Chapter 39

56 2 0
                                    

Casanova's Heart 39

**

 
"Ohmygod sis!" Salubong sa'akin ni Alexis ng makapunta ako sa company nya, inikutan ko lang sya ng eyeballs at umupo sa harap nya.

"Kamusta paris?" Tanong nya at nakatitig sa'akin. Sighed. "Paris pa rin." Nanliit ang mga mata nya.

Sumandal ako sa upuan, "Kidding, okay lang, maraming ganap." Saad ko, nakatingin lang ako sa may bintana kung saan kita ang mga buildings dito.

"Ganap? Like what?" Tsismoso nito. Humarap ako sakanya at ngumiti.

"Nakita ko na 'yung kaibigan kong nagsacrifice sakin, hindi sya patay pero may amnesia sya then 'yung warden na schoolmate ko, nagtapat ng feelings sakin... At may naging kaibigan din ako panandalian." Iniwas ko tingin ko sakanya.

"Nung umuwi ka? Saan ka dumiretso?" Tanong nya.

"Samin," Huminga ako ng malalim.

 
"Kamusta ang pagbabalik?" Napangiti ako sa kawalan.

"Sobrang ganda ng bungad sakin, sobrang ganda, sa sobrang ganda maiiyak ka na lang..." At doon na nagsimulang tumulo mga luha ko.

Tumayo siya at pumunta sakin, nagulat ako ng yakapin nya ako, doon ko lahat iniyak sakanya.

"Shh. Tahan na, mamamaga mata mo, may rehearshal mamaya.." Bulong nya, kumalas sya ng yakap at pinunasan ang mga luha ko.

"Thank you, sis." Sabi ko, nakita kong ngumiti sya na parang nababaliw na.

"Bat ka nakangiti?" Ngumuso ako, "Kasi first time mo kong tinawag na sis." Napailing na lang ako.


Natapos ang mahigit dalawang oras namin na pag uusap ni Alexis, marami kaming pinag usapan gaya ng pagbabalik ko, 'yung company nya, mga magazine ko at pagiging best seller nito, at 'yung nangyari sa'amin ni cedrick sa party ni Jiro.

Umuwi mo na ako dahil kailangan ko munang magpahinga, buhat kahapon ay wala na akong pahinga, kadating ko diretso sa party tapos inasikaso ko mga papers ko dalawang oras lang yata tulog ko tapos dumiretso na ako kay Alexis kaya ngayon ay mukhang down na down ako at inutangan ng dalawang million. Hays.

 

Kapasok ko ng bahay ay napahawak ako sa ulo ko, pinilit kong pumikit ng mariin at pinahinga muna ang isip ko, umupo ako sa sofa at minassage ang may sakit sa ulo ko.

"Are you ok?" Napaayos ako sa nagtanong, napatingin ako at si Xyrile 'yun.

"Yes, I'm ok." Sagot ko, kumikirot talaga ang ulo ko siguro ay dahil sa kulang sa tulog, pagod at stress.

"You sure?" Tumango lang ako at pilit na ngumiti, tatayo na sana sya pero bigla syang tumingin sakin ulit.

 

"Forget cedrick, hillary." Para akong naging estatwa sa kinauupuan ko, kalimutan?

Paano ko kakalimutan ang taong lagi kong tinatandaan?


Pumikit ako at sumandal sa upuan, sumasakit ulo ko, dapat ay hindi na muna ako nag iisip, tumayo ako at pumunta sa may desktop dito sa may sofa, nagbukas ako ng facebook para matanggal pagkadeactived at iba ko pang accounts, walang masyadong notifications kasi nakadeact ako. Nag scroll down ako hanggang sa pumukaw sakin ang isang post.


'Babe, thankyou.' 25 minutes ang nakakalipas ng ipost ni cedrick 'to, kasama ang ibang babae, kinagat ko ang ibabang labi ko, gusto kong umiyak, gusto kong mahimatay sa sobrang sakit, parang pinipiga ang puso ko.. Sinubukan kong basahin mga comments.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon