Casanova's Heart

387 6 0
                                    

[PROLOGUE]

Gusto kong pumikit sa nangyayari ngayon sa paligid ko, hindi ko din alam pagkatapos ng ginawa nya ay kaya ko pa syang patawarin, Lumipas na ilan taon mula nung huli kaming mag usap, pag nagkikita kami ay hanggang tingin lang ako sakanya.

"Cedrick!" Tawag ko sakanya, kinorner nya ako gamit ang braso nya,tinignan nya ako ng diretso sa mga mata nya. Isang linggo ko din syang hindi nakita dahil umiwas ako, hindi ako sumasabay sa mga pinsan ko, ngayon nakita ko ulit sya.

"Isang linggo, hillary. Isang linggo kang umiwas." Nagulat ako sa sinabi nya, ginantihan ko sya ng tingin, "Ano naman sa'yo?" Tanong ko sakanya.

"Damn it hillary, 'yung nangyari sayo ang di ko makalimutan! Gusto kong tignan kung okay ka! Gusto kong malaman kung anong nangyari pero di kita nakita kaya para akong baliw na naghahanap sayo tapos iiwasan mo lang ako?!" Sobrang lakas ng sigaw nya, nangalambot ang mga tuhod ko, kitang kita ko ang lungkot sa mata nya.

"Hillary... nag alala ako kasi ako 'yung huli mong kasama nung mga oras na nahimatay ka. Dahil pagsisisihan ko ng habang buhay at hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo..." Nakita ko ang pamumula ng mga mata nya at kinagat nya ang labi nya..

"I still care about you, hillary.."

Buong akala ko hindi nya ako iiwan, akala ko sya ang dadamay sakin sa oras na pinapaiyak ako, sya 'yung nandyan pag kailangan ko ng tulong, siya 'yung nandyan kahit saan ako magpunta.

"Bakit mo naman ako iniwan..." Sambit ko habang hinahawakan ko ang kanyang kamay. Nakamulat pa ang mga mata nya pero umuubo na sya ng dugo pero nagawa nya pang ngumiti sakin kaya mas lalong nagtuloy tuloy ang daloy ng mga luha ko sa mata.

"Alagaan mo sarili mo... hillary.." Pinikit ko ang mata ko ng mariin at inisip na sana panaginip na lang 'to, sana mali ang nakikita ko ngayon sa harap ko.

Mabilis pa sa alas quatro akong nag ayos ng mukha ko at nagpalit ng damit, nakakalimutan kong may pasok pala kami ngayon, sa sobrang taranta ko ay nasagi ko ang picture frame agad kong pinulot at binalik sa dati, nagpapasalamat ako at hindi sya nabasag.

Habang pumapasok ako ay nakita ko syang may kahalikan na ibang babae, Oo nga pala, what's new? Eh araw araw naman 'yan may bago. Hindi ko na nga mabilang kung ilan na e.

Damn you 'til death Adriano!

-

A/N: Villamar series #2, Lovely Hillary Villamar&Cedrick Adrian Adriano. *Picture above* ;)

Mature content po ang CH dahil sa lengwahe, aksyon at sexual. Salamat :)

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon