Chapter 9

79 4 0
                                    

Casanova's Heart 9

**

/Hillary/

**

Hindi ko namamalayan na ngayon na pala 'yung laban ng volleyball, hindi ko alam na one week na pala ang nakakalipas, ang bilis talaga ng araw parang kailan lang nag pra'practice lang kami dito.

"Guys, kumpleto na ba kayo?" Tanong ng sir namin, nasa iisang sasakyan lang kami ngayon mga players, para hindi daw magkahiwa'hiwalay.

"Okay, tara na." Sabi nya sa driver at nagsimula na kaming umalis. Hindi ako kinakabahan pag hindi pa lumalaban pero pag nasa court na siguro ako dun ako kakabahan.

Bumaba kami sa isang school, school ba 'to o mansion? Sobrang ganda, sobrang lawak, may mga glasses sa ibang dingding, pumasok kami sa gym, napanganga ako sa sobrang laki, 'yung mga upuan ay bakal meron din sa taas, 'yung ding ding ay glasses, damn. School talaga 'to?

"Hillary." Nagulat ako sa tumawag sakin at nakita ko sila na umupo sa may malapit sa court ng volleyball, naglakad ako papunta sakanila.

Ginoodluck nila kami, nakatingin lang sakin si cedrick na parang natulala na sa pagmasid ng damit ko o katawan? Kumunot ang noo ko at inirapan sya.

"Guys, in five minutes mag i'start na ang game, galingan nyo okahh?" Ani prof. namin, tumango lang kami.

"Warm up muna kayo. " Tumango ako at nilagay ang panyo ko sa may bag na nakalagay sa upuan.

Tumingin kami sakanila at ginoodluck ulit kami, kiniss ng dalawa ang girlfriend nila, hindi naman ako nainggit kaya tatalikod na sana ako...

"Goodluck, hillary..." Tumaas ang balahibo ko sa sinabi nya, tumango na lang ako at naglakad.

Pwumesto kami at nagwarm up, napatingin ako sa side nila, nakita ko si kyle na may banner katulad nila cedrick na sobrang laki, GO VILLAMAR'S LADIES ang nakalagay, napangiti naman kami sa nakita namin, tinignan ko ang kay kyle na, 'GO HILLARY! GO BABY!' Okay, baliw na po sya. At 'yung iba pang taga st. gerald na may kanya kanyang banner na may 'COLEENATICS', 'HANNASTERS', 'HILLIEVERS', COLEEN DEVOTEES, HANNAH LOVERS, HILLARY BUDDIES.

Napanganga na lang ako sa nakita ko, parang may mga fans kami ngayon dahil sa mga banners, tumingin nako sa mga kalaban, malalaki sila kumpara samin, mas ikli ang shorts nila, at ang kulay itim nilang jersey..

Pwumesto na kami kasi oras na, bigla akong kinabahan kaya shinake ko ang mga kamay ko at pomusisyon, si coleen ang magse' serve. Ngayon kinuha nya amg bola at pumusisyon na, hinihintay na lang ang pito ng scorer.

Prrrttt

Nginitian namin si coleen, nag ingay ang buong gym, chineer sya ng mga coleenatics, nasa may pinakaharap ako, ako ang blocker nito. Hinagis nya bola pataas ang ini'spike 'to, at pasok. Napa 'yes' ako sa isip ko pero natira ng kalaban at pumunta sa loob namin na tinira ni hannah at pumasok, nakita kong ispike nung babae 'yung bola kaya mabilis akong tumalon at blinock, nag ingay ang buong school ng may nadapa sakanila at hindi nasalo kasi sa sobrang lakas ng spike nya, nung na block ko at di nya nahabol.

"GO VILLAMAR'S LADIES!" Sigaw ng mga taga st. gerald. Nag 'boo' naman ang mga taga wilsoner.

Pwumesto ulit kami, at seserve ulit ni coleen ang bola, pumasok 'yun.

"SET SET." Sigaw ko. Naalerto naman sila kaya gumawa sila ng set bale ako ang mag i'spike, kapunta ng bola sakin, mabilis kong in'spike at di 'yun natira ng kalaban, tumama lang sa sahig, kaya nag hiyawan na naman ang amin team.

"GO DEVOTEES!"

"GO LOVERS!"

"GO BELIEVERS!"

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon