Chapter 35

50 3 0
                                    

Casanova's Heart 35

**

CEDRICK POV. (Play audio above)

 

Ramdam ko kanina na may humahalik sakin pero pinabayaan ko na lang, nagising ako alas sais ng umaga at yayakapin ko sana si hillary sa tabi kaso unan ang nahawakan ko. Napangiti ako baka nagluluto lang sya kaya agad akong tumayo at pumuntang kusina pero wala sya, sinunod ko ang cr pero wala din, sa sofa ay wala din saan nagpunta ang baby girl ko?

Kasaya ko kagabi, sobrang saya ko, muntik pa nga akong magtutumbling dahil sya ang katabi ko, tapos 'yung sinabi nyang make love with me hindi ko alam kung seryoso sya doon pero nirerespeto ko sya kaya hindi ako pumayag.

Pumasok ako sa kwarto at napaupo sa kama, sumasakit na ang ulo ko sa kakahanap sakanya, macontact nga baka umuwi na pero nakita kong may papel sa ilalim ng cellphone ko kaya kinuha ko 'yon, napangiti ako na nanggigilid ang luha ko, baka niloloko nya lang ako, baka naman may plinaplano lang sya.

Mabilis akong nag ayos at bumaba nakita ko ang security na nasa may entrance kaya mabilis ko syang nilapitan.

"Nakita nyo ba girlfriend ko?" Kilala nila, tumango sya sakin.

"Kaninang mga madaling araw lumabas sya at nagtatatakbo, umiiyak.. hindi ko alam kung saan nagpunta sir.. pasensya na.."  Napakunot ang noo ko, umiiyak?

Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa kanila kaya nang makarating ako ay agad akong pumasok sa loob at kita ko na umiiyak na ang mga pinsan nyang babae. Napalingon sila sakin.

"S-si hillary?" Crack na ang boses ko, lumapit sakin si xyrile.

  

"Hindi mo ba alam dude? Kaaalis nya lang papuntang ibang bansa..." Parang tumigil ang ikot ng mundo ko...

"Saan sa ibang bansa..." Umiling si tyler, "Hindi namin alam pero baka makakaabot kapa.." Hindi ko na sila pinansin at mabilis akong tumakbo palabas at pinaharurot ang kotse ko papuntang airport. Tangina hindi pwede 'to, sobrang labo na rin ng paningin ko dahil sa mga luha at hindi na ako makapagdrive ng maayos dahil nanginginig ako. Naalala ko 'yung sulat kanina.

Cedrick:

Wag mo na akong hanapin. Let me go. -Hillary

Nahampas ko ng ilan beses ang manibela kinagat ko pa ang ibabang labi ko at nang matigil ko na ang kotse ko sa NAIA ay mabilis akong bumaba at hinanap sya, pero wala akong nakitang anino nya, wala akong nakitang hillary... Nanghihina ang mga tuhod ko, narinig ko na lang na may nagtake off na na eroplano papuntang paris.

"Hillary!" Sigaw ko, pinagtitinginan na ako pero wala akong pakealam, inikot ko ang buong NAIA pero wala na akong nakitang mukha nya. Napaluhod na ako at doon na napahagulgol. Damn it hurts. Ang sakit sakit. Pakiramdam ko nawala ang kalahati ng pagkatao ko.

"Brad." Nagulat ako ng may humawak sa braso ko at nakita kong mga tropa ko.

"Wala na sya, nagtake off na ang sinasakyan nya kanina pa... You're late..." Sabi ni Clarence sakin. Napapikit ako at tumayo.

"HINDI! HINDI SYA PWEDENG MAWALA SAKIN. NANGAKO SYA!" Umiiyak na sigaw ko, ginulo gulo ko pa ang buhok ko. Tangina, di ko matanggap sobrang sakit.

Kinuha ko ang kwelyo ng lalaking dumaraan. "SABIHIN MO DI AKO INIWAN NG GIRLFRIEND KO KUNDI BABASAGIN KO PAGMUMUKHA MO!" Kita kong natakot sya pero agad akong inawat ng mga tropa ko.

Napaluhod na ako at doon na napahagulgol na sobrang lakas, bakla man tignan pero mahal na mahal ko sya. Tangina! Bat nya ako iniwan pakiramdam ko namamanhid na ako, parang nawawalan ng malay, parang mamamatay na sa sakit, hindi ko matanggap na iniwan nya ako! Hindi ko matanggap na hindi nya sinabi sakin 'to. Baliw na baliw na ako sakanya! Bakit ngayon pang binago ko na ang lahat saakin?!

Pakiramdam ko, gumuho ang buong mundo ko... nawasak ang puso ko, namatay buong pagkatao ko sa pag iwan nya sa'akin...

--

HILLARY POV.

Tanaw na tanaw ko ang ulap dito ngayon sa kinauupuan ko. Kasabay ng pagtulo ng maraming luha, naalala ko ang mga pagmumukha ni cedrick, habang kinakausap nya ako, iniisip ko lahat ng masasayang memories namin na ngayon ay hindi na babalik. Isa ito sa malaking pagsisisi sa buhay ko.

Naalala ko 'yung sinabi ng matanda sa'akin, tama sya, may mawawala sa isang maling desisyon ko, ang sabi nya pa puso ang gamitin pero bakit diko nagawa!? Isang malaking pagkakamali ang iwan sya dahil lang dito sa model na 'to!

 

Ngayon wala na sya, wala na ang lalaking pinakamamahal ko.. Ang tumanggap ng buong buo sakin.

 
-

Lumipas ang ilan araw ko dito sa paris, nagsimula na rin akong magmodel model dito pero nawawalan ako ng gana dahil wala ang lakas ko mula nung mangyari 'yon ay nawawalan na ako ng ganang magmodel, lumabas na rin ang 'elle' magazine ko at nagulat ako nung sinabing best seller daw pero sa halip na masaya ako ay hindi ko mapigilan magbalik tanaw.

"Alam mo baby, proud na proud ako sayo! Kalabas ng magazine mo gusto ko ako muna ang unang makakita!"

Meron kaya sya? Sempre wala dahil nasaktan ako at panigurado akong galit na galit sya sakin, wala akong magagawa kasalanan ko 'to.

Napatingin ako sa dalawang magsyota na parang nag aaway at narinig ko ang sinabi ng lalaki sa babae.

"Sabi kasi sayo, ayokong may umaaligid na iba sayo.. Natatakot ako okay?" At umalis na sila, tumulo ang luha ko ng maalala ko kung paano nya sabihin sakin noon 'yan.

"Mahal na mahal kita baby girl, hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko pag nawala ka sa tabi ko kaya natatakot ako pag may ibang umaaligid sayo bukod sakin kasi pakiramdam ko, maagaw ka nila lalo na't wala ako sa tabi mo at nasa company ako..."

Pakiramdam ko ako ngayon ang nagsisisi sa ginaw ako, hindi ko dapat siya iniwan ng basta basta pero wala naunahan ako ng takot at kaba. Hindi ko man lang sya naipaglaban. What a nice gf right?

Ngumiti ako sa langit at tumawa ng bahagya nasasaktan ako ngayon, tumutulo ang luha ko sa mga mata ko pero pinipilit ko pa rin itong pinipigilan. Pakiramdaman ko kaaway ko na ngayon ang pag ibig, hindi ko alam kung may babalikan pa ako sa pilipinas.

Ayokong magmahal sya ng iba, ayokong bumalik sya sa dati pero wala na akong karapatan, tapos na ang lahat sa'min, hindi ko na dapat syang iniisip pero 'di eh mahal na mahal ko sya at kahit kailan hindi ko sya kakalimutan, kahit alam kong wala na akong babalikan.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at tumayo pero dahil yata nakayuko ako ay nakabangga ako kaya napaupo ako.

"Sorry miss--" Napatingin ako sa nagsalita at nanlaki ang mata ko, familiar sya sakin, matanda na sya parang nasa 40's na.

"Hillary?" Tawag nya sakin, nagulat ako dahil kilala nya ako, tumayo ako at hinarap sya.

"Kilala nyo po ako?" Tanong ko, tumango sya at bahagyang tumawa.

 

"Paano kita hindi makikilala eh, bestfriend ka ng anak ko." Nagulat ako, bestfriend?

"Sino po bang anak nyo?" Tanong ko ulit, nagtataka na ako, ngumiti sya sakin.

 

"Si Kyle."

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon