Chapter 24

78 4 0
                                    

Casanova's Heart 24

**

Shock pa rin ako sa mga fanpage and fansclubs na ginawa nila samin ni cedrick, hindi ko alam na baka mabash ako nito.

Nasa lap pa rin ang laptop na may patong na unan kasi mainit ang nasa baba nito. Napailing na lang ako at clinick ang mga messages sakin. Bumungad sakin ang halos nasa limang daan na messages, seriously? Napatingin ako sa nag pop up na message.

Jestin Arvie Gabriel

Sya: Ate si jestin 'to 'yung nakabangga sayo.

Ako: Ah yes. I know you.

Sya: Ang sungit ng boyfriend mo ate.
 

Ako: Ganon talaga 'yon, wag mo na lang pansinin.

Sya: Sinuntok nya pala tropa ko. Si Eli?

Ako: Sinong eli?

Sya: I mean si Warden ate.

Ako: Kilala mo sya? Teka kasama ka ba sa Ydc?

Sya: Yup, actually leader 'yung si warden pero 'di sya makasuntok kay cedrick dahil takot lahat sakanya.

Ako: Ano ba kayo mabait si cedrick. Medyo masungit nga lang pag 'di close.

Sya: Mahal ka kasi nya ate.

Ako: Ni cedrick? Ah.. oo.. hehe

Sya: Not kuya cedrick.

Ako: Huh? Sino?

 

Jestin is now offline....

Huh? Nag offline na sya diko man kilala kung sino, napailing na lang ako, kasali pala sya sa ydc? Pero bat diko sya nakita nun sa loob ng storage room? Napailing na lang ako.

Bumungad ulit sakin ang isang pang message na nag pop up.

 

Warden Eli Sebastian

Sya: Hello ate..

Ako: Hello? Ikaw ba 'yung sinuntok ni cedrick? Sorry ah. Nahuli ako sana hindi ka nasuntok.

Sya: Ok lang 'yun ate, Isang beses lang naman nya akong nasuntok buti dumating ka nga baka mapatay nya ako sobra kasing magselos.

Ako: Seloso eh. Hayaan na natin sya.

Sya: Hahaha. Ikaw talaga.

Ako: Pwede ko bang malaman meaning ng YDC?

Sya: Sure. You're drop-dead cool

Ako: Ah. Wow ang cool nga. Hehe

Sya: Ang bait mo talaga ate hillary kaya ang daming nagkakagusto sayo.

Ako: Ah.. Hindi naman siguro..

Sya: Bawal na ba talaga kitang kausapin sa personal?

Ako: Si cedrick kasi e..

Sya: De joke lang ate. Sige po. Goodnight, See you tomorrow.

Ako: Goodnight eli.

Sya: 143 :*

Tapos nag log out na sya, teka anong 143? Anong ibig sabihin non? Hindi ko na nireplayan dahil nakita ko ang mga pinsan kong lalaki na padating.

"Oh bat kayong tatlo lang? Nasan 'yung dalawa?" Tanong ko, Umupo sila at nag alis ng medyas at sapatos.

 

"Parang 'di mo naman alam, sempre may boyfriend 'yung dalawa. Buti nga ikaw 'di mo kasama bf mo. Tch." Si tyler na ang sumagot, aba himala? Nagsasalita na ulit ng mahaba.

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon