Chapter 37

2.8K 143 2
                                    


Sumigaw si Cassandra pagkatapos maglaho ni Melchor. "Hindi!" Tinakbo nito ang kinaroroonan ng matanda. Wala na ito. "Hindi pa tayo tapos, tiyo! Hindi pa!" Dilat na dilat ang kanyang mga mata.

"Hoy, ang ingay mo! Natutulog ako," sigaw ng lalaking biglang bumulaga mula sa karitong tinutulugan sa di kalayuan.

"Ha!" sigaw ni Cassandra habang nakaangat ang kamay nito paharap sa kinaroroonan ng lalaki. Dumaloy ang itim na usok papunta sa mata, ilong, at bunganga nito. Nangisay ito at bumulagta sa kariton nito. Lumapit siya dito at tiningnan niya ang nakadilat na mata at nakabukas na bunganga ng lalaki. Patay na ito. "Humanda ka, Tiyo. Pagsisisihan mo ang kapangahasan mo." Naglakad si Cassandra papalabas ng eskinita at naglaho.

Lumitaw si Cassandra sa sulok ng kanilang sala, ngunit laking gulat niya nang makita ang babaeng nakatalikod na nakatayo sa tabi ng mga maleta. Huli na nang mamalayan niya ang paglingon nito.

"Ate Sandy?" gulat na tanong ng dalagang tila ay nasa mga bente singko. Nakasuot ito ng pulang sleeveless at masikip na pantalong hindi umabot sa paa nito.

"Diana?" gulat ding tanong ni Sandy. Ngumiti ito. "When did you arrive?"

"About an hour ago. Tagal kasi kaming pinababa from the plane because of so many inspections," sagot ni Diana.

"I'm glad you got home safe," saad ni Sandy na niyakap ang kapatid.

"Wait! Ano'ng nangyari sa'yo, ate? Bakit ka may benda?" Nakasimangot si Diana kay Sandy.

"I was in an accident."

"Really?"

"You heard about the massive outage the other night, right?"

Tumango si Diana. "You're okay now naman, di ba?"

"I could use some of your gifts." Hinawakan ni Sandy ang palad ni Diana.

"Ate, what do you mean?" kunot-noong tanong ni Diana.

Ngiti ang sagot ni Sandy dito.

Umiling si Diana. "Kakarating ko lang."

"Don't you want to see me well?" Ngumiti si Sandy dito.

"Ate Sandy, you're the doctor, not me."

"I know," saad ni Sandy na kumuha ng wine sa mesang nasa gilid ng kanilang living room at nilagay sa basong naroon din. "I was just wondering if --"

Lumapit si Diana kay Sandy. "Ate, gusto ko ng kinalimutan ang anumang kaabnormalan na meron ako."

"Kaabnormalan?" Umiba ang ekspresyon sa mukha ni Sandy. "Are you saying that we're sick?"

"No, no, it's not that. It's just that normal people don't do what we do. Naiintindihan mo naman 'yon, ate, di ba?"

"Don't bother. Besides, okay na rin 'to." Tinukoy ni Sandy ang kamay na may benda at ang mga galos. "Oo, nga naman. Baka magulat ang mga tao sa opisina kung biglang maging okay ako."

"Ate, ginagamit mo pa ba ang..."

Hindi umiimik si Sandy. Uminom lang ito ng alak. "Good night, Diana. I'm tired. You should rest, too."

"Okay, ate."

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon