Chapter 22 (Busy)

711 25 3
                                    

Chapter 22

Busy

"I'll text you when I get there," aniya habang pasakay ng kanyang FJ Cruiser.

Sa loob ng dalawang linggo niyang pagdalaw sa bahay ay napilitan akong alisin ang mga hindi naman importanteng bagay na nakalagay sa garahe para lang magkasya ang sasakyan naming dalawa.

I just don't want my neighbours seeing him get off his car.As much as I could,I would want to keep our relationship a secret.

And I know,no matter how my heart is constricting as of the moment,I must not complain.I asked for this.

Tinalikuran ko siya para buksan ang gate ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay hinawakan niya ang braso ko at pinihit ako paharap sa kanya.

"I'll be back," bulong niya at kinagat ko ang aking labi.I blinked multiple times to stop the tears.Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Isang tawag lang ni Cea.Uwi na siya agad.Kunsabagay,mas may karapatan siya.She's the fiancee. And Cea's gone for three weeks.Talk about quality time.Friggin' quality time.

"Baby," untag niya sa akin.

"Hmm?," tugon ko.

"I'll be back,okay?," ulit niya.

Hindi ako sumagot.Yinakap ko lang siya nang mahigpit.We stayed like that for a minute nang tumunog ang cellphone niya.

Gamit ang kanang kamay ay dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.Nanatili akong nakayakap sa kanya habang sinasagot niya ang cellphone.

"Honey," nabosesan ko si Cea. "Malapit ka na?," malambing na tanong ni Cea and my heart ached.

I am more pained than guilty.Baliw na nga ako.

"Give me an hour," maiksing sagot ni Seth.

"Okay,I love you," I still and waited for Seth's response.Isipin ko palang na sasagot siya ng 'I love you too' parang mababaliw na ako sa sakit.

"I love you," inulit pa iyon ni Cea. "Honey," untag nito mula sa kabilang linya.

"Thanks," sagot ni Seth.

"Thanks lang? I've missed you and we haven't seen each other for 3 weeks dahil ni minsan hindi mo man lang naisipang i-skype ako tapos thanks lang?," the girl's throwing tantrums.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap at umatras.Nginitian ko si Seth nang ayaw niya ako pakawalan.Hawak niya pa rin ako sa bewang.He looked hesitant to let go but I place my hand on his and tried to move it myself.

Tinalikuran ko siya at lumapit na lang sa gate.Mainam nang hindi ko marinig ang usapan nila.Maybe I'm also the one stopping Seth to respond to Cea's remark.

Nang mabuksan ko na ang gate ay tapos na rin si Seth sa cellphone niya and he's already looking at me as if asking kung okay lang ako.Tinanguan ko siya tanda ng sagot ko.I mustered a smile as well. .He reluctantly get in his car and drove it off the garage.

Nanatili akong nakatayo sa  gate at nang napatapat siya sa akin ay inihinto niya ang kotse at ibinaba ang bintana ng driver's seat.

Nakatingin  lang siya sa akin.Hindi ko alam kung may gusto ba siyang sabihin o wala.Tumikhim ako at ngumiti sa akin.

"Ingat," kaway ko.

Hindi pa siya agad umalis kaya inulit ko ang aking sinabi. "Ingat...sila sa'yo," tawa ko.

Mukhang nadistract naman siya at ngumiti pabalik.Iniatras niya na ang sasakyan at agad kong isinarado ang gate nang tuluyan na siyang makalabas.Hindi ko nang hinintay na tuluyan siyang makaalis.Agad na rin akong pumasok sa bahay.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon