Chapter 54
Mommy Carla
"G-Good morning po," nauutal kong pagbalik sa bati niya sa akin.
It's been nine years since I last saw her.And it felt like a deja vu for me. Noong nagkita kami sa unang pagkakataon,nagtanong lang siya ng facts tungkol sa akin but I know she knows something between me and her son.Pero hindi na niya tinanong iyon to confirm.
This time,mukhang may nararamdaman siyang hindi niya lang pinapahalata. Even so,ang awkward pa rin.Tsaka hindi ko rin sure kung natatandaan niya ako. Sa dami naman ngang naging girlfriend ng anak niya.
"Long time,no see," she smiled.Wow! She did remember me.
"Kumusta po kayo?," nahihiya kong tanong.
Tulad nga ng dati,she asked facts about me again. Kung saan na ako nakatira,saan nagtatrabaho. Kung may asawa na ba ako na nagpaubo sa akin.Kahit mas friendly ang approach niya sa akin this time ay hindi ko pa rin magawang maging kumportable. Because I know deep inside me,I would want to impress her too.Part of me would want to show her that I'm worthy for her son. I would want her to like me not just as her son's colleague but to be that someone for her son.Kaso pointless naman iyon.Hanggang hindi pa namin nakaklaro ni Seth kung ano ba talaga kami o kung magkakaroon ba ng 'kami' ay mananatili akong kaibigan niya sa mata ng nanay niya at ng ibang tao.
"Ma'am,okay lang po bang iwan ko si Zeta rito?," paninigurado ko nang nagliligpit na ng pinagkainan. I helped her while Seth and the kids went upstairs.
"It's okay," she gently smiled and paused for a minute. "Actually,I kind of like your daughter's presence," pagtutuloy niya. Heat crept up to my face.Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang apo niya ang anak ko?
"Pasensya na po sa abala," nahihiya kong turan.
"Ayos nga lang," malumanay niyang sagot sa akin. "Pero,kanina ko pa ito gustong itanong.I'm just being careful and I don't want the kids to hear.So,anong nangyari sa inyo ng tatay ni Zeta?," I appreciate how she tried hard to be gentle in delivering her question but it still took me by surprise.
Bubuka-sasara ang bibig ko.Hindi ako nakapaghanda sa pagtatahi ng kwento kaya wala akong maisagot.Gusto ko nga siyang iimpress so kapag nagsinungaling ako ngayon ay baka wala na akong mukhang maiharap kapag nalaman niya ang totoo. Baka isipin niyang itinatago ko si Zeta mula sa anak niya.Which is partly true.Though that was before.
"Mommy," saved by the bell. Seth came in. "Aalis na kami. Kayo na po muna ang bahala sa mga bata," aniya pagkatapos ay humalik sa pisngi ng mommy niya.
"Okay," she cheerfully replied.
Seth changed his gaze to mine. "Let's go," aniya.
Tumango lang ako at bumaling sa Mommy niya. "Alis na po kami,Ma'am," ani ko.
She just smiled at me.Hinatid niya pa kami ni Seth hanggang sa kotse nito.Nagbilin pa siya kay Seth.
"Saan ba talaga kayo pupunta?," usisa niya.
"Magjojogging lang kami," natatawang sabi ni Seth.
"Umayos ka," pagbabanta ng Mommy ni Seth sa kanya.Nangingiti lang ako habang nakikinig sa usapan nilang mag-ina.Napahinto ako sa pagkakabit ng seatbelt nang tinawag ako ng Mommy ni Seth,using my name.For the first time.
"Rhum," it felt weird. "Stop calling me Ma'am. Just call me Mommy Carla," namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Mommy," saway ni Seth.
"Why not? Wala akong anak na babae so it's nice to hear someone call me mommy," depensa ni Ma'am este Mommy Carla.
"Okay.Okay. Aalis na kami.Love you," Seth dismissed his mom.
Nakalabas na kami ng garahe nila ay hindi pa rin ako nakaimik. Was I too surprise? Hindi ko inexpect iyon.
"Okay ka lang?," Seth checked.
"O-Oo," I stammered.
"Don't be too shocked,save it for later," tawa niya at na-curious ako dun.
"Wait,bakit?," wala pa nga ay naalarma na ako.
"Basta," he briefly answered.
Kinulit ko siya nang kinulit hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.And it answered my question.
Seryoso nga. Aakyat nga kami ng bundok.At first inakala kong pupunta kami roon sa resort nila dahil pareho ang tinatahak naming daan. Iyon pala ay aakyat kami ng bundok sa Batangas.
Pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng isang convenience store at nagsimula kaming maglakad papasok sa katapat nitong kalsada.
Malayo-layo rin ang nilakad namin bago nakarating doon sa booth kung saan may mga guide. He filled out some paper and paid forty pesos for the registration before we proceeded walking.Nasa kalsada palang ay napapagod na ako.Malayo pa ang nilakad namin mula roon.Pero hinihingal na agad ako.
"Ito na po iyong paa ng bundok," nanlaki ang mata ko sa sinabi nung guide.Parang ang layo na ng nailakad namin tapos hindi pa pala iyon parte ng bundok?
Seth laughed when he saw my reaction. Feeling winner ang hudas!
Hinatak niya ako papunta roon sa may signage na naghuhumiyaw ng Mt. Maculot.Ibinigay niya ang cellphone niya sa guide namin bago bumalik papalapit sa akin.Parang masyado na akong pawisan para magpapicture.Seth took off his sunglasses before the guide took a shut.Hindi ko na tiningnan ang picture dahil alam kong awkward ang ngiti ko roon.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at napansin ko ang pamaya't mayang sulyap ng guide kay Seth.He must have recognized him. Siguro ay nagtataka na ito kung bakit iba ang kasama ni Seth na babae.
I was bothered by the thought. Mas okay iyong nagtatanong nang diretso kesa sa nananahimik. Mas nakakatakot ang isip ng tao kapag hindi umiimik.
Iyon lang ang nasa isip ko habang naglalakad kami nang maramdaman kong mas papahirap nang ihakbang ang aking mga paa. Kinakapos na ako ng hangin hindi pa kami nakakalayo masyado mula doon sa marka ng paa ng bundok.
"Ayoko na," I mumbled.
"Agad? Wala pa tayo sa kalahati ng lalakarin natin," nakangising sabi ni Seth.Sinamaan ko siya ng tingin.
"May pa 'save your shock for later' ka pa.Ito ba iyon? Nashock nga ako,masaya ka na?," hindi ko mabilang kung ilang irap ang nagawa ko sa asar.
First time kong umakyat ng bundok.Ni wala akong warm up nang ilang linggo.Hindi ako fully prepared.
"Don't be too excited. Mamaya pa iyon," he said.Irap lang ang naisagot ko sa kanya. Hingal na hingal na ako.
Our guide must have notice it dahil pagbaba namin doon sa part kung saan may mga kawayang upuan ay nagsuggest siyang magpahinga muna kami.
"Okay lang iyan,kaya pa," kontra ng hayop na si Seth.
"Hindi okay. Pahinga muna tayo," hinihingal kong sabi.
"Doon na sa kabilang station," ani Seth.
"Dito na," maikli kong sagot.Kinakapos ako ng hininga.
"Kaya mo iyan," ani Seth.
"Hindi ko na nga kaya. Napapagod ako. Mahirap bang intindihin iyon?," tumaas na ang boses ko. Seth did not answer.
Dala na rin siguro ng puyat kaya naging iritable ako.At hindi ako prepared talaga.Pero sino bang may kasalanan? Sumama ako nang hindi sinisigurado kung saan pupunta.Masyado akong nagtiwala sa kanya.Kaya siguro may mga bangkay ng babaeng nakikita kung saan-saan nalang tapos mababalitaan mong lover nila ang pumatay. Kasi basta nalang din sumasama nang hindi nagtatanong.
Nang medyo kumalma na ako at nawala na ang hingal ko ay nagpatuloy na kami sa pag-akyat.Nagpapahinga kami sa bawat station na nadaraanan namin.Hinihintay nila kung kelan ako ready na ulit maglakad bago magpatuloy.Seth never uttered a word after my outburst.He just kept his distance.Kung magsasalita man siya,direkta sa guide namin iyon.
Ang hindi ko lang magets ay kung bakit lalo lang akong naasar.
![](https://img.wattpad.com/cover/50508792-288-k105169.jpg)
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
RomanceEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?