Chapter 31

4.1K 184 7
                                    


Bumaba si Ivan sa kotse nito na nakaparada sa harap ng eskwelahang pinagtatrabahuan ni Errol. Nakita nito ang binatang nakaupo sa may silong malapit sa guard post. Napangiti ito nang makita ang kaibigan. Nakita naman niyang natulala na naman si Errol sa kanya habang tinitingnan siyang naglalakad papasok sa gate. Tumango naman si Ivan sa gwardiyang ngumiti sa kanya pagkatapos ay tumungo kay Errol at binati ito. "Hi, sir."

"Hi. Kamusta?"

"Ito, namimiss ka."

"Sus, bola!"

"Namimiss nga kita!" Umupo siya sa tabi ng guro at marahang binangga ang kaliwang braso sa kanang braso ng katabi. "Ako, di mo ba namiss?"

"Ah, eh..."

"Ah, ganon kasi kasama mo dito 'yung Erik, ha."

"Hindi naman. Kanina pa nga 'yun umalis."

"Siya ba namimiss mo?"

"Magkasama kaya kami kanina."

"So hindi mo siya namimiss?" Nangungulit na naman ang binatang ito.

Umiling lang si Errol.

"Hindi? Bakit parang matamlay ka?"

"Napagod ako sa kahihintay sa'yo, eh."

Muling binangga ni Ivan ang braso nito sa braso ni Errol. "Ikaw ha. Pinagod pa pala kita." Agad na minasahe ni Ivan ang mga balikat ng kaibigan. "Ayan para mawala ang pagod mo."

"Ivan, ano ba? Tingnan mo si manong guard o, tawa na nang tawa. Baka ano ng isipin niyan."

Lumingon si Ivan sa gwardiya at kumaway. "Boss, okay lang naman na masahiin ko si Sir, di ba?"

"Okay lang," sigaw ng gwardiyang nagbigay ng nakakalokong ngiti. "Sarapan mo lang, sir!"

"O, ba," sagot ni Ivan sa gwardiya. Lumingon ulit ito kay Errol at -- "O, sarapan ko daw."

"Uyyy, 'wag na." Ginalaw galaw ni Errol ang balikat.

Tumigil naman si Ivan. "Ay, nahihiya si sir."

"Kasi naman baka may makakita kung ano pa isipin."

"Sus, parang ghost school na nga, o. Wala ng tao maliban sa guard."

"Uwi na tayo?"

"Hindi ka na naman makatingin sa akin ng diretso, ha. Ganyan ka ba talaga sa lahat ng kausap mo? Humarap ka naman." Giniya ni Ivan ang baba ni Errol upang humarap ito.

"Ano ba? Ang kulit mo talaga, Ivan." Inalis ni Errol ang kamay ni Ivan.

"Sungit, ha. Sige hali ka na." Tumayo na si Ivan at tumayo na rin si Errol. Inakbayan ng una ang huli.

"Bye, Sir Errol."

Napalingon naman ang dalawa sa gwardiya. Kumaway at tumango lang si Ivan dito. Nakita naman niyang ngumiti si Errol at yumuko.

Nang makalapit sa kotse ay binuksan na ni Ivan ang pinto sa unahan ng sasakyan at inimbitahan si Errol na pumasok. Pagkatapos ay umikot ito papuntang driver's seat. Nag-umpisa ng magmaneho si Ivan. "Grabe ang traffic kanina."

"Oo nga. Kaya nahihiya ako na sunduin mo pa. Alam ko kasi sobrang traffic," saad ni Errol.

"Okay lang. Ito naman. Gusto kitang sunduin."

"Bakit?"

"That's what friends are for, right?"

"So dapat sinusundo rin kita sa inyo?"

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon