Chapter 16

4.1K 201 0
                                    


Lumabas si Sandy sa kanyang lihim na silid kasabay ang pag-ikot ng dingding na may mga istante ng libro. Galit ang ekspresyon sa mukha nito. "Hinahamon ako ng matandang 'yon. Kailangang may maisip akong ibang paraan." Sandaling tumigil si Sandy at tiningnan ang lumang aklat. "May isa pang paraan upang makuha ang atensiyon ng matanda, ngunit..." Tumigil siya at nag-isip. Ilang sandali pa ay ngumiti ito at bumitaw ng matalim na tingin sa kawalan. "The people won't know."

Naalala nitong bigla nga pala nitong nagamit ang kapangyarihan habang nasa opisina at kailangan nitong makabalik doon. Malamang nagtaka ang mga empleyado nito kung bakit biglang namatay ang mga ilaw doon at bakit bigla siyang nawala. Isa sa mga pinakaiingatang lihim ni Sandy ay ang kanyang di pangkaraniwang kaalaman at kakayahan. Hindi pwedeng malaman ang lihim na ito. Masyado pang maaga upang ang pagkatuklas ng kanyang lihim ang tumapos sa mga plano ng dalaga.

Biglang binalutan ng maitim na usok si Sandy habang nag-iisip, at naglaho ito sa kanyang kwarto. Nang idilat niya ang paningin ay nasa cubicle na siya ng kanilang palikuran. Narinig niya ang pag-uusap ng dalawang babae sa labas. Tahimik lamang siyang nakinig.

"Ano kaya ang nangyari kay Ma'am Sandy?" tanong ng isang babae.

"Yun nga, eh. Tingin mo may nakakaalam. Eh, kahit si Ma'am Marie hindi alam kung nasaan ang boss natin," sagot ng pangalawang babae.

"Nakakapagtaka naman. Tapos namatay pa talaga ang ilaw kanina. Creepy!"

"Alam mo, Tanya, wala akong pakialam, okay? May date kami ng boyfriend ko, at si Ma'am Sandy ang huling iisipin ko ngayon."

"Wow! Maganda ka today, ha."

"Naman! Sinong mas maganda sa amin ni Ma'am Sandy?"

Nagpasya na si Sandy na lumabas. "You were saying?"

Biglang nagulat ang dalawa sa pinanggalingan ng boses.

"Ah, Ma... Ma'am Sandy -- "

"Yes?"

Kinurot naman ni Tanya ang kasama sa tagiliran at sumingit. "Ah, Ma'am, nagbibiruan lang po kami. Sige po, mauna na po kami."

Hindi sila sinagot ni Sandy. Tiningnan lamang niya ang mga ito habang papalabas ng restroom.

Tinungo ni Sandy ang opisina. Napadaan ito sa mga clerk's section kung saan nagliligpit na ang mga empleyado at naghahanda sa pag-uwi. Nabigla ang mga ito nang makita si Sandy, ngunit hindi nito ginawaran ng kahit na kaunting sulyap ang nag-aalalang mga tao. Bagkus ay nagpatuloy ito sa paglalakad sa koridor. Nagkataon namang papalabas ng kanyang opisina si Cindy.

"Miss Sandy, what happened? We were worried about you?" tanong ni Cindy na halata ang pagkabahala.

Ngumiti ng bahagya si Sandy. Napansin niyang bumaba ang kunot-noong tingin ni Cindy sa hawak niya. "I'm fine, Miss Gatchalian. You don't have to worry." Nagpatuloy itong maglakad patungo sa kanyang opisina, ngunit nakakailang hakbang pa lang ito --

"But, Miss, you were gone for more than an hour. We were -- "

"I said I'm fine." Halatang irita ang boses ni Sandy habang pilit na lumingon kay Cindy.

"Okay, Miss!" saad na lamang ni Cindy.

Pumasok si Sandy sa kanyang opisina at ginala ang kanyang tingin dito. Mukhang wala namang nagalaw. Ang diyaryong nagpainit sa ulo niya kanina ay nasa mesa niya pa rin.


Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon