Chapter 4

6.6K 313 22
                                    


Lunes na ng umaga. Maaga ang unang klase ni Errol sa paaralang pinagtatrabahuan niya kapag Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Matikas ang tindig ng binatang nakauniporme.

Lumabas na rin si Mang Gary na papasok sa City Engineer's Office. Inhinyero kasi siya. Naghihintay na lamang si Mang Gary ng service mobile nila. Dinadaanan kasi siya nito tuwing umaga.

"Sige, tay. Mauna na ako." Naglakad naman papuntang kanto si Errol upang doon mag-abang ng sasakyang jeep. Alas siyete pa lang. Kinse minuto din ang byahe papunta sa maliit na eskwelahang pinagtatrabahuan niya. Puno na ang jeep na dumaan kaya naman naghintay na lang siya ng kasunod na sasakyan. Habang nag-aabang ay may sumitsit sa kanya. Nilingon niya ito.

"Galing ako sa tapat ng bahay ninyo. Sabi ng mama mo nakaalis ka na daw." Si Ivan. Naka-collared shirt ito na puti na medyo hapit sa katawan nito at maong na pantalon. Halatang bagong ligo ito sa buhok nitong tumambad kay Errol matapos nitong alisin ang suot na helmet. Preskong presko ang kanyang mukha.

Natulala naman si Errol sa nakita. Mas malakas ang dating ni Ivan kapag maliwanag. Mas lumalabas ang kapogian at kakisigan nito. Hindi mapigilan ni Errol na humanga.

"Uy, natulala ka na naman. Hatid na kita sa work mo. Teka, sa'n ka nga ba nagwo-work?"

Natulala na naman si Errol dahil sa ngiting iyon.

"Huy, sa'n school niyo?"

"Ah, sa may --"

"Ah, sakay ka na. Turo mo lang sa akin. May extrang helmet ako para sa'yo."

"Okay, sige. Salamat." Bago umangkas ay napansin niyang dumako ang tingin ni Ivan sa kanyang ID.

"Oo nga pala, 'no? Nagtuturo ka nga pala. Dapat pala sir itawag ko sa'yo."

"Errol na lang. Sa'n nga pala punta mo?" Umangkas na siya sa motor.

"Magco-coffee sana kasama ka. Kaya lang maaga pala pasok mo."

"Pag MWF kasi 7:30 klase ko hanggang 5:30 ng hapon."

Tahimik lamang si Errol habang dinadama ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang balat. Palingon-lingon siya habang tinitingnan ang mga kotse at motor sa daan. Nahihiya siyang magtanong at hindi niya rin masyadong maririnig ang boses ng binata dahil sa ingay ng mga sasakyan at sa helmet na suot nilang dalawa. Tumigil sila sa isang tatlong palapag na gusali. Katabi nito ay isang restaurant na wala pa gaanong tao. Puno ng mga sasakyan ang kalyeng ito. Maraming estudyante ang nagkumpulan sa harap at ang iba ay papasok na ng gate.

"Pa'no ba yan? Dito na lang ako. Salamat ulit, Ivan. Dami ko ng utang sa'yo." Hinubad na ni Errol ang helmet at binigay ito kay Ivan.

"Wala 'yun. Ano ka ba?"

"Sige, pasok na ako. Salamat ha."

"Text kita later." Ngumiti lang si Ivan at pinaandar ang motor.

Naguguluhan talaga si Errol sa lalaking iyon. Wala ba talaga siyang nobya? Parang imposible naman. Bakit ba ganun ka-thoughtful 'yon? Baka naman mapagkaibigan lang talaga. Kahit na kinikilig si Errol sa turing sa kanya ng binata ay ayaw na masyado nitong lagyan pa ng kahulugan ang pagiging mabait nito. Baka magkamali na naman siya.

Pumasok na siya sa maliit nilang faculty room at nilapag ang kanyang bag sa kanyang mesa. Ganito talaga kapag nagtuturo ka sa isang maliit na kolehiyo. Masikip ang silid. Ang mga estudyante ay nagsisiksikan sa mga koridor tuwing vacant periods. Maingay.

"Hi, Sir Errol. Mukhang masaya ka yata ngayon."

Lumingon si Errol. "Sir Erik, ikaw pala. Maganda lang siguro ang gising ko." Napatingin siya sa binatang gurong nagtanggal ng suot niyang polo. Tumambad sa kanya ang matipuno nitong katawan. Umiba na lang siya ng tingin.

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon