya sa kaliwang kamay ang plato ng suman at nakapatong doon ang tasa ng malamig nang kape habang sa kabilang kamay niya naman ay ang notebook at ballpen ko.

Agad akong tumayo at akmang kukunin mula sa kanya ang aking notebook ngunit iniiwas niya ito.

"Ako na.Mauna ka na," aniya na agad ko namang sinunod.Nauna na akong naglakad kaya para akong may bodyguard habang naglalakad dahil nasa likuran ko siya.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon