Chapter 17

76 5 0
                                    

Casanova's Heart 17

**

/Hillary/

**

Mabilis kong pinagsara ang mga pinto sa baba at buti na lang nakalock na kaya umakyat ako kaya sinara ko din pero nakalock na,pumasok ako sa kwarto ko at nilock ang pinto at mabilis akong pumunta sa may terrace ng kwarto ko at nilock, lahat sinecured ko.

Bigla akong kinutuban, hindi ko alam pero bakit bigla akong natakot ng ganito,naisip ko bigla si Kyle kaya mabilis kong dinial ang number nya at ilan beses nag ring bago nya sinagot.

"Hillary? Bakit?" Nagtatakang tanong nya, huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

"Mag iingat ka please? Mangako ka sakin mag iingat ka!" Natataranta na ang boses ko, narinig ko ang mga ingay ng sasakyan, wala pa sya sa kanila.

"Promise." Saad nya, napaupo ako sa kama ko, at hinilamos ang mukha ko.

"Wag mong ibababa ang tawag Kyle hangga't dika nakakauwi sainyo ok?" Tanong ko habang pumikit ako ng mariin.

"Ano bang nangyayari sayo? Pero sige, malapit na rin naman ako." Alam kong nagtataka na sya sa kilos ko pero kailangan ko syang bantayan muna.

"Nandito nako." Sagot nya,"Napasok kana sa loob?" Tanong ko.

"Ah, yes? Bakit?" Nakahinga ako ng maluwag, "Wala goodnight, see you tomorrow." At binaba ko na ang tawag.

Lumipas ang ilan araw at ganon pa rin ang nangyayari, lagi ko ng nakikita ang babae na 'yon, lagi rin nyang pinapakita ang papel na 'goodbye', at may nakakalokong ngiti sa mga labi nya.

Mag isa akong naglalakad sa hallway, umakto ako na normal ang nangyayari sa paligid, pero umiikot ang paningin habang nakayuko tinitignan ko kung may nakasunod sakin pero wala naman akong nararamdaman.

Dumiretso ako sa may locker ko at binuksan ko 'to nakita ko ang mga nakadikit doon.

'Jestin? Fvck. No!
-Ydc

'Bat dika na sumasagot?
-Ydc

'Hillary? Baby?
-Ydc

'Any last words?
-Georginaley

Napabitaw ako sa stickynotes dahil sa panginginig ng buong katawan ko, hindi ko alam kung paano gumalaw dito, georginaley? Parang alam ko kung sino 'yan kutob ko ay 'yung babae na laging sumusunod samin.

Bago pa ako makatalikod ay napatalon ako ng makita ko ang babae sa harap ko, sobrang lapit na nya sa'akin ngayon, nanginginig na buong katawan ko, parang gusto kong matumba o mahimatay dito..

Nakita kong nilabas nya ang kutsilyo kaya nanlaki ang mata ko.

"Ano bang kailangan nyo sakin?" Tanong ko pero nanginginig na ang boses ko. Tumaas ang gilid ng labi ng babae kaya napaatras ako ng ilan steps.

"Kailangan namin..." Parang nag iisip pa sya at pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay nya.

"Ikaw...." At tumawa sya na mala demonyo, bakit ba wala pang dumadaan na tao dito, kailangan ko ng makatakbo, kailangan ko ng makaalis sa harap nya, di ko alam kung ano ang kaya nyang gawin.

"Bat ako?"Ngumisi sya at lumapit sakin kaya napaatras ulit ako.

"Ikaw ang magiging daan para makuha namin si cedrick..." Ngumiti sya pero nakita ko ang pamumula ng mata nya.

"Anong ginawa sainyo ni cedrick? Anong kailangan nyo sakanya..." Nanghihina na ang boses ko.

"Sa totoo lang di sakanya ang papa nya ang may atraso samin pero masyadong mabagsik ang papa nya at di namin maabot kaya sa pamamagitan siguro ni cedrick ay..... makakaganti kami.." Napalunok ako ng ilan beses.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon