Chapter 49
Comfort
Naabutan ko sa labas ng bahay nila si Rhum.She was wearing a black leggings and a yellow printed hoodie na parang may design na tenga.Bumusina ako bago huminto sa harapan niya at agad na binaba ang bintana sa passenger seat side.Yumuko siya para makita kung sino ang nasa loob at isinilip ko naman ang aking mukha sa kanyang gawi para makita niya ako agad.
She smiled awkwardly and so do I.Ngunit hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik at agad nang sumakay nang marinig ang pagclick tanda na inalis ko sa pagkakalock ang pinto.
Sinilip ko muna ang kabuuan ng bahay niya at nanatili muna roon habang nakaandar ang makina ng saasakyan.
"You haven't moved," I said.Sa loob-loob ay napapailing ako.Bakit nga ba hindi ko na naisipang balikan ang bahay niya? Siguro dahil inakala kong iniiwasan niya ako at siyempre kung ganun nga,malamang hindi na siya babalik sa bahay niya.
"Yeah," she answered with a small voice.
"Kailan ka pa rito?," I asked.
She might have understood my question as she gave me the answer I need. "A year and a half."
Tumango-tango ako.There are so many questions I would like to ask her but I guess we'll have to leave first or else her neighbors will be weirded out.Sino ba namang hindi magtataka kung nakakarinig sila ng buhay na makina mula sa nakaparadang kotse.
I slowly stepped on the gas and started driving to nowhere.I honestly have not planned where to go.I just felt like driving and luckily,Rhum was the very first person I have stumbled to.
Walang nagsasalita habang nagdadrive ako at mukhang nakahanda naman si Rhum sumama sa kung saan ko siya dadalhin.Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana at tila inienjoy ang bawat view na nadadaanan namin.Although panay buildings naman ang nadadaanan namin.
"Hindi mo ba itatanong kung saan tayo pupunta?," pagbasag ko sa katahimikan.
Bumaling siya sa akin at nagkibit-balikat. "I trust you," iyon lang ang isinagot niya at bumaling na muli sa labas ng bintana.
"Alam mo bang tinatanan na kita?," pagbibiro ko sa kanya.Nilingon niya ako ulit at tinawanan ako.
"Hindi ba parang masyado na akong matanda para itanan mo?," sagot niya.
"Parang sinabi mo na ring matanda na ako ah," umakto ako na parang naoffend sa sinabi niya.
"Totoo naman nga," ngisi niya.
"Mas gumwapo naman ako," kinindatan ko siya.
Umarte siya na parang nasusuka at ganun na lang ang tawa ko.I liked that the mood between us became lighter.And I liked the fact that she has never changed a bit.
Sa kakadrive ko ay umabot kami sa Luneta.Alam kong sa mga ganoong oras ay maraming magsyota ang namamasyal doon lalo na sa mga liblib na parte nito.At ganoon din ang ginawa namin.
Ipinarada ko ang sasakyan sa madilim na parte ng park at pinatay ang makina.Wala ni isang gumalaw sa aming dalawa.Siguro katulad ko ay iniisip din ni Rhum kung tama bang doon kami.
"Luneta?," nilingon ko ang kakaimik lang na si Rhum.
"Oo.Magdidate tayo eh," biro ko sa kanya.
"Ang cheap mo naman," nakita ko ang pagsimangot ng mukha niya mula sa ilaw na nagbibigay liwanag sa kalahati ng kanyang mukha.
Imbes na sumagot ay nginitian ko lang siya at tinitigan ang kanyang mukha.Saka lang nagsink in sa akin na nasa harapan ko na ang babaeng matagal ko nang hinahanap.Na sa wakas,maari ko na siyang hawakan.
![](https://img.wattpad.com/cover/50508792-288-k105169.jpg)
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
RomansaEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?