Chapter 53

3.2K 135 12
                                    


"No, you're not going nuts," saad ng babae na tuwid at mahaba ang buhok, nakasandong puti, maiksing shorts, at tsinelas. "You're perfectly fine! Here." Inabot niya ang isang tasa ng kape.

"Nagkape na kami kanina sa hotel," saad ni Ivan.

"Eh, di sana sinabi mo para hindi na ako nagtimpla." Binalik ni Liz ang tasa ng kape na dapat sana ay kay Ivan sa kusina.

"Hindi ka naman nagtanong." Napansin ni Ivan na magulo at madumi ang sala ng may-ari ng bahay. Nakatambak sa kanyang living room ang reflectors, tatlong tripods na ang isa ay nakatiwangwang, at kung anu-anong gadgets. Sa isang mesa ay may lumang camera na hindi na yata nagagamit. "Hindi ka ba naglilinis dito, Ate Liz?"

"Nagbakasyon ang maid ko. Hirap nga, eh. Hindi ako marunong sa mga gawaing bahay."

"Grabe naman. Kababae mong tao."

"Pag babae kelangan marunong na kaagad sa gawaing bahay? Pero pag lalaki okay lang na hindi?" nakapamewang na tanong ni Liz.

"Sabagay. Si Errol malinis sa kwarto niya kahit lalaki siya."

"My point exactly. Wala sa gender yan."

Tinaas ni Ivan ang mga kamay. "Okay, sige. Talo na ako."

"Teka, how was your date?"

"Okay lang," matipid na sagot ni Ivan.

"O, ano'ng problema? Nagsisisi ka ba na nakipagdate ka sa lalaki?"

"Hindi naman sa ganun, pero..."

"Ikaw naman ang may sabi nung nag-usap tayo na wala lang 'yung date, friendly date lang. What's the problem this time?" tanong ni Liz habang kinakaraw ang kanyang kape.

"Kasi, ate, parang I'm starting to feel weird."

"What do you mean you're starting to feel weird?"

"Ang sigla ng mukha niya kaninang umaga sa hotel." Ngumiti si Ivan. Nakita niya ring napangisi ang nakakatandang pinsan. "Una kasi siyang nagising. Tapos hinatdan niya ako ng coffee at cupcakes." Nakatingin ang binata sa kawalan habang kinukwento ang tagpong iyon. Bahagya siyang natawa. "Sabi pa niya, 'Wag ka mag-alala, hindi kita tsinansingan.' Naniniwala naman ako sa kanya." Hindi namalayan ni Ivan ang pagiging malumanay ng kanyang boses.

"Ahem..." Ngumisi ng pilyo si Liz.

Naasiwa naman si Ivan at agad na binago ang tono ng kanyang boses. "Sinasabi ko sa'yo 'to kasi ikaw 'yung kilala kong maraming alam tungkol sa mga ganito."

"So, ano ba 'yang nararamdaman mo na weird na 'yan?" tanong ng babaeng mukhang bagong gising.

"I woke up this morning at parang I feel na I care for him."

Ngumisi si Liz. "Pero you care for him naman talaga, di ba?"

"Oo, pero parang iba. Parang..."

"In love ka na sa new baby bro mo?" Ngumiti si Liz.

"Hindi ko alam, eh." Sumimangot si Ivan.

"Anong hindi mo alam? I'm sure alam mo 'yan, dinideny mo lang. Come on! Say it. As if naman itsitsismis kita."

"Hindi ko talaga maintindihan, eh. Ate, am I going gay?"

"No, you're not, unless you tell me na peke lang 'yung mga nakarelasyon mo noon. A guy who dates girls doesn't become gay if he dates a guy or finds out he likes guys, too. You could be at least bi."

"Bi?" nakataas ang kilay na nakakunot ang noo na tanong ni Ivan sa pinsan.

"Bisexual! Duh!" Umirap si Liz at humigop sa kanyang tasa.

Enchanted Series 1: Ang Huling TagaingatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon