Nagising si Ivan sa tunog ng kanyang alarm clock. Alas sais. Medyo napuyat ito kagabi dahil sa pambihirang trapik na bunga ng kakaibang pangyayari kagabi. Ngunit wala naman siyang panghihinayang dahil nag-enjoy naman siya kagabi kasama ang bago niyang kaibigan. Kinuha niya ang cellphone sa side table at tinext siya. "Good morning! Bangon na. See you later. Mwah!"
"Wrong send ka."
Natawa naman si Ivan. "Para sa'yo yun! Hahaha"
"Ganun ba? Hehe. Good morning din, Ivan."
"What's for breakfast?"
"Yung adobong natira kagabi."
"Masarap pa ba?"
"Oo naman. Ininit ko."
"Parang ako lang pala ang agahan mo." Ngumisi si Ivan.
"Sira!"
"Kita tayo later."
"Sige. :)"
Pagkatapos ng palitan nila ng text messages ay bumangon na si Ivan at nag-unat unat. Nakaboxers lang siya at litaw na litaw ang magandang hubog ng kanyang katawan. Hinawi niya ang kurtina sa bintana at tumingin sa maliwanag na paligid. Mula sa kanyang bintana ay tanaw niya ang malawak at tahimik na subdivision nila. May mangilan-ngilang taong naglalakad, mga ilang kolehiyalang papasok ng paaralan na napapatingala sa kanya. Nginitian naman niya ang mga itong halatang kinilig sa nasaksihang kakisigan.
Nilanghap ng binata ang preskong simoy ng hangin nang mga ilang minuto hanggang sa isara na niya ang bintana. Naglakad ito patungo sa parte ng kanyang kwarto na may mga larawan. Medyo magulo ang kwarto ni Ivan. May mga karton na nasa gilid na hindi pa nabubuksan. May gitara sa gilid katabi ng maliit ng mesang may laptop at speakers. May flat screen TV sa harapan ng kanyang higaan. Sa isang sulok ay may basurahang puno.
Madalas si Ivan ang naglilinis ng silid niya. Ayaw niyang ginagalaw ng mga katulong ang kanyang kwarto. Ngunit ang dalas na iyon ay minsan sa isa o dalawang buwan lamang. Kaya naman minsan kinukumbinsi siya ng isa sa kanyang mga katulong na maglinis sa loob ng kanyang silid, ngunit ayaw niya naman.
Seryosong pinagmasdan ni Ivan ang larawan ng isang binatilyong nakangiti. Tila ay napako ang tinging ito sa larawan hanggang tumulo na lang ang luha ng binata at suminghot ito. Pinahiran niya ang kanyang pisngi sa pamamagitan ng kanyang mga daliri pagkatapos ay maingat na inilapag ang larawan sa pwesto nito.
Pumasok nang tahimik si Ivan sa banyo, binuksan ang ilaw, at humarap sa salamin na tila ay sinisipat ang itsura nito. Nagflex ito ng braso at tiningnan ang umbok ng kanyang biceps. Pagkuwa'y ngumiti ito sa sariling repleksiyon. Pagkatapos ng pagsipat sa sariling kaanyuan ay nagsipilyo na ito at pumasok sa shower.
Bumaba ang binata na nakaboxers lang at tumungo sa kusina. Tahimik ang kusinang may kalakihan. Maayos ang mga kubyertos. Malinis ang mga nakasarang cabinets na kulay dark brown tulad ng countertops. Ang backsplash sa lababo ay kulay puti. Makintab ang counters at cabinet doors pati na rin ang island ng kusinang naiilawan ng sinag na nanggagaling sa bintana.
"Good morning, Manang Jean." Ngumiti ito sa kasambahay.
"O, gising ka na pala," saad ni Manang Jean na naglilinis sa kusina. "Nako itong batang ito, hindi man lamang nagbihis."
"Si Lindy po?"
"Ah, namalengke. Maagang umalis 'yon. Hanggang ngayon wala pa!"
"Bakit? Wala na po ba tayong mga gulay at karne?" tanong ni Ivan kasabay ang pagbukas ng fridge sa dirty kitchen.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 1: Ang Huling Tagaingat
FantasyHighest Ranking #15 in Paranormal SYNOPSIS: Nang magtagpo ang landas nina Errol at Ivan, namuo ang isang pambihirang pagkakaibigan na sa kalaunan ay sinubok ng agam-agam at pag-aalinlangan. Si Errol ay isang simpleng guro na may simpleng pangarap...