Casanova's Heart 36
**
Titig na titig ako ngayon sa mama ni Kyle, Hindi ko sya agad nakilala pero kaya pala familiar sya sakin, nandito kami ngayon sa isang coffee shop, may coffee sa harap namin pero sya ngumiti sakin.
"Alam mo bang mahal na mahal ka ng anak ko?" Pagsisimula nya, napalunok ako.
"Alam ko lang po gusto nya ako..." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ngumiti lang ang mama nya.
"Bata pa nun si Kyle, 'di nya hilig ang magseryoso sa mga babae, marami ang nagkakagusto sakanya pero wala syang natitipuan, Until one day, umalis ako ng pilipinas, nabalitaan ko na pumasok daw sya bilang katulong sa isang mansion sa pilipinas, hindi pa non kami ganon kayaman kaya siguro gusto nya kaming tulungan pero hindi nandon sya kasi lagi nya kayong sinusundan ni Cedrick. I know magulo pero 'yun ang totoo, may nakilala si kyle na nagtratrabaho din don, georginaley ang pangalan, buong akala ko ay magugustuhan na 'yon ni Kyle pero mali ako..." Natatawa si mama nya, pero kita ko ang pangingislap ng mga mata nya.
Cedrick...
"Hindi maganda ang pakikitungo ni mister adriano, cedrick's father kila Kyle at Georgina at sa iba pang katulong, sinasaktan, binubugbog, pinapahiya sila pero hindi nila kayang lumaban kasi wala silang lakas na kalabanin ang isang Adriano, lalo't na makapangyarihan sila sa bansa lalo na't tropa nya ang pinakamataas kaya gumawa sila ng plano, hindi sumang ayon si Kyle pero ang sabi nila papatayin ka nila kapag hindi ginawa ni Kyle ang paibigan ka at saktan ka...." Nanggigilid ang luha ko, buong buhay ni Kyle sakin nya binigay.
"Pumayag ang anak ko, mula nung nalaman nya na nagkalabuan na kayo ni cedrick ay gumawa na sya move para mapansin mo sya at hindi sya nabigo kasi nakuha nya loob mo, mahal na mahal ka nya, hindi nya kaya ang saktan ka kaya pinilit nya ang makisama sayo para hindi mahalata ng mga kasama nya na hindi ka nya paiibigan, 'yung pagconfess sayo ng anak ko ay totoo 'yon, tuwing uuwi sya sa bahay nun namin ay tumutulo ang luha nya at minsan lasing, ang sabi nya kailangan ka nyang protektahan..." Nakita kong tumulo na ang luha ng mama ni Kyle, Naaawa ako sa mama nya sa totoo lang.
"Pa--paano nyo po nalaman lahat ng ito?" Tanong ko, ngumiti siya sakin at pinunasan ang luha nya.
"Sinabi nya sakin lahat, nung araw na nabaril sya, nilayo ko sya sayo dahil nagalit ako, natakot ako na mawala sakin ang anak ko, pero nung dinala ko sya dito sa states, naging successful lahat ng operation nya, nakasurvive sya, buhay sya hillary..." Nagulat ako sa sinabi ng mama nya pero kita ko ang tuloy tuloy pa rin ang tulo ng luha nya.
"Nasan po sya?" Tanong ko, ngumuso ang mama nya sa likod ko kaya napalingon at kitang kita ko na nakawheel chair sya at may nagtutulak sakanya,shock lang sya. Mabilis akong tumayo at lumapit sakanya, niyakap ko sya ng sobrang higpit pero tinulak nya ako.
"Pero sa kabila ng pagiging successful ng operation nya, Isang araw ay pinilit nyang umuwi sa pilipinas dahil gustong gusto ka na daw nyang makita at liligawan ka daw nya pero hindi ko inaasahan na maaksidente sya sa sobrang pagmamadali kaya tinamaan ang ulo nya..."
Tumingin ako kay tita, "What do you mean po?"
"May amnesia sya, iha." Feeling ko binuhusan ako ng malamig na tubig tumingin ako kay Kyle at kita kong nakatingin sya sakin ng masama.
"I-ikaw! s-sino ka!?" Sigaw nya, napalunok ako at tumulo ang mga luha ko, kahit papaano ay niligtas nya ako.
"Ako si Hillary, Kyle... Ako 'yung bestfriend mo.." Sabi ko at hinawakan ko kamay nya pero inalis nya agad.
"Hindi kita kilala. Get out of my life." Doon gumuho ng tuluyan ang mundo ko.
Dalawang tao, nawala dahil sa katangahan ko, at dahil sakin.
--
"Okay,pose." Sabi ng photographer kaya nagpose ako, ilan magazine na ang nalalabas ko, bazaar, cosmopolitan, suzyhome, ceci at elle. Lahat ng 'yon ay best seller kaya naman sumikat na ako sa buong mundo.
Isang taon na mula ng iwan ko ang pilipinas at mula ng huli kong makita si Kyle na nasa wheel chair, napangiti ako ng mapakla, damn bullshts hillary.
"Nakakaproud ka talaga hillary, biruin mo best seller lagi ang mag. mo, ang dami na rin sumusuporta sayo, hindi ka na lang basta ordinaryo sa buong mundo.." Sabi sakin ni Joaquin na kasama ko sa pagmomodel.
"Duh. Maganda naman ang mga shots ko sakanya pero bat sya ang best seller!?" Rinig kong sabi ni marga, isa sa mga model pang babae dito. She's Margaret Claire Penelope.
"Manahimik ka nga dyan, Marga, ang OA mo." Saway sakanya ni joaquin, ngumiti ako sakanya pero inirapan lang ako.
"Pagpasensyahan mo na lang 'yun nasanay kasi na sya lagi ang best seller sa magazine pero 'di nya alam na may darating pa na mas lamang sakanya, na maaari syang palitan sa pwesto nya sa ayaw at sa gusto nya.." Pagpapaliwanag ni Joaquin, napatunganga ako sa sinabi nya.
Pero 'di nya alam na may darating pa na mas lamang sakanya, na maaari syang palitan sa pwesto nya sa ayaw at sa gusto nya...
Parang tinusukan ako ng isang milyong karayom sa puso ng marinig ko 'yon. Posible kayang may bago na sya? Wala na akong makontak sa pilipinas dahil hindi na ako nag oopen ng facebook, lahat ng social media accounts ko ay dineactived ko na, nagpalit na rin ng sim.
"Joaquin," pagtawag ko sakanya, lumingon naman agad sya.
"Bakit?"
Huminga ako ng malalim, "Kung papipiliin ka, mahal mo o ang pangarap mo?" Mukhang nagulat sya sa tanong ko.
"Sempre mahal ko, kahit magtagumpay ka sa pangarap mo kung 'di mo kasama ang taong mahal mo parang wala ding saysay," Napahinto ako sa sinabi nya, tamang tama ang sinabi nya.
"Kasi isipi mo 'to, para ka lang namimili ng course dyan, 'yung gusto mo o 'yung gusto sayo, minsan kailangan kung ano ang nasa puso natin ay 'yun ang sinusunod,"
"Yung isip kasi madalas puro sakit sa puso lang ang dinadala sa buhay natin," Napatitig ako sakanya, hindi ko rin maiwasan mamangha sakanya.
"Bakit mo natanong?" Tumikhim ako at hinarap sya."I had a boyfriend in Philippines, we love each other so much... before, sinusuportahan nya ako sa kahit saan, siya ang nagche'cheer up sakin, kahit ayaw nyang magmodel ako kasi medyo possessive ay pumayag sya dahil si mama ang kalaban nya, until one day sinabi sakin na may napirmahan ako na contract at papuntang paris," Huminto muna ako at pinilit kong ngumiti.
"Pinili ko ang makipagbreak sakanya pero hindi personal kundi iniwan ko na lang sya agad at sabi ko na wag nya na akong hahanapin at pakawalan na nya ako, 'yung ang pinakamahirap na desisyon na kinaharap ko, mas pinili ko ang pangarap ko kesa sakanya..." Nagcrack ang boses ko kaya napatingin sya sakin.
"Alam mo hillary, mali ka ng naging desisyon, dapat ay hindi mo sya hiniwalayan o iniwan, kung may tiwala ka sakanya sasabihin mo tungkol dito," tinuro nya pa ang stage.
"Masyado kang naging masunurin, hindi mo na naisip ang mararamdaman ng iba, pero wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lang ang naging desisyon mo," Tumango tango ako sakanya.
"Kasi walang kwenta ang pagiging sikat mo kung sarili mong mahal 'di ka masuportahan."
BINABASA MO ANG
Casanova's Heart[Villamars Series #3]
Romance#3: Lovely Hillary Villamar's story. [Completed]