Chapter 6

82 4 0
                                    

Casanova's Heart 6

**

/Hillary/

***

Tulala akong nagising sa isang kwartong kulay itim ang wall na may skyblue at ang dingding na kulay puti, ang kama na sobrang laki, ang mga panlalaking gamit, hindi ako makagalaw dahil hindi ko alam kung anong una kong gagawin.

Natulala pa rin ako dahil hindi ko alam kung napano ako, hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito, anong nangyari? Bat wala akong maalala sa nangyari sakin.

Biglang bumukas ang pintuan na malaki at nakita ko syang may dala dalang pagkain, siya? Bat nandito sya?

"Hillary," tawag nya sakin. Naka topless sya at kita ko ang mga abs nyang sobrang lalim, sht. Tinignan ko ang damit ko kung nandito pero nagulat ako ng iba na ang damit ko.

"Anong nangyari?!" Sigaw ko, at napatayo sa kama. Binitiwan nya ang tray sa may mesa at lumapit sakin, kinakabahan ako, anong nangyari? Wala na ba pinaka iingatan ko?

"Don't worry hillary, hindi ako ang nagpalit ng damit sayo, manang aida, 'yung head ng mga chef namin dito, wag kang matakot. Chill." Biro nya pa, nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya at nilibot ang tingin ko sa kwarto nyang sobrang laki parang three/4 lang ng kwarto ko.

"This is my room, wag kang matakot, uuwi naman kita pero mamaya na dahil madaling araw na, ala una na." Sambit nya.

Inalala ko ang nangyari kanina, may babaeng nagbigay sakin ng panyo 'yung nakita namin sa may puno non, damn may kinalaman ba sya sa pagkawala ng malay ko?

"Ang sabi mg doctor kanina na pumunta dito ay stress lang daw ang dahilan ng pagkahimatay mo at 'yung lagi mong pag iyak. Tsss..." Sambit nya, nakahinga ako ng maluwag nung sinabi nyang walang kinalaman 'yung babae.

"Salamat." Bati ko sakanya, tumango lang sya at inabot nya sakin ang bag ko, "Kanina pa may tumatawag, di ko lang masagot baka kung anong isipin."

Nanlaki ang mata ko at mabilis na kinuha ang cellphone ko at nakita ko ang sandamakmak na messages at missed calls. Paktay! At kita kong mas marami ang calls ni xyrile nasa sixty five yata at sa text naman ay si hannah, nag aalala sila panigurado, ang last missed calls ay 01:06, ang oras na ngayon ay 01:23am, damn it.

Tatawagan ko sana sila pero biglang nag ring, at nakita kong si xyrile 'yon, hinanda ko na ang tenga ko pwedeng isigaw sakin. Kasagot ko ay nilagay ko sa tenga ko.

"DAMN IT HILLARY! WHERE ARE YOU!?"

"BAT NGAYON MO LANG SINAGOT ANG TAWAG!?"

"ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA!? FUCK!!"

"NASAN KA?! ANSWER ME!! DAMN IT."

Nailayo ko ng bahagya ang cellphone ko sa tenga ko sa mga sigaw nyang sobrang lakas, dinikit ko ulit at sumagot.

"Huminahon ka xy, please." Sambit ko, narinig ko ang malulutong nyang mura at ng iba ko pang pinsan.

"Uuwi ako mamaya, Don't worry, I'm safe. Kwento ko na lang mamaya okay?" Tanong ko, huminga sya ng malalim dahil narinig ko 'yun sa kabilang linya.

"Okay, okay, we're worried, fvck." Sambit nya, halata naman puro sya mura ang iba kong pinsan e.

"Yes, don't worry. Goodnight, matulog na kayo, oras na." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at binaba ko na ang tawag.

Napatingin ako kay kyle na nasa may pintuan na padating may dala ulit na tray, at nilapag sa may gulong na maliit na mesa at tinulak papunta sakin.

"Kumain ka muna." Tumango na lang ako at kumain, gutom na rin ako dahil ilan oras akong walang kain.

**

Lumipas ang isang linggo mula ng mangyari 'yung pagkakatira ko sa bahay nila kyle, 'yung mga pinsan ko naman ay matagal bago naintindihan ang kwento ko, dapat daw ay sinabi sakanila para hindi na lang ako sa bahay ni kyle natulog may point naman.

Hindi ko na rin masyadong nararamdaman si kyle mula nung mangyari 'yun, hindi ko alam kung umiwas ba sya o may ginagawa lang na importante. Kaya hindi ko na lang sya hinahanap.

Pumasok ako sa kwarto namin na may ilan estudyante pa lang ang nandito kaya lalabas pa sana ako pero nakita ko si cedrick padaan, papasok ulit ako pero bigla nyang hinigit ang kamay ko at hinila papunta sa laboratory, nakita pa dito 'yung mga ine'experiment.

"Cedrick!" Tawag ko sakanya, kinorner nya ako gamit ang braso nya,tinignan nya ako ng diretso sa mga mata nya. Isang linggo ko din syang hindi nakita dahil umiwas ako, hindi ako sumasabay sa mga pinsan ko, ngayon nakita ko ulit sya.

"Isang linggo, hillary. Isang linggo kang umiwas." Nagulat ako sa sinabi nya, ginantihan ko sya ng tingin, "Ano naman sa'yo?" Tanong ko sakanya.

"Damn it hillary, 'yung nangyari sayo ang di ko makalimutan! Gusto kong tignan kung okay ka! Gusto kong malaman kung anong nangyari pero di kita nakita kaya para akong baliw na naghahanap sayo tapos iiwasan mo lang ako?!" Sobrang lakas ng sigaw nya, nangalambot ang mga tuhod ko, kitang kita ko ang lungkot sa mata nya.

"Hillary... nag alala ako kasi ako 'yung huli mong kasama nung mga oras na nahimatay ka. Dahil pagsisisihan ko ng habang buhay at hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo..." Nakita ko ang pamumula ng mga mata nya at kinagat nya ang labi nya..

"I still care about you, hillary.." Sambit nya at iniwan na ako dito, natulala ako sa nangyari, parang di ako makagalaw, parang may mabigat na bato na nahulog sakin, nangalambot ako ng makita ko ang itsura na parang sarili nya ang sinisisi nya.

Parang dumoble na naman 'yung nararamdaman ko sakanya, parang bumalik 'yung pagmamahal na dati ko pang tinatago, 'yung kanina nandito sya sa harap ko parang gusto ko syang yakapin ng sobrang higpit, parang gusto kong sabihin sakanya na, mahal na mahal ko sya at miss na miss ko na..

"I miss you, cedrick." Bulong ko sa sarili ko at tumulo ang mga luha ko na kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko.

*

Lumipas siguro ang ilan minuto bago ako lumabas ng laboratory, Inayos ko muna ang sarili ko cr ang mga make up ko na nagkasamix inayos ko buti na lang at water proof 'yung ibang make up na nasa mukha ko.

Lumabas ako ng banyo at naglakad, ayokong makita si cedrick parang diko sya kayang harapin katapos ng mga sinabi nya pero nananadya yata ang tadhana dahil nakita ko syang may hawak na bola kasama sina jiro, clarence, tristan, michael at carlo.

Nanlaki ang mata ko at aalis na sana ako pero may tumawag sakin, damn it. Napapikit ako ng mariin at humarap sakanila. Nakita kong nasa baywang ni cedrick ang bola habang nakatingin sakin at napapaiwas ako ng tingin.

"Hello, hillary." Bati ni michael, tumango lang ako sakanya, "Hm.." damn, bat di ako makapagsalita.

"Okay kana ba? Nakwento sakin ni coleen 'yung nangyari." Sambit ni clarence habang nakapamulsa.

"Ahh.. oo," sinubukan ko pang ngumiti.

"Hillary?" Kita kong tawag ni kyle sakin na nasa likod siya nila cedrick, lumapit sya sakin at bigla akong niyakap kaya nanlaki ang mata ko. Pati ang mga kasamahan ni cedrick ay nanlaki ang mata pero sya wala syang emosyon pero kinagat nya labi nya.

"Damn it, let's go." Aniya at umalis na sila ng mga kasamahan nya, mabilis na humiwalay sakin si kyle nang makaalis na sila cedrick.

"Ano yon?" Tanong ko agad sakanya, "Diba halata? Si'nave kita sakanya alam ko sa tingin mo palang ayaw mo na syang makita." Napatango na lang ako sa sinabi nya.

"O-okay..." Sagot ko, "Let's go, mag uusap din tayo." Aniya at hinila ako.

Ano daw?

Casanova's Heart[Villamars Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon