Chapter 49

2.6K 132 1
                                    


Habang naglalakad patungo sa hotel room nila ni Ivan ay unti-unting sinakluban ng nerbyos si Errol. Maraming mga bagay ang sumasagi sa isipan niya, gaya ng ano ang gagawin nila sa loob ng silid. Matutulog lamang ba sila? Magkukuwentuhan? Ano pa ba ang hindi nila napag-uusapan? Mag-aano ba sila? Ano'ng mag-aano?

Mas lumakas ang tibok ng kanyang puso habang sandali siyang lumingon upang sulyapan si Ivan. Ang bango niya. Teka, bakit niya ba siya dadalhin sa silid na iyon? Ano ang gustong mangyari ni Ivan. Nangangatog si Errol. Ang bawat hakbang na kanyang ginagawa ay tila mas nagpapadagdag sa kanyang kaba. Biglang nakaramdam siya ng paghampas sa likod niya. "Hay, nako po."

"Okay ka lang?" nakangiting tanong ni Ivan. "Dito na tayo."

"O--" Lumunok si Errol upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. Tumango siya. "O-okay lang ako." Hindi niya maipaliwanag ang init na nararamdaman niya. Parang lalagnatin siya. Ang kanyang mga tuhod ay parang nagiging goma sa lambot. Ibayong kaba ang kanyang naramdaman nang ipihit ni Ivan ang susi at buksan ang pinto. Naramdaman niya ang marahang tulak sa kanya ni Ivan papasok.

"Come with me, my ... Valentino." Malambing ang boses ni Ivan. Mababa sa karaniwang timbre.

Umakyat ang init sa leeg ni Errol habang ginagala ang tingin sa magarang silid, sa maladilaw na mga ilaw, sa malaking puting kama na iyon sa di kalayuan. Dito ba nila gagawin? Ramdam ni Errol ang pagtibok ng mga ugat sa leeg niya at sa sentido.

"Relax yourself. Manood ka ng tv."

Halos hindi marinig ni Errol ang boses ni Ivan sa tindi ng kabang nararamdaman at sa pag-iinit ng buo niyang pagkatao. Halos hindi siya makagalaw, ngunit napilit niya ang sariling tumango sa kasama at bahagyang mapangiti. Dahan-dahan siyang tumungo sa kama at umupo sa gilid nito, kinukubli ang panginginig ng kanyang kalamnan.

"Okay ka lang?"

Dinig niya ang boses ng kasama, mas mahina ito sa kadalasang boses niya, hindi masigla ngunit malumanay na tila dinuduyan si Errol na labis ang kaba nang mga sandaling ito. Nang lingunin niya ito ay natanggal na nito ang kanyang necktie at niluluwagan ang kanyang polo. Agad niyang binawi ang sulyap. "O-Oo, okay lang." Ang ngiti ni Ivan, ang ngiting iyon na gusto niyang lasapin sa paningin, ngunit di kayang tagalan ng kanyang diwa.

"Psst..."

Napalingon si Errol. Natigilan siya nang makitang nakasalawal na lang si Ivan.

"Maliligo muna ako." Kumindat ito.

Napadiin ang hawak ni Errol sa kama habang tila ay sandaling tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Ngunit hindi niya pinahalata ang kabang nararamdaman.

"Ready ka na?"

Halos malagutan ng hininga si Errol sa marahang ihip ng hininga ni Ivan sa kanyang tenga. Nang lumingon siya upang sana ay sumagot ay nakatalikod na si Ivan patungo sa shower room. Nanghihina siya sa tindi ng kabang nararamdaman. Pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Tatanggi ba siya o hindi? Hinubad niya ang kanyang sapatos at humiga sa kama na nakahawak nang mahigpit ang isang kamay sa comforter, hinihintay na humupa ang nararamdaman niyang pagkabalisa. 

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon