Chapter 43

2.9K 126 0
                                    


"Marie, dumating na ba si Miss Sandy?" tanong ni Cindy na nagmamadaling sinalubong si Marie na kakalabas lang din ng kanyang opisina.

"Naku, teh, hindi pa nga, eh. 'Yung mga tao sa labas ng building nagkakagulo. 'Yung iba nasa labas na ng opisina natin." Nakasimangot na saad ni Marie na halata ang pag-aalala.

"Oo nga eh. How do we deal with this?"

Biglang lumapit ang isang empleyado at nagtanong kina Cindy at Marie. "Napakiusapan na po namin ang mga nasa labas ng opisina na huminahon."

"Thank you, Nigel," saad ni Cindy. "I think we need to meet them. Marie, kakausapin ko ang lider nila. Iimbitahan siguro natin ang ilan sa kanila sa conference room para sa mas mahinahon na dialogo."

"Hindi na ba natin hihintayin si Ma'am Sandy?" tanong ni Marie.

"Tinawagan niya ako kahapon at ako ang pinapaayos niya ng problemang ito," sagot ni Cindy.

"Mukhang no-show na naman 'yang lola mo. Alas diyes na kaya!"

"Oo nga, eh. Nakakahiya ito para sa image ng company." Sinapo na lang ni Cindy ang noo. "O, sya lalabas na muna ako para makausap ang ilan sa kanila."

"Sige," saad ni Marie.

"Nigel, halika. Samahan mo ako."

"Okay, ma'am."

Nang makalabas ng opisina ay sinalubong sina Cindy at Nigel ng mga galit na rallyista.

"Kumalma lang po muna tayo," saad ni Cindy.

"Papano kami kakalma? Ilang taon na kaming nagtitiis sa di makataong pagtrato ng kompanyang ito sa mga maralitang katulad namin!"

"Ano ho'ng pangalan ninyo?" tanong ni Cindy.

"Berto!"

"Mang Berto, kayo po ba ang lider ng unyon?" tanong ni Cindy.

"Hindi ako."

"Sino po?" tanong ulit ng dalaga.

"Ako," sagot ng isang babaeng mas matanda kay Cindy.

"Ano pong pangalan nila?"

"Rita."

"Okay. Sige. Aling Rita, pwede po ba namin maimbitihan kayo at ang ilan sa inyo sa loob para makausap?" Ngumiti si Cindy sa mga ito.

Sa loob ng conference room ay naroon sina Cindy, Marie, at ilan sa mga empleyado at ang ilan sa mga nagprotesta.

"Wala po ngayon ang CEO ng company kasi naaksidente po siya noong isang araw. Pero andito po kami bilang mga opisyales ng kompanya para pakinggan po ang inyong mga hinaing." Nakaharap sina Cindy sa kanina'y mga nag-aklas.

"Dapat noon niyo pa ito ginawa. Matagal na kaming humiling ng dagdag sahod at mas maayos na lugar na pagtatrabahuan," sigaw ng isang babae.

"Alam ko po ang hirap ng pagtatrabo sa ating planta. Nakadalaw po ako sa factory natin ilang beses na," sagot ni Cindy nang mahinahon.

"Paano kami makakapagtrabaho nang maayos kung hindi maganda ang pamamalakad? Minsan delayed pa ang kakarampot naming sweldo," saad din ng isa pang rallyista.

"Sa tingin ko po ay hindi tayo magkakaintindihan kung nagsisigawan tayo. Ang mas mabuti po ay ilagay po natin sa papel ang mga nais nating mangyari nang mapag-usapan natin ng mas maayos sa lalong madaling panahon." Binaling ni Cindy ang tingin sa lider. "Aling Rita, pwede po ba nating gawin yon?"

Tumango naman ang lider ng unyon.

"Mainam po na idetalye natin ang ating mga hiling at hinaing, at pag-aaralan po namin kung ano ang gagawin."

"Bakit pag-aaralan pa? Dapat tugunan niyo na! Matagal na ang mga hinaing namin!" sigaw ng isang mama.

"Huminahon po tayo. Kailangan din po kasi na mapag-usapan ng maayos. Gaya ninyo ay empleyado lang din ako, kami dito, tayo. Hindi po namin pag-aari ang kompanya. Kailangan pa rin isangguni sa itaas ang mga desisyon. Gaya ninyo ay gusto rin namin maging maayos ang lahat kasi apektado po kaming lahat kapag may nangyayaring ganito. Hindi ko po ikakaila na medyo dumadaan ang kompanya sa mga mabigat na problema nitong nakaraang taon. Sana po ay mapagpasensiyahan ninyo."

"Aasahan namin yan, madam," saad ni Rita.

"Wala po akong maipapangako sa inyo, pero gagawin ko po ang aking magagawa. Ang hiling ko lang po sa ngayon ay kung maari bumalik na muna tayo sa trabaho. Maaari po ba yon? Alam ko po ang trabaho ninyo ay para rin sa inyong mga pamilya."

Unti-unting nagsialisan ang mga nagprotesta sa conference room at lumabas. Ngunit sandaling kinausap ni Cindy ang lider ng unyon.

"Aling Rita, 'yun lang po ang request ko ha. 'Yung detalyadong listahan ng mga gusto ninyong mangyari."

"Opo, ma'am."

"Basta ha. Sa Lunes, aasahan ko, nang mapag-usapan namin dito at maimbitahan namin kayo ulit. Ang number niyo nga pala?"

Binigay ni Rita ang numero nito.

"Salamat po. Sana ay magawan natin ng paraan ang mga hinaing ninyo sa lalong madaling panahon."

"Salamat din," sagot ni Rita pagkatapos ay lumabas na ng opisina.

Nagpalakpakan ang mga kasamahan ni Cindy sa trabaho.

"Iba ka talaga, teh! Ikaw na!" bulalas ni Marie.

"Sira!" Umirap si Cindy. "Hindi pa tapos ang problema. Umpisa pa lang."

"Guys," sigaw ni Marie sa mga kasamahan, "libre natin si Cindy for lunch ha!"

Tiningnan nila ang mga tao sa baba na unti-unting nagpulasan. Maya-maya pa ay may dumating na pamilyar na mukha.

"Good job, Miss Gatchalian!"

Lumingon si Cindy dito. "Miss, where have you been?" Napansin niyang wala na itong benda at mga galos.

"I had more important things to attend to," sagot nito. "But looks like we can salvage the company after all."

"You look ... great, Miss Sandy," saad ni Cindy na nagtataka.

"Money can do wonders, my dear." Ngumiti ito. "Marie, I need you in my office."

"Right away, Ma'am." Humarap ito sandali kay Cindy at nanlalaki ang matang umismid at tinuro ang malditang boss na nakatalikod na sa kanya.

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon