Chapter 33

3.8K 168 13
                                    


Nagulat din si Ivan, pero -- "Hi po, tita. Okay lang po ba?"

"Nako, iho! Hindi aircon ang bahay namin. Baka hindi ka sanay."

"Okay lang, po. Kahit dito lang po ako sa sala."

"Nako magkakastiff neck ka pa dito. Dun ka na sa kwarto ni Errol."

"Nay, nakakahiya." Sinimangutan ni Errol ang ina at humarap sa bisita. "Dun ka na lang sa kwarto ko, Ivan, tapos ako dito sa sala para komporable ka naman."

"Hindi naman pwede 'yun," saad ni Ivan.

"Ivan, okay lang naman sa'yo na magkatabi kayo nitong anak ko, di ba?"

Tumango si Ivan at binigyan si Errol ng pilyong ngiti. Nakita niyang umiwas ito ng tingin ngunit pinandilatan ni Aling Celia ng mata.

"Sige na. Nakakahiya. Ayusin mo na muna 'yung kwarto at kama mo. Pareho naman kayong lalaki. Wala namang mabubuntis sa inyo."

"'Wag kayong mag-alala, tita, di ko po bubuntisin si Errol." Kinindatan ni Ivan si Errol bago ito tumungo sa kwarto niya. Nakita niyang napangisi ito ngunit umiwas ng tingin. Kinausap naman siya ni Aling Celia na umupo sa kanina ay inupuan ni Errol.

"Mukhang nalalagi ka na dito, ah."

"Okay lang po ba?"

"Basta kaibigan ng anak namin, welcome dito sa bahay. As if naman ang ganda-ganda nitong bahay namin. Nakakahiya nga sa iyo, eh."

"Nako, 'wag po kayong mag-alala, tita. Wala pong problema sa akin."

"Mabuti naman kung ganon. Kelan lang kayo nagkakilala ng anak ko ha pero mukhang malapit na kayo."

"Magaan po kasi ang loob ko sa anak niyo, tita."

"Talaga? Bakit naman?"

"Parang kapatid ko na po 'yan eh."

"Walang kapatid na lalaki 'yan. Baka kaya siguro magaan rin ang loob niyan sa iyo."

"Ganun po ba?"

"Hindi 'yan nagdadala dito ng lalaking kaibigan maliban sa'yo at kay..."

"Erik po?"

"Nakwento niya na pala sa'yo."

"Opo. Napagkukwentuhan kasi namin ang mga buhay buhay namin." Nakita ni Ivan na sumiryoso ang mukha ni Aling Celia.

"Alam mo..." Pinatong ni Celia ang kamay sa tuhod ni Ivan.

"Ano po?"

"Hindi ako manhid. Nakikita ko sa anak ko na gusto ka niya."

Hindi malaman ni Ivan kung ano'ng isasagot.

"Nakita ko ng nasaktan 'yang anak kong 'yan. Masakit sa akin na makita 'yang umiiyak. Kahit wala 'yang sabihin alam ko kung anong nararamdaman niyan. Nanay niya ako, eh."

"Naiintindihan ko po, tita."

"May ipapakiusap lang ako sa'yo."

"Ano po 'yun?"

"Wag mong paasahin ang anak ko."

Seryoso ang mukha ni Ivan. Hindi niya alam ang isasagot.

"Mahal na mahal ko iyang si Errol. Kahit ganyan 'yan napakabait niyan. Hindi 'yan marunong manakit. Kaya nasasaktan ako pag nakikita ko iyang malungkot o umiiyak."

"Pangako hindi ko po paiiyakin si Errol."

"Alam ko namang lalaki ka, iho. So, dadating din ang panahon na bubuo ka ng pamilya mo. Si Errol, mukhang hindi. Kaya hanggang nandito pa kami ng tatay niya, kami lang ang pamilya niya. Nalulungkot man akong maaaring ganon nga ang kahihinatnan niya bilang ganyan siya, wala naman kaming magawa."

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon