Casanova's Heart 20
**
/Hillary/
**
Nasa sala kami ng mga pinsan ko, Si Coleen ay inaayos ang buhok nya, Si hannah ay nagcecellphone, 'yung dalawa-- Tyler and Xyrile nakatuktok lang sa panunuod ng action, Si aze na nasa may tabi ng bintana umiinom ng alak. Napailing na lang ako. Nako aze.
Napatingin sakin si coleen, Ngumuso sya at nginitian ako, ang weird talaga ng pinsan ko. Jusko paano? Napailing na lang ako at napairap sa kawalan.
"Aalis ka ba talaga?" Malungkot nyang tanong, tumango ako.
"Oo, ready na ang gamit ko, ako na lang ang 'di ready." Napapairap kong sabi, napatingin naman sakin 'yung mga nanunuod kahit si Hannah na nagcecellphone at si aze na ngayon ay lumapit samin."Di ka ready dahil kay cedrick?" Tanong ni Xyrile. Dahil nga ba sakanya?
Umiling ako, "Di ako ready kasi may pasok pa. Paano ako makakapasok kung nasa tarlac ako?"
"Pwede kang i'excuse ni cedrick, malakas sya sa office." I know right kaya lang kasi... sayang...
"Bahala na, basta susundin ko na lang si mama baka mamaya susunod 'yon dito, sabi nya pa naman na pag 'di ako pumunta susunduin nila ako." Naparolled eyes ako sa isip ko, nakakainis naman kasi.
"Importante kasi.. baka importante..." Napapailing na sabi ni aze, lasing na 'to.
"Oy! 'Di babalik sayo si clau kung iinom ka lang dyan!" Sigaw sakanya ni Tyler, napangisi sya at umiling."Sino sya para habulin ko? Katapos nya akong iwan babalik ako sakanya? Never..." Sige lang pinsan, susuportahan kita sa pagpre'pretend mo.
"Anong oras pala alis mo bukas?" Tanong sakin ni Hannah, habang iniikot sa kamay nya ang cellphone.
"Papasok pa ako at papaalam kaya siguro mga alas quatro na ng hapon." Tumango lang sila.
Habang nakahiga ako ay iniisip ko pa rin ang sinabi nya kanina sakin, my panda? Parang familiar, parang narinig and nakita ko na somewhere kaya lang diko maalala.
Tumayo ako at bumaba wala ng tao sa baba, Tinignan ko ang oras sa wall at alas syete y' mediya pasado na. Lumabas ako at sinarado ang pinto at gate ng bahay namin. Naglakad lakad ako sa tabi tabi, nakita ko pa ang daming tao na naglalakd at 'yung mga ilaw ay maliwanag kaya maliwanag ang daan.
Naalala ko 'yung gabing gusto kong protektahan si Kyle, 'yung tinawagan ko pa sya pero 'di ko alam na sa school pala sya mawawala. Masakit sa part ko ay 'yung pinili nya pa na sya ang mamatay kesa ako... dapat ako...
Naalala ko din si cedrick, 'yung mga sinabi ni Kyle kay cedrick ay tinutupad nya kaya lang baka napipilitan lang sya kaya lang kasi 'yung mga reaksyon nya ang nagpapagulo ng isip ko, girlfriend? Ayaw mawala? Nakipagsuntukan pa? Hays ewan ko sayo cedrick.
Nagulat ako ng may bumusina sa likod ko, naka shorts lang ako at grey na hanging blouse at may patong na kulay black. Kaya hindi ako nilalamig sanay naman akong nakashort.
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]