Chapter 45 (Gareth)

536 23 3
                                    

Chapter 45

Gareth

"Are you okay,babe?," nilingon ko ang pawisang si Cea.Kababalik niya lang mula sa dancefloor kasama ang kanyang mga kaibigan.

Kasalukuyan kaming nasa isang sikat na club para icelebrate ang kanyang pag-uwi after 2 years.We left Caleb in my Mom's care for the time being.

"Yeah," I replied to her question as she sat beside me.

"Come on,let's dance," aya niya sa akin.I'm not in the mood for dancing.I have spent the whole day working and all I really want was to rest if not for Cea.

"Sorry,babe. I don't feel like dancing," maingat akong tumanggi sa kanya.Ngumuso siya at nakikita ko nang ilang segundo lang ay magpapacute na siya para lang makuha ang gusto.Kahit pa may ibang nakakakita.Kahit pa sa gitna ng mga kaibigan niya.Though whatever scheme she was supposed to do was interrupted.

"Hi guys," sabay kaming napalingon sa lalaking nagsalita.The guy was very tall and well-built.And he looked familiar.

Sa gilid ng lalaki ay may isang matangkad ding babae na nakakunyapit dito na nakilala kong isa sa mga kasamahan ni Cea sa modelling.

Halos lahat ng mga kaibigan ni Cea ay bumati roon sa lalaki which meant that they're acquainted.The guy waved at them then looked at me and smiled.

"Hey,chef," he offered his hand which I took out of courtesy. "Luther Hanes,I'm a fan," he smiled.

Nang marinig ko ang pangalan niya ay saka ko lang natandaan kung saan ko siya nakikita. Natawa ako sa kahulihan ng reyalisasyon. Teammate siya ni kuya simula pa nung University days nila hanggang sa naglalaro na sila sa telebisyon.

"Kumusta? Pasensya,hindi kita agad nakilala," tumayo ako at magiliw na nakipagkamay sa kanya.

"I thought so.Ayos lang,mas gumwapo kasi ako," ngisi niya na ginawaran ko lang ng tawa. "Nandito rin pala ang kuya mo," pagkakasabi niya nun ay bigla namang sumulpot ang aking kapatid mula sa kung saan kasama ang iba pang kasingtangkad nilang lalaki na alam kong mga ka-team nila.

Nawala ang aking antok at nagkaganang uminom nang nakisali na sila sa table na okupado namin.They may hold basketballs while I hold pans and laddles,still men will be men.Somewhere along the way,mayroon pa rin kaming mga common interests.

Nag-enjoy ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila na hindi ko napansing bigla na lang tumahimik si Cea kung hindi pa ito napuna ng kaibigan niyang si Ivy.

"Ayos ka lang ba?," I silently asked her.

She nodded but I was not convinced. "Gusto mo nang umuwi?," bulong ko.Mabilis ang nagawa niyang pagtango.

Walang dalawang isip na nagpaalam ako sa mga kasama namin. Nagreact ang iba pero hindi na kami nagpapigil.I know Cea. Kapag sinabi niya,iyon ang gusto niya at kapag pinigil mo,away ang aabutin ninyo.

"Ingat kayo,bro," pahabol pa ni Kuya sa akin.Saka ko lang din narealize na nun lang siya nagsalita mula nang naupo sila sa table namin.Ngunit hindi ko na iyon masyadong pinansin.Hula ko'y may pinagpapakyutan iyon sa isa sa mga kaibigan ni Cea.

The more silent you will be,the more mysterious you'll be like.Ganun ang paniniwala niya. Which actually work sa lahat ng mga babaeng natitipuhan niya.

"Nahihilo ka na ba?," tanong ko kay Cea nang tuluyan na kaming nakalabas ng club at naglakad na patungo sa parking space kung saan nakaparada ang kotseng dala ko.

"Nope.Napagod lang ako," aniya ngunit bakas sa mukha niya na wala na siya sa mood.

Hindi ko maiwasang kabahan kapag nakikita kong ganun ang itsura niya.Mukhang may away na naman kami pag-uwi ng bahay.Kaya naman habang papalapit ako sa kotse ay inaassess ko na isa-isa ang mga pangyayari sa loob kanina kung anong posibleng dahilan ng pagkabadtrip niya.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon