Chapter 10 (I Missed You too)

691 24 1
                                    

Chapter 10

I Missed You Too

"Here," napatingin ako sa tsinelas na iniabot ni Seth. "Unless gusto mong magpakahirap sa paglalakad sa buhanginan," dugtong niya habang nakatingin sa wedge na suot ko.

He's got the point.Pagkababa ko pa nga lang kanina sa FJ Cruiser niya ay lumubog na ang paa ko sa buhanginan.

"Keri lang! May tsinelas akong dala," tanggi ko sa kanya pagkatapos ay nilagpasan na siya para magtungo sa sasakyan upang kunin ang aking gamit.

Muli ko siyang nilingon nang maalalang nakalock iyon at kailangan ko siya para i-unlock ang kanyang sasakyan.

"Uhm," I started.

"You need me?," he smirked. Arogante!

"No. I need your keys," pagtatama ko sa kanya.Masyado!

Nangunot ang kanyang noo and he seemed taken aback.Pati tuloy ako ay nangunot ang noo dahil sa reaksyon niya.He took a few strides and stopped infront of me.

"Can't you be anymore discreet?," tanong niya na lalong nagpakunot ng aking noo. "Hindi naman yata magandang marinig nina Tatay Kaloy na kailangan mo ang halik ko," aniya sabay ngisi.

Napataas ang kilay ko sa tinuran niya habang bumuntong-hininga.

Kailan kaya kita makakausap ng matino,Seth?

Napailing na lang ako at kinuha ang tsinelas na hawak-hawak niya pa rin hanggang ngayon.Pumuwesto ako sa isa sa mga upuan doon sa balkonahe pagkatapos ay kinalas ang strap ng aking wedge sandals.

"Paano ba 'yan tanggalin? Tulungan na kita," pang-aasar ni Seth.Binigyan ko siya ng isang masamang tingin.

Ngunit lalo lang siyang natawa.Tuwang-tuwa siya kapag alam niyang naaasar na ako.

Nang naisuot ko na ang tsinelas ay inaya ko na siya sa labas para mapuntahan na namin ang spot kung saan nila gustong ganapin ang seremonyas ng kasal... nila.

Mula sa balkonahe ay nagpunta kami sa kabilang gilid ng bahay at naglakad kami papunta doon sa isang malaking green na gate.Bukod pa ito sa gate na pinasukan namin kanina.Habang papalapit kami sa berdeng gate ay palakas naman nang palakas ang tunog ng alon.Palatandaang mas malapit na kami sa dalampasigan.

Binuksan ni Seth ang man exit ng gate at lumusot doon.Sumunod din ako at nang makalabas ako ay tumambad sa akin ang makapigil hiningang tanawin.

'Di kalayuan mula sa amin ay may sampung cottage na naroroon.Mukhang hindi binuksan sa publiko ang lugar dahil walang mga tao rito.

Dahan-dahan akong lumapit sa mga cottage habang natatanaw ang asul na langit at malakulay berdeng dagat.

Sa dulong hilera ng cottages ay may kawayang tulay doon.Ito ang nagsilbing daanan sa naghiwalay na lupa na dinadaluyan ng tubig mula sa dagat papunta sa...

"Sapa sa dagat?," mangha kong tanong kay Seth habang nakatingin ako sa tubig na naipon galing sa dagat.

Ngiti lang ang isinagot ni Seth sa akin.Habang ako ay manghang-mangha sa lugar.

Natuon ang aking atensyon sa  tulay na kawayan.Hindi naman ito kahabaan.Siguro ay sampung hakbang lang ang gagawin mo para matawid ito.Kung ako ang bride,gusto kong iyon ang magsisilbi kong aisle at sa kabilang dulo ng tulay ay doon naman maghihintay ang aking groom.

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa aking isipan.Inilabas ko ang aking cellphone at kinunan ng litrato ang tulay kasama ang ilang cottages pagkabila nito.Sinikap kong makunan ang parte ng langit at ang punong tumutubo sa gilid ng sapa.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon